Gwendoline Ruais sacrificed her love life for the Miss World beauty pageant

Gwendoline Ruais: "Siyempre po I wanted to be a model because my mom is a wonderful model in Paris, and she’s such a role model. Pero, I was modelling myself and everything was great, but like I said parang may kulang, e. Kasi when you model para sa ’yo ’yan, pero ’pag beauty contest para sa buong bansa. So I wanted to do something greater, kaya po ako nag-join sa beauty pageant."


Kung mayroon mang higit na proud sa tagumpay na nakamit ni Gwendoline Ruais, iyon ay ang kanyang pamilya.

Si Gwendoline ay itinanghal na 1st runner-up sa 61st Miss World beauty pageant, na naganap noong Nobyembre 7, sa Earls Court Two sa London. (CLICK HERE for related artcle)

Kagabi, Nobyembre 18, ay dumalo sa homecoming presscon ni Gwendoline ang buong pamilya nito, na ginanap sa Midas Hotel sa Taft Avenue, Pasay City.

Naroon ang kanyang ama’t ina na sina Vincent at Malou, at ang dalawa niyang kapatid na sina Gwenaelle, ang nakakatanda niyang kapatid, at si Thibaut ang bunso niyang kapatid.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press na makapanayam ang pamilya ng nagwaging beauty queen.

Sinabi sa amin ng kanyang kapatid na si Gwenaelle na sobrang saya nila at natupad na ang matagal na pangarap ng kanyang kapatid.

"It’s unbelievable what has happened," bulalas niya.

"[From] over a hundred candidates, she was chosen runner-up for Miss World, it’s really amazing!

"You know I’m so proud, I mean, ’yon talaga ’yong dream niya, and that is more than anyone could hope for and dream [of]."

MODEL, NOT A BEAUTY QUEEN. Napag-alaman naming dati palang modelo sa Paris, France ang ina ni Gwendoline na si Malou.

Katunayan, doon nakilala ni Malou ang asawa nitong si Vincent na isang French national.

Hindi akalain ni Malou na sasali sa beauty contest ang kanyang pangalawang anak. Bagama’t modelo na ito noon pa, hindi niya akalain magkaka-interes ito sa mga beauty pageant.

Ani Malou, "When she was young, I wasn’t thinking of them joining a beauty contest, not really.

"More on modelling, [but] not a beauty contest.

"Later, when she was a teenager, she started to like beauty pageants."

Halatang malapit sa isa’t isa ang mga miyembro ng pamilya ni Gwendoline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula kasi nang dumating sila, hanggang sa matapos ang event ay magkakasama sila at nagkukwentuhan.

Kaya naman kinamusta namin kung paano ba si Gwendoline bilang isang anak at kapatid.

Sweet na anak si Gwendoline ayon sa kanyang ina. Lahat naman daw ng kanyang mga anak ay "mababait at sweet in their own way."

Proud din siya dahil lahat sila’y magaganda at matatalino.

Para naman kay Gwenaelle, si Gwendoline ang pinakamabait sa kanilang magkakapatid.

"She’s so understanding, I mean, siya ’yong talagang pinaka-mahinhin sa aming lahat, pinaka-mabait, she’s the kindest one definitely, among the three of us."

At ngayong magiging mas abala na si Gwendoline dahil sa mga tungkulin niya bilang princess ng Miss World, hindi naman nag-aalala ang kanyang ina dahil trabaho iyon ng kanyang anak.

Dagdag pa ng panganay na anak nito, "She has always been busy with her job, with her modelling.

"I mean, my brother is very busy with school, with his home work, my sister is busy with her modelling and kahit noong nagsali siya ng Bb. Pilipinas busy din siya."

THE SACRIFICES. Samatala, pagkatapos ang presscon ay nagkaroon din kami ng pagkakataon na makapanayam si Gwendoline.

Una na niyang pinarating ang kanyang pasasalamat sa mga Pilipino na lubos na sumuporta sa kanya mula nang sumali siya sa Miss World beauty pageant.

"Sobrang touched po ako," nakangiting sinabi ni Gwendoline.

"’Yon lang po ang gusto ko, that’s all I ever wanted to do—to make my country proud, to show the whole world ang galing ng Pinoy.

"So, to have the support and warm welcome of the Filipinos is so touching talaga.

"I couldn’t ask for [anything] more, this is talaga the best welcome ever."

Katulad ng sinabi ng ina ni Gwendoline, hindi niya akalain na magkakaroon ng interes ang dalaga na sumali sa mga beauty contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba nagsimula ang pagkahilig niya sa mga ganitong klase ng kompetisyon?

"Siyempre po I wanted to be a model because my mom is a wonderful model in Paris, and she’s such a role model.

"Pero, I was modelling myself and everything was great, but like I said parang may kulang, e.

"Kasi when you model para sa ’yo ’yan, pero ’pag beauty contest para sa buong bansa.

"So, I wanted to do something greater, kaya po ako nag-join sa beauty pageant."

Dahil na din sa pinili niya ang magdala ng tagumpay sa ating bansa, ilang bagay ang kinailangang isakripisyo ni Gwendoline.

"Siyempre po sleep, I sacrificed my sleep," natatawang sagot ng beauty queen.

"Tapos family, my friends, I don’t get to spend much time with them.

"Focused po talaga ako sa pageant na ’to, night and day, ito lang po iniisip ko.

"I’ve got to thank my family, especially my mom. She’s always there to help me because I couldn’t have done all of this without her.

"She’s always there to help me with everything, I mean, there are many things to prepare for Miss World. [I was] running around [looking] for gowns [and] fittings.

"Like you know, I needed a winter coat and I’ve lived in the Philippines for so many years, I was not prepared to go to London, ang lamig!

"And of course love life—that’s usually scratched out. Hindi puwede talaga, and of course, food.

"I love eating especially the fattening stuff, so, you have to cut [down] if you really want to [look] your best for the pageant."

Madami man ang naisakripisyo niya para sa kompetisyon, walang pinagsisisihan si Gwendoline.

"Siyempre po it’s a personal choice.

"Everybody has his own priorities, and for me my priority is the pageant, my country, it was really to make my country proud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would have never forgiven myself if I did it half-way. Dapat all the way, one hundred, one thousand percent pa talaga.

"If my love life were involved, I wouldn’t able to focus talaga, and I’m happy with my choice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN