Lucy Torres-Gomez on acting as full-time career: "Iwan na lang natin sa mga marurunong"; appears in Panday 2 in exchange for four classrooms

Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg">

Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg">

Lucy Torres Gomez on entering politics: "Siguro in my case, I just respect the opportunity, I respect this chance to be able to do something with the real purpose. Yung masaya lang ako dahil dumating sa time na bata pa ako, may energy pa ako."


Hindi itinuturing na "first and last movie" ni Ormoc Representative Lucy Torres-Gomez ang Panday 2, isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011.

Pinagbibidahan ito ni Senator Bong Revilla.

Pero hindi raw kailanman gagawing career o propesyon ni Lucy ang pag-aartista.

"Ay, hindi talaga, walang pagdadalawang-isip," mabilis na tugon ni Lucy nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung tuluy-tuloy na ang pagsabak niya sa pag-arte.

Dagdag pa niya, "Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko.

"Alam kong, now, I have naman...na may choice naman ako ngayon.

"I don’t have to be...it’s not like na nakataya ang buhay ko or ang kinabukasan ko.

"Kasi marami, di ba, maraming pumapasok sa pag-aartista kahit hindi nila hilig kasi kailangan nila ng work?

"So, in my case...iwan na lang natin sa mga marurunong."

NOT INTERESTED. Wala raw talagang hilig sa pag-aartista si Lucy kahit noong nag-aaral pa lang siya.

"No talaga, e," sambit niya.

"Even before nung hindi pa ako na-discover for a commercial, college pa lang ako, palagi akong kinukuha.

"There are casting agents... Kunwari nasa mall ako here in Manila, a casting agent giving me calling card, ’Mag-artista ka.’

"It was...I was never attracted to it.

"I never considered it kahit pabiro, ’Ano kaya mag-artista ako?’ Never."

Tatlong propesyon daw ang sinabi niya noong hindi niya gagawin: "Hindi ako mag-aartista, hindi ako magpupulitika, hinding-hindi ako magbu-beauty contest."

Pag-amin ni Lucy, "Pero nasira yung pag-aartista at saka yung pagpupulitika.

"Kasi in showbiz, parang meron na rin ako, di ba?

"Pero hindi talaga ako mapipilit na mag-beauty contest."

Wala raw kinalaman ang pagsusuot ng swimsuit sa rason ni Lucy kung bakit ayaw niya ng beauty contest.

Sabi niya, "Kahit kontes na walang two-piece or hindi magsusuot ng two-piece, ayoko.

"Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaliwanag si Lucy kung bakit nabali ang desisyon niyang hindi siya magsu-showbiz at hindi rin siya kailanman magpu-pulitika.

"Kaya nga lagi kong sinasabi palagi...marami tayong planong ginagawa, marami tayong sasabihin na eto oo, eto hindi.

"In the end, it’s never up to us.

"Ano lang talaga tayo...na parang sundalo.

"Kahit anong laban mo, doon ka talaga pupunta."

Pero ayon kay Lucy, nag-e-enjoy na siya sa pulitika kahit may mga pagkakataong nahihirapan siyang manghingi ng tulong para sa kanyang distrito.

"Wala naman yun sa hirap...

"Siguro in my case, I just respect the opportunity, I respect this chance to be able to do something with the real purpose.

"Yung masaya lang ako dahil dumating sa time na bata pa ako, may energy pa ako."

Mula nang pumasok sa pulitika, kapansin-pansing wala pang intrigang ibinabato kay Lucy sa paraan ng paghawak niya sa kanyang distrito. Napakalinis nga raw ng image nito.

Sabi naman ng kongresista, "Hindi lang sa malinis sa image.

"Ang challenge lang talaga sa pulitika is how you deal with people, kasi lahat ng klaseng karakter, nandoon na."

CLASSROOM PROJECT. Ang pagpayag daw ni Lucy na lumabas sa Panday 2 ay para sa mga batang mag-aaral ng Ormoc.

"Ang kapalit no’n, classrooms," pagtatapat niya.

"Saka alam ko na ang Panday ay fantaserye na ang magiging role ko lang naman ay engkanta, white lady.

"Wala namang engkantang baliw na nag-a-acting-acting, umiiyak-iyak!"

Isang araw lang daw ang pangungumbinsi sa kanya ni Senator Bong para tanggapin niya ang offer.

Kuwento ni Lucy, "Wala naman siyang matinding convincing approach.

"Tinanong lang niya ako kung...pinatanong niya yung manager ko kung puwede raw akong sumali sa Panday.

"And then, may talent fee.

"Sabi ko, parang hindi naman yata makatarungan na tatanggap ako ng talent fee sa isang bagay na hindi ko naman talaga trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para akong nahiya...nahihiya ako.

"Alam kong may artistang puwedeng gampanan or gampanan talagang mabuti yung...

"In-explain nga ni Sen. Bong na engkantada nga raw, nasa bukid, nasa kagubatan.

"So, naisip ko, naging malikot yung utak ko.

"Ang dami kong shortage na classrooms. Alam kong hindi kaya ng gobyerno.

"Kailangan kong magsipag sa sarili naming koneksiyon.

"So, ’Okey, ganito na lang. Tanungin mo si Senator Bong, gagawin ko ito kung bibigyan niya ako ng classroom.’

"Kasi binigyan na ako ni Senator Jinggoy ng apat na classroom.

"So, sabi ko, kung puwede bigyan rin ako ni Senator Bong ng apat na classroom.

"So, ayun.

"Siguro kung may ginagawang movie si Senator Jinggoy, nakikita mo akong bumabaril, tuma-tambling!

"Kasi kaibigan namin si Senator Jinggoy. Kababago pa lang akong panalo noon.

"Nagulat lang ako sa kanya.

"Sumulat lang ako sa kanya na baka from yong funds niya, baka puwede naman siyang magbigay sa distrito ko.

"Ay, isang tawag lang yun. Ganun din si Senator Bong."

Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg">


Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg"> Panday 2 in exchange for four classrooms" data-url="https://www.pep.ph/news/31963/lucy-torres-gomez-on-acting-as-full-time-career-iwan-na-lang-natin-sa-mga-marurunong-appears-in-pand" data-desc="Lucy reveals why she agreed to appear in Panday 2." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a2d009f15.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN