Coco Martin’s performance in soap gets nod of two award-giving bodies

Tinanong si Coco Martin kung ano ang masasabi niya sa pananaw na mas bagay daw kung siya ang gumanap na Budoy (isang mentally challenged na binata)sahalip na si Gerald Anderson.

"Hindi naman. Si Gerald, actually, saludo ako sa kanya roon. Ang galing [niya], sobra. Kasi, ang hirap noon. Kasi nagawa ko na iyon sa Maalaala Mo Kaya. Two days taping lang ako ha? Pero siya tuloy-tuloy," Coco says.

&


Itinuturing ni Coco Martin na isang pambihirang oportunidad ang maging artista, kaya’t mahal niya ang propesyong ito.

Kitang-kita naman kung gaano siya ka-dedikado bilang aktor.

Sa kanyang belated birthday press conference para sa entertainment press nuong Nobyembre 15, ipinahayag niya ang kanyang saloobin sa trabahong nagpapala sa kanya.

"Minsan idya-justify mo, bakit ang mga artista ganyan kalaki ang suweldo?

"Pero tama lang po iyon, dahil kung alam lang nila kung gaano kahirap ang trabaho namin.

"Kasi, habang ginagampanan namin iyong role namin, binabaligtad namin ang aming mundo.

"Pinapalitan namin ang aming pagkatao doon sa role na ginagampanan namin.

"Matapos ng isang show, instead na magbakasyon at magpahinga, ako hindi, e.

"Naglu-look forward ako kung ano ba ang next show ko at pinaghahandaan ko iyon.

"Kasi ayaw kong pupunta ako sa isang trabaho na hindi ako preparado.

"Sa mga workshop nga, kapag nagpupunta ako, sinasabi ko na hindi ako nagpupunta roon para magturo ng tamang acting, kundi magbigay ng inspirasyon sa mga taong gustong mag-artista.

"Ang trabaho namin kasi ay napaka-komplikado, kasi buong buhay mo e," mahabang panimula ni Coco.

"Sa totoo lang, kung tatanungin sa akin kung bakit ang talent fee ng artista ay malaki, [sasabihin ko] worth [it] iyon e, kasi, sobrang hirap.

"Kasi after ng trabaho namin, ang daming tao pang pakikisamahan. Mayroon kang image na iniintindi...

"Mabuti nga ako, nagsimula as an indie actor na yung image, sobrang layo sa inaano ko e.

"Kumbaga, tanggap naman ng mga tao at alam ng mga tao kung saan ako nagsimula... kaya sabi ko ay bakit ko pa babaguhin?

"Bakit ako magpapanggap e, heto ako bilang isang tao. Kumbaga, mas magpo-focus ako roon sa trabahong ginagampanan ko," dagdag pa niya.

WORKING WITH OTHER ARTISTS. Nang natapos ang Q & A ng naturang presscon ay nag-usisa naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mayroon pa bang kulang sa pagiging aktor ni Coco sa gitna ng sangkatutak na mga parangal at tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahaba pa po e, kasi bata pa ako. Bata pa ako sa industriya.

"Marami pa akong gustong marating at marami pa akong gustong gawing pelikula.

"Marami pa akong mga artistang gustong makatrabaho.

"Ayaw kong bigyan ng limitasyon ang sarili ko na nagawa ko na ang lahat, nakuha ko na ang lahat.

"Sabi ko nga, gusto ko ay lagi akong mayroong nilu-look forward sa trabaho ko at sa buhay ko," wika ng actor na kasalukuyang ginagawa ang You Light Up My Life kasama ang Star Power grand winner na si Angeline Quinto.

Ano naman ang masasabi niya sa mga pananaw na mas bagay daw kung siya ang gumanap na Budoy (isang mentally challenged na binata)sahalip na si Gerald Anderson?

"Hindi naman. Si Gerald, actually, saludo ako sa kanya roon. Ang galing [niya], sobra.

"Kasi, ang hirap noon. Kasi nagawa ko na iyon sa Maalaala Mo Kaya.

"Two days taping lang ako ha? Pero siya tuloy-tuloy.

"Ako honestly, feeling ko ay hindi ko kaya.

"Kasi noong two days lang ako, pagod na pagod ako, e. Sobrang pagod na pagod ako.

"Alam mo iyon? Iyong parang gusto mong sabihin na hindi ko na uulitin ito.

"Na-experience ko na iyon, kaya sabi ko nga, ang galing ni Gerald at saludo ako sa kanya."

Nabanggit din ni Coco na nami-miss na niya ang paggawa ng indie films.

BIG STAR? Sa palagay ba niya ang dahilan kaya walang alok sa kanya ay dahil isa na siyang big star?

"Iyon nga, doon ako naaano e... kaya nga gusto ko sana kapag may time ay maka-usap nila ako.

"Gusto ko kasing maramdaman nila na iyon pa rin ako.

"Sobrang gusto kong gumagawa, gusto kong makatulong. Ganoon ako ka-supportive sa pinagmulan ko e, sobra..."

Sakaling gagawa siya ulit ng indie, mayroon na ba siyang ibibigay na limitasyon?

"Wala," nakangiting saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, wala... kasi, iyon ako, e. Doon ako nakilala at doon ako minahal ng mga tao.

"Doon ako nagsimula kaya bakit ko naman tatalikuran yun."

TWO NOMINATIONS. Nakakuha ng nominasyon si Coco sa nalalapit na 2011 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (ENPRESS) na gaganapin sa Nobyembre 29 sa Teatrino sa Promenade, Greenhills, San Juan.

Mayroon din siyang nominasyon sa PMPC 25th Star Awards for TV na gaganapin sa Nobyembre 22 sa Resorts World Manila.

Kabilang sa mga nominado para sa Golden Screen TV Awards sina Derek Ramsay (Magkaribal/ABS-CBN 2), Jericho Rosales (Green Rose/ABS-CBN 2), John Lloyd Cruz (Imortal/ABS-CBN 2), Eddie Garcia (Babaeng Hampaslupa/TV5), Sid Lucero (Amaya/GMA 7), Dennis Trillo (Sinner or Saint/GMA 7), at si Coco (Minsan Lang Kita Iibigin/ABS-CBN 2).

Sino sa palagay niya ang pinakamahigpit niyang makakalaban para sa naturang karangalan?

"Hindi ko masasabi kung sino ang mahigpit nating makakalaban o kung sino ang talagang maglalaban para sa award na iyan, pero para sa akin, makasama ka lang bilang nominee ay malaking karangalan na.

"Jericho, Eddie Garcia, Sid at lahat-lahat sila, pulos magagaling e... pulos matitindi ang nasa listahang iyan e.

"Maisama lang ang pangalan ko ay okay na ako roon.

"Basta ako ay sobrang thankful dahil isa ako sa mga nominado at sabi ko nga, napansin iyong kakayahan ko sa pagganap sa aming soap.

"Kumbaga, bonus na sa akin kung saka-sakaling palarin po ulit.

"Kasi, ma-nominate ka lang bilang artista sa rami ng pagpipilian, isa na yung magandang regalo para sa akin.

"Honestly, ma-nominate ka lang ang sarap na ng feeling. So, lalo na kung dalawang category pa.

"Sabi ko nga, hindi ko na alam kung paano i-e-explain, hindi ko na alam kung paano magpapasalamat.

"Kasi after the URIAN-Aktor ng Dekada award, tapos ay ma-nominate kang ganito at makatsamba ka, wala na.

"Sabi ko, hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WINNING FEELING. Ano ba ang pakiramdam kapag nananalo ng award?

"Hayun, sabi ko nga, pinagtatrabahuhan ko rin naman ito. Iyong dedikasyon ko sa trabaho, iyon na kasi ang prize ko e.

"Sabi ko nga minsan, hindi na importante iyong pera, kung magkano ang kinikita mo.

"Kundi, iyong balik sa iyo after ng trabaho mo, after ng pinaghirapan mo.

"Kasi, artista kami e, ang hinahanap namin ay iyong recognition sa pinaghirapan naming trabaho.

"Kasi iyong pera, maraming paraan para kumita. Pero iyong makatanggap ka ng recognition sa pinaghirapan mong trabaho, bihira iyon," nakangiting saad pa niya.

Pero kapag pinapili siya—pera o tropeo—ano ang mas gusto niya?

"Honestly, trophy," mabilis na sagot ni Coco.

"Sabi ko nga, galawin na ninyong lahat huwag lang itong mga trophy ko," nakatawang dagdag pa niya.

Sa pagiging suki niya sa napakaraming award-giving bodies, natutuwa pa ba siya kapag nano-nominate?

"Oo naman, na-e-excite ako at hindi magiging ordinaryo sa akin ang bawat award o nominasyon na natatanggap ko.

"Bawat recognition ay napakahalaga, more than the money. Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang pera, pero mas higit ito sa pera para sa akin.

"Ang mga trophy o award na nakukuha ko ay walang kapantay sa pera e, wala talaga, sobrang napakahalaga nito para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN