Dina Bonnevie wants to conduct workshops for actresses who do remakes of her old films

Dina Bonnevie (in photo) on doing movie remakes: "Sa akin, sana naman kung mayro’n remake, if not as good, better. Pero pag ni-remake na, it’s worse, parang sinayang mo naman."


Isang challenge para kay Dina Bonnevie na gumanap bilang Kristine sa teleserye sequel ng pelikulang P.S. I Love You, na ipalalabas sa TV5.

Si Sharon Cuneta kasi ang orihinal na gumanap sa karakter na iyon, kung saan katambal niya ang reel- at real-life loveteam partner niya noon na si Gabby Concepcion.

This time, si Dina ang gaganap sa dating role ni Sharon; at si Gabby pa rin ang gaganap sa dati niyang role.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Dina kagabi, Nobyembre 16, sa presscon ng P.S. I Love You na ginanap sa Renaissance Tower sa Ortigas, Pasig City.

Inamin ni Dina na sa una’y talagang nahirapan siyang gampanan ang karakter ni Kristine, dahil na rin sa karamihan ng mga ginampanan niyang karakter ay palaban o matapang.

Paliwanag niya, "Kasi nga, on the first few scenes, nakikita ko si Dina, si Kristine ito, and Kristine is weak.

"So, medyo nahirapan ako na I have to keep remembering that Kristine is weak.

"But then later on, actually nakakuha din ako ng strength do’n, kasi kahit weak siya, mayro’n siyang inner strength na hindi niya lang mailabas.

"And because she’s weak, it’s the first, first soap I’ve ever done na super-duper daming breakdown."

ON REMAKES. Dahil parang remake na rin ang gagawing teleserye na ito ni Dina, inalam ng PEP ang opinyon niya tungkol sa ginagawang remake ng mga dating pelikula o teleserye.

Ilang pelikula na rin kasi ni Dina ang ginawan ng remake ng iba’t ibang network.

Ilan sa mga ito’y ang Katorse (1980), Magdusa Ka (1986), Maging Akin Ka Lamang (1987), at Gumapang Ka Sa Lusak (1990).

Si Erich Gonzales ang gumanap sa papel noon ni Dina bilang Elena sa TV remake ng Katorse.

Si Katrina Halili ang gumanap bilang Christine sa Magdusa Ka,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nadine Samonte ang gumanap bilang si Elsa sa Maging Akin Ka Lamang.

At si Jennylyn Mercado ang gumanap sa papel na Rachel sa Gumapang Ka Sa Lusak.

Para sa aktres, maaaring maging "good or bad" ang maramdaman niya tungkol dito.

Sabi ni Dina, "Sa akin, sana naman kung mayro’n remake, if not as good, better.

"Pero pag ni-remake na, it’s worse, parang sinayang mo naman.

"Good kung ’yong gumanap ng remake, magaling.

"Pero, bad kung ang gumawa ng remake, e, parang, ’Oh, my gosh, bakit siya ang pinili?’

"Parang, ’Hello, sinira ’yong masterpiece!"

Naintriga ang entertainment press sa naging pahayag na ito ni Dina.

Kaya naman, sinubukan siyang tanungin ng PEP kung sino ba ang tinutukoy niyang aktres na hindi niya nagustuhan sa ginawang remake sa kanyang pelikula.

"I don’t want to name names," nangingiting sagot ni Dina.

"Alam ninyo naman kung ano ’yong mga movies ko ang ni-remake na.

"’Yong iba talagang, ’Bongga, ha, may arrive!’

"Pero mayro’n iba na, ’Utang na loob lang, sinira mo ang pagkaganda-gandang masterpiece. Lumayas ka sa TV dahil hindi ka bagay!’"

Biro pa nga ni Dina, "Gusto kong tawagan ang aktres na, ’Puwede ba pumunta ka sa bahay ko, parang iwo-workshop lang kita, ’neng. Parang sinira mo ’yong masterpiece!’"

KRISTINE’S PREGNANCY. Samantala, kinumusta rin ng PEP kay Dina ang daughter-in-law nitong si Kristine Hermosa.

Si Kristine ang asawa ng anak na lalaki ni Dina na si Oyo Sotto— anak niya sa actor-TV host na si Vic Sotto.

Kasalukuyang nagdadalantao si Kristine.

"She’s okay naman," masiglang sagot ng aktres.

"Ang ganda niyang magbuntis, just like Danica.

"Hindi tumataba, tiyan lang lumalaki and ever gorgeous pa rin."

Nasa pangwalong buwan na ng pagbubuntis si Kristine, kaya naman posible na sa susunod na buwan o sa Enero ng susunod na taon ito manganak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hiling sana nila, "We’re hoping na hindi siya manganak ng December muna.

"Kasi nga, the same year na ikinasal sila, the same year din siya nanganak.

"So, sabi ni Oyo, ’Ma, sana manganak siya ng January. Pero, eight months na siya, e, baka, baka manganak siya ng December.’

"Pero kung hindi naman, aabot pa ng mga second week ng January."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN