Alex Gonzaga on past relationship with Kean Cipriano: "Wala. Hindi siya nag-sorry."

Alex Gonzaga on her past relationship with Callalily vocalist Kean Cipriano: "Hindi naman sa nadala, mas nakilala ko lang siya ngayon. Alam na namin ngayon kung paano ita-trato ang isa’t-isa. Alam na namin kung ano ang ugali niya at kung ano ang ugali ko."

Alex says: "Wala. Hindi siya nag-sorry."


Next year, asahang mas marami pang acting projects ang gagawin ng "original TV5 primetime princess" na si Alex Gonzaga, ngayong malapit na siyang magtapos sa kolehiyo.

Sa press launch para sa kanyang bagong lalabas na serye sa TV5, ang P.S. I Love You, noong Nobyembre 16, masaya nitong ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ga-graduate na siya.

"Hindi po ako nag-stop sa pag-aral, nadi-delay dahil konti lang yung mga kinukuha kong mga subjects.

"Pero ngayon, last sem ko na ito, ga-graduate na ako," masaya niyang lahad.

Humanities with Special Education and Education ang kurso ni Alex na kinuha niya sa loob ng halos anim na taon.

KEAN CIPRIANO. Biniro namin siya na baka ang pagkakawindang niya sa diumano’y secret love relationship nila ni Kean Cipriano ang rason ng pagkaka-delay ng pagtatapos niya ng kolehiyo.

Nagulo ba ni Kean ang utak niya kaya hindi siya nakapag-concentrate sa pag-aaral nitong nong nakaraang taon?

"Hindi niya nagulo, naiayos nga niya!" birong tugon muna ni Alex saka nagseryoso sa sasabihin.

"Wala, siguro dahil ano lang, sa trabaho lang dahil napupuyat.

"Minsan maaga ang class ko, kasi pinapakuha sa akin ang maagang class para hindi ma-delay sa taping.

"So, hindi ako nakaka-attend sa class kaya lagi akong late," paliwanag niya.

Pahaypaw na inamin ni Alex ang ginagawa niyang pagtakas sa bahay nila para lang makapaglakwatsa. Pero ngayon ay tinigilan na raw niya ito.

"Hindi na ako tumatakas... kase pag tumatakas ako, tinatawagan ng mommy ko yung mga kasamahan ko.

"Ayoko nang tumakas.

"Pero hindi naman talaga takas. Like, after ng taping, nanonood muna ako ng sine," saad niya.

Tumatakas ba siya para makipagkita kay Kean noon?

"Hindi naman tayo tumatakas...may gigs kasi siya, e. Kaya hindi tayo nakakapanood."

Pero umamin rin itong minsan ay binisita niya si Kean.

"Noon, kami nina Direk Joyce [Bernal], nanonood kami. Pero ngayon nag-stop na ako," sabi ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TO SHOWBIZ GUY. Nililinaw ni Alex na hindi siya pinagbabawalan ng Mommy Pinty niya na paligawan o magkaroon ng boyfriend.

"Hindi naman po sa hindi allowed. Pero as much as possible, ayaw nang Mommy ko na...

"Hopefully, ang sabi ng Mommy ko, mas gusto niya na hindi showbiz. Para hindi masyadong magulo."

Ibinuko ni Dina Bonnevie na kasama rin sa P.S. I Love You ang pagpapa-cute ni Kean kay Alex.

May dating pa ba ang pagpapa-cute sa kanya ni Kean, gaya noong magkasama pa sila sa nagwakas na nilang serye ang BF/GF?

"Wala," mabilis na tugon ni Alex.

"Wala... sa lahat naman nagpapa-cute siya, so, wala."

Nadala na ba siya kay Kean?

"Hindi naman sa nadala, mas nakilala ko lang siya ngayon.

"Alam na namin ngayon kung paano itatrato ang isa’t isa.

"Alam na namin kung ano ang ugali niya at kung ano ang ugali ko," pahayag niya.

Paano niya kinu-kontrol ang sarili kay Kean para hindi na siya mapaniwala uli?

"Wala namang control," tanggi niya.

"Baka siya ang nagku-control," nagbibirong bulalas pa ni Alex.

ALMOST... Nabalita noon ang pagka-broken hearted ni Alex kay Kean. Pero itinanggi ni Alex na muntik na siyang ma-in love o bumigay kay Kean noon.

"Hindi naman sa muntik bumigay," pagtutuwid ni Alex.

"Kasi kami ni Kean noon, kasi parang naging sobrang close namin.

"Parang nagkaroon lang kami ng misunderstanding bilang magkaibigan.

"Hindi lang kami nagkaroon ng parehong...iba yung wavelength ng utak namin.

"So, ngayon pareho na, sakto na siya.

"Ayun, okey na."

Napaniwala ba siya ni Kean noon na sincere ito sa kanya?

"Ahmm... ano," nag-iisip pa munang sagot ni Alex bago siya nagsalita.

"Si Kean, napaniwala niya akong tunay siyang kaibigan.

"Which is totoo naman, tunay naman siyang kaibigan."

Napatunayan na ba niyang mas magandang magkaibigan na lang sila ng band vocalist?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, siyempre. Lagi naman talagang mas okey na maging magkaibigan yung katrabaho mo."

Imposible raw na ligawan siya ni Kean, ayon kay Alex, dahil nababalitaan niyang may girlfriend ito ngayon.

"Oo nga e. Balita ko rin...siya na lang ang tanungin ninyo kung sino ang lovelife niya?" natatawang sabi ni Alex.

Hanggang ngayon ba hindi pa rin tanggap ng parents niya si Kean para sa kanya?

"Ano, hindi naman sa hindi tanggap.

"Mas ina-advice lang nila ako na bigyan ko ng kaunting time yung sarili ko.

"Kung puwedeng i-prevent ang mga gano’n, mga misunderstanding sa katrabaho, gawin na lang."

ADVICE FROM ATE TONI. Parang sinusundan ni Alex ang pattern ng buhay ng kapatid nitong si Toni Gonzaga na matagal bago nagkaroon ng boyfriend.

Marami ring nagustuhan at muntik na ring mahulog sa mga showbiz guys na nanligaw sa kanya.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Alex.

"Ang sabi nga sa akin ng ate ko ngayon, ’Buti ’yan, blessing in disguise. ’Yang mga ganyan-ganyan..naku! Ganyan-ganyan...

"Oo...yung mga ganong eche-bureche! Oo, yung nagkaroon kami ng misunderstanding.

"Sinabi ng ate ko na blessing in disguise.

"At least, alam mo na ngayon, bago ka sa showbiz na may mga ganyang loveteam-loveteam. Alam mo kung saan ka lugar.

"Bilang lumulugar ang kapatid, so susundan ko siya."

Kailan niya na-realize na hanggang magkaibigan lang sila ni Kean at hindi puwedeng maging magkasintahan?

"Kailan ko ba na-realize? Alam mo naman kasi...yun bang pag nagkita na kami parang kung anuman yung ano..." putol niya sasabihin nang may nagtanong kung nag-sorry ba ang actor-singer sa kanya.

""Wala. Hindi siya nag-sorry."

VIVA ARTIST. Tungkol naman sa pinirmahang movie contract ni Alex sa Viva Films, masayang ibinalita ng dalaga na sisimulan na ang una niyang pelikula.

"Alam ko this number po, mag-i-story conference na kami. Inaantay ko na lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon po kasi busy kami sa taping, sa promo ng P.S. I Love You.

"Bigla kaming mag-e-airing, e, hindi pa kami masyadong ano," saad ni Alex.

Si Wenn Deramas daw ang magdidirehe ng pelikula niya na isang romantic-comedy.

Kuwento ni Alex, "Sinabi na kasi ni Direk Wenn sa ate ko na, ’Uy, magsisimula na kami ng kapatid mo.’

"Sana matuloy. Siyempre, malaki ang project na ito."

Umaasa si Alex na makakasama niya sa iisang project ang ate niyang si Toni.

"Puwede!" excited niyang bulalas.

"Kaya nga po nagustuhan ko rin ang Viva dahil puwede silang magco-prod ng Star Cinema.

"Sana magkaroon kami ng movie project ng ate ko," asam pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN