Ynna Asistio’s message to manager Annabelle Rama: "Sana pakawalan na niya kami... wala naman pala kaming bilang sa kanya."

Tinanong namin si Ynna Asistio kung may nararamdaman ba siyang galit sa manager niyang si Annabelle Rama.

"Hindi ako galit, e. Siguro masama lang ang loob ko dahil tinuring namin siyang pangalawang mommy, kahit sobrang private ng problema. Hindi namin alam na yun pa ang magiging bala niya laban sa atin," she says.



Maraming nakapansin sa pagdating ni Ynna Asistio sa press conference ng pelikulang The Road ng GMA Films na ginanap nuong Biyernes, Nobyembre 18, sa 17th Floor ng GMA Building.

Halatang blooming ito at binibiro ng ilang entertainment press dahil sa pulang lipstick niya na kapansin-pansin.

Pero bukod do’n, ang talagang inusisa kay Ynna ay ang kanyang suot-suot na singsing.

Hindi naman itinanggi ng aktres na yun raw ay isang couple o commitment ring na ibinigay sa kanya ng nobyong si Mark Herras.

"Recently lang po ito binigay ni Mark. Pangatlong ring na po namin. Yung isang ring po namin, ako ang nagbigay.

"Yung una, siya. Pangalawa, ako. Ibig sabihin po kasi, parang nasisira ang commitment namin kapag nawawala ang singsing," ang sabi niya sa media at sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ako, nasa akin pa ang lahat ng singsing. Si Mark, yung pinaka-unang-una, nawala.

"E, parang nag-start po kami na may ganoon, may couple ring. Parang naging ano na rin namin. Hindi ko nga po ini-expect na papalitan niya."

Ano ba ang kabuluhan ng couple ring na ito?

"Siguro po ano, ang tawag niya kasi commitment ring. Ano na namin yun, e, kapag nawala ito, hindi kami meant [for each other].

"Pero, hindi naman siya nawawala."

Wala raw okasyon nang iabot ni Mark ang commitment ring sa kanya dahil nuong Enero pa raw ang ika-4th year anniversary nila.

"Actually, last week lang po, pumunta siya sa bahay namin, bigla niya pong iniabot sa akin. Siguro naboringan siya sa ring na binigay ko,’" natatawang sabi ni Ynna.

Ano naman ang commitment niya kay Mark?

"Siguro hanggang nasa akin ’to, yun na yun.

"Promise nga namin sa isa’t-isa na habang suot namin ’to, okay kami. Wala kaming problema."

Papunta na ba sa engagement ang couple ring nila?

"Hindi po. Napag-uusapan din ng family dahil ang tagal na nga po namin, pero, mas lalo kaming focused sa career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede kaming i-pair sa iba. Kaya nga kami naging artista para mapaniwala namin ang mga tao na kaya naming pakiligin kahit iba ang kasama."

Apat na taon na sila; wala pa ba silang plano na pakasal?

"Ay, kung ganoon po, dapat kausapin niya ang daddy at mommy ko. Pero hindi pa talaga.

"Siguro siya, sa age niya, puwede na siya. Pero ako, masaya lang ako sa nangyayari sa amin."

Payag naman daw si Mark na maghintay sa kanya.

"Mga five or six years pa. Pero hindi natin alam, hindi natin masabi, ’di ba?" natatawang sabi niya.

Kung tutuusin, bata pa si Ynna nang simulan nila ni Mark ang relasyon nila.

STABLE RELATIONSHIP. Kasabay rin nito ang maraming intriga sa kanilang dalawa, nguni’t naging matatag ang relasyon nila.

Ano nga ba ang sikreto nila?

"Alam na rin po kasi namin ang galaw ng lahat or galaw ng showbiz.

"Nandoon lang din kasi ang communication namin at trust sa isa’t-isa.

"Kunwari, bago lumabas or bago ako tanungin, alam ko na.

"Siguro nagkakaroon ng time na nagugulat ako, hindi ko alam.

"Pero after the interview, tatawag ako kung totoo ba?"

Hindi raw sila naapektuhan kahit sinasabi pang hindi nakakatulong ang relasyon nila sa kani-kanilang career.

Ayon kay Ynna, "Hindi kami naapektuhan. Natatawa nga kami kasi, hindi namin alam kung saan nanggagaling.

"Siguro, tahimik lang kami. Pero mas gusto kasi namin na ganoon na lang kesa nagiging public ulit.

"Yung hindi nga masyadong public, ang gulo-gulo na."

NADIA VS ANNABELLE. Sa gitna ng mga intriga sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina na si Nadia Montenegro, paano naipapakita ni Mark ang suporta sa kanya?

"Naku, si Mark naman, palagi naman siyang naka-suporta.

"Sana nga huwag na siyang idamay kasi, wala naman siyang kinalaman sa mga isyu."

Nakikita ba niyang naapektuhan din si Mark sa mga isyung kinapapalooban nila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naaapektuhan siya kasi, alam niyang naapektuhan ako.

"Parang nakaka-stress din at nakaka-hurt. Pero, siya na rin po yung, [nagsasabi na] ’Kaya mo ’yan.’

"Wala naman, e, ako lang din naman ang nakakasagot para sa nanay ko."

Halos linggu-linggo, nasa city hall ang nanay niya dahil sa kaso. Bilang anak, ano ang pakiramdam niya rito?

"Well, ako po, sabi ko nga, masakit talaga. Alam kong nakakapagod ang ginagawa ng nanay ko na punta siya nang punta sa city hall.

"Pero, ginagawa niya yun para sa mga kapatid ko. Kaya nga naka-suporta lang ako sa mommy ko.

"Hindi naman namin ’to ginagawa para magpapansin or manggulo ang nanay ko.

"Kaya namin ginagawa ’to dahil siyempre, gusto naming makawala kay Tita Annabelle.

"At saka, yun lang ang tamang paraan, yung demanda.

"Para mas maayos. Bago kasi sa demanda, nag-try kaming makipag-usap or makipag-ayos, hindi talaga."

Menor de edad pa ang mga kapatid niya na ipinaglalaban ng mommy niya.

Kumusta naman ang mga ito, ano ang reaksyon nila sa nangyayari?

"Actually, hindi sila nakakaintindi kaya mahirap. Parang hindi nila naiintindihan kung gaano ka-stressful lalo sa akin, ako ang humaharap sa lahat.

"Kahit ang mommy ko, alam ko na yung ano ni mommy, na ako ang humaharap para sa kanila, na gagawin para sa kanila.

"Kung puwede lang nga na sabihin ko lahat ng totoo.

"Kung puwede lang akong magsalita at sabihin kong lahat."

Hindi ba niya puwedeng sabihin ang lahat ng totoo?

"Kasi nga po, pino-protektahan po namin ang kaso."

Dugtong pa niya, "Ang hirap kasi ang bilis nilang mag-judge. Porke’t may nasabi lang na ganito ang mommy ko, masama na ang mommy ko.

"Like sa Twitter, kapag titingnan ko ang timeline ng mommy ko, ang sakit.

"Sobrang foul na at below the belt. Hindi na talaga deserve ng mommy ko ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga po kapag tinatanong ako sa interview, sinasagot ko at gusto ko talagang i-defend ang mommy ko."

LET US GO. Kung tatanungin siya ngayon, ano ang mensahe niya para kay Annabelle?

"Ako, ang message ko, sabi niya nga sa lahat, ang baba-baba ng tingin niya [sa amin].

"Sana pakawalan na niya kami... wala naman pala kaming bilang sa kanya.

"Bakit kailangan pang mag-demandahan. Bakit kailangan pang umabot sa ganito kahirap?

"Kung ayaw niya sa amin, hindi ba mas madali kaming pakawalan dahil ayaw niya nga po sa amin at napipilitan lang siya sa amin?

"Pero bakit, bakit ang hirap niya kaming pakawalan?

Sa ngayon, hawak pa rin siya ni Annabelle kaya kapag may project siya, may cut pa rin daw ito bilang manager niya.

"In fairness naman po, minsan dumadaan sa staff ni Tita Annabelle kasi nga, sila ang manager.

"Pero, pino-forward naman po at after no’n, ako na ang nakikipag-usap."

Sa huli, tinanong namin si Ynna kung may nararamdaman ba siyang galit sa manager niya.

"Hindi ako galit, e. Siguro masama lang ang loob ko dahil tinuring namin siyang pangalawang mommy, kahit sobrang private ng problema.

"Hindi namin alam na yun pa ang magiging bala niya laban sa atin.

"Parang ang sakit-sakit lang na kahit personal na ang problema, kahit hindi totoo or totoo man, hindi ako makapaniwala na magagawa niya yun.

"Pero hindi ako nagre-regret na naging manager ko siya dahil natulungan naman niya talaga ko.

"Pero, hindi ko ini-expect na parang ibang tao ang kalaban namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN