Ara Mina happy about three-year relationship with non-showbiz boyfriend

Magiging maningning daw ang Pasko ni Ara Mina ngayong taon. Bukod kasi sa walang intrigang nadidikit sa pangalan niya at ng kapatid na si Cristine Reyes, masaya raw ang aktres sa tatlong taon na nilang relasyon ng kanyang non-showbiz boyfriend.


Blooming at sexy ang aktres na si Ara Mina nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving ng Allura Slimming Center sa Timog Avenue, Quezon City, noong Martes, November 15.

Isa si Ara sa endorsers na dumalo sa maningning na okasyon ng naturang clinic.

May ilang buwan na rin siyang regular na bumibisita rito para sa kanyang non-invasive thermolipolysis treatments.

Aniya, "Ang original weight ko is, from 147 naging 130, so mga 17 pounds ang na-lose ko.

"Pero mas ano ako, e, more on inches. Yung weight ko mabagal magbawas, pero mabilis yung sa inches.

"Kaya nga yung waistline ko, from 29 naging 25."

Malaki na nga ang ipinagbago sa katawan ng aktres at base sa hitsura nito ngayon, halos hindi aakalain na 32-anyos na siya.

THREE YEARS AND COUNTING... Bukod dito ay natural ding naggo-glow si Ara dahil masayang-masaya siya ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Tatlong taon na rin ang itinagal ng kanyang relasyon subalit ayaw pa rin ni Ara na pangalanan ang kanyang nobyo.

Aniya, "I keep it that way na lang para hindi na magulo.

"In fairness naman, di ba? Tahimik ang lovelife ko simula noong non-showbiz ang naging boyfriend ko."

Bagamat in general ay maganda ang takbo ng kanyang buhay pag-ibig, wala pa raw balak magpakasal si Ara at ang kanyang kasintahan.

Subalit umaasa siya na darating din ang panahon na haharap siya sa dambana.

"Hopefully, before ako mag-35, may masasaksihan na kayo," nakangiting sambit ng aktres.

"Siyempre, I’m not getting any younger.

"Yung mga ka-batch ko, like sila Jessa Zaragoza, may asawa na, may mga anak na at ang lalakí na.

"Hindi naman sa naiinggit ako, pero kumbaga gusto ko rin magkaroon ng pamilya.

"Sayang naman yung lahi," pagbibiro ni Ara.

Dagdag niya, "Darating din tayo dun. Ayoko naman maging mag-isa.

"Baka maunahan pa ako ng kapatid ko. Hinay-hinay lang. Ako muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes ay may relasyon ngayon sa kapwa Kapamilya talent na si Rayver Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN