Gretchen Barretto warms up to Angelica Panganiban on the set of latest soap

Gretchen Barretto on her relationship with Alta co-star Angelica Panganiban: "Okay na okay na kasi nagkausap na kami, so nalabas na namin yung reluctancy namin."


Naging issue noon ang naging hidwaan sa pagitan nila Gretchen Barretto at Angelica Panganiban.

Doon umusbong at tuluyang sumikat din ang mga linyang, "Single ka teh?" na nanggaling kay Angel.

At ang famous line naman na,"You want war, I’ll give you war. I’ll be there in my red stilettos," na naging buwelta naman ni Gretchen sa nobya ni Derek Ramsay.

Dahil nagkaayos na sila at ngayon nga’y magkasama sa seryeng Alta ng ABS-CBN, marami ang nag-aabang at nagtatanong kung simula na raw kaya ito ng pagkakaibigan sa dalawang aktres.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gretchen noong Lunes, Nobyembre 14, sa pictorial ng nasabing serye, kinumusta namin sa kanya ang naging samahan nila ni Angelica sa unang araw ng pagtatrabaho nila.

Saad ni Gretchen, "Okay na okay na kasi nagkausap na kami, so nalabas na namin yung reluctancy namin.

"Nakilala ko si Angelica, although tahimik si Angelica compared to KC [Concepcion].

"Kasi kami ni KC, talagang kuwentuhan nang kuwentuhan.

"Napapansin ko ang Angelica’ng ito, aba, nag-e-emote na!

"Sabi ko, ’Ganun ha, teka lang KC, serious, work pala ito.’

"Siyempre pag first day, excited ka, you forget na nao-overwhelm ka pa, so dapat focused.

"So I learned from Angelica, focused pala, ha."

Pabiro pa niyang hirit, "Kung lalabas kami? Sure, with Derek? Hahaha!

"I’m just joking...of course we will be friends.

"We will be working for the next six months, wala kaming choice.

"We have to be friends and enemies, but of course only sa eksena lang.

"Sabi ko nga, today is the first day, there will be many, many more days.

"And I know this will come to an end and I promised that I’m going to enjoy every moment of the taping—that’s what I’m doing now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

END OF THE WORLD. Sa panayam kay Angelica ay nasabi ng aktres na it would be the end of the world na pag kasama nila si Derek sa isang proyekto.

Hiningi ng PEP ang reaksiyon ni Gretchen tungkol dito at kung sa palagay ba niya ay magkakailangan kung kasama nga nila ang hunk actor.

"Wow! Why, it would just be the beginning for me!" pabiro niyang bulalas.

Pero sa seryosong tono, sabi ni Gretchen, "A, hindi magkakailangan, yun lang, yun, magiging masaya.

"Alam mo sa bawat project, kailangan may tension, you believe in that, kailangan may tension para may excitement.

"Sa akin, gasoline ’yan para maging fiery yung proyekto and we need that."

BONDING MOMENTS. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanila ni Angelica, masaya si Gretchen sa lahat ng bumubuo ng Alta kung saan nga sa iilang panahon pa lang ng pagtatrabaho nila ay may mga bonding moments na sila ng cast.

"We shared secrets, of course our secrets.

"Sa workshop, we really go deeper, the cutie stuff...yung emotions mas mapi-feel mo yun sa first day.

"’Ano kaya, magkakasundo kaya kami ng mga ito?’

"Medyo magkakailangan in the beginning, and then pag nagtatrabaho na kayo, in synch na kayong lahat.

"Parang si Angelica, na-embrace na niya ang character niya.

"Ako, I have to embrace my character as Marga.

"Marga na ang pangalan ko.

"Ang saya kasi noon [sa Magkaribal] Victoria, now it’s Marga."

Tulad ng Magkaribal, tiyak na patalbugan hindi lang daw sa outfits dito kundi mas higit sa pag-arte kung saan mahuhusay na mga artista ang mga kasama ni Gretchen.

"Gusto natin yun at gusto rin ng mga manonood’yung makakita ng mgagandang outfits, make up, yung ayos iba-iba.

"Makikita mo lahat dito excited sa set, hindi siya parang trabaho.

"More than labanan at patalbugan, I guess labasan ng kung ano mang talento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We all have our forte, we will put it together as a group, as a team, as Alta.

"Ibibigay namin ang pinakakaya naming ibigay, higit pa sa kanya naming ibigay sa aming mga manonood.

"So you have something to look forward to sa first year of 2012," pangako niya.

SUPPORT FROM TONYBOY & DOMINIQUE. Tinanong din namin si Gretchen kung gaano ka-supportive ang partner na si Tonyboy Cojuangco at ang anak na si Dominique sa bago niyang serye.

Aniya, "Very supportive si Tony.

"Sabi ko nga, kagabi, hindi ako makatulog. Sabi niya, ’You look so happy. You look happiest talaga when you’re working.’

"And this morning, tinutukso niya ako kasi ang aga-aga ko daw nagising.

"Si Dominique nasa Beijing siya and I don’t think excited siya.

"Sabi niya, ’Mom, I want you to take me to school, don’t work anymore.’

"I said, ’Mommy has to work, it’s a must for me.’

"Para sa akin, necessity talagang magtrabaho because it keeps me sane at dito sa industriyang ito...

"I said in the past 13 years nag-umpisa na akong mag-shooting, bago pa yung 14 Going Steady, so eto na ang buhay ko.

"Ito ang nagbibigay saya sa akin.

"Hindi ko makakalimutan kung saan ako nanggaling at kung saan ako dapat manatili.

"Dito yun, sa industriyang ito."

THE PRESSURE. Naging very successful ang Magkaribal, may pressure kaya kay Gretchen na kung hindi man pantayan dapat ay higitan ito ng Alta?

"I try to really stay away from that. Ayoko nang isipin yun.

"Right now, I just want to enjoy the moment. I just want to enjoy Alta.

"And alam ninyo, kung binigay namin ang best namin sa Magkaribal, I promise that I will give more than my best.

"Siyempre nagpahinga din tayo from teleserye, from emotions, so marami do’n akong naipon and all."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN