AJ Muhlach shares how he prepared for a crying scene with Gabby Concepcion for a TV soap

Ano ang inisip ni AJ Muhlach para makaiyak siya sa isang eksena para sa TV5 serye na P.S. I Love You?

"Nung una po kasi, ginagamit ko po yung mga natutunan ko sa workshop, naalala ko yung mga moments na nakakaiyak or masakit sa loob ko, ganun po," AJ says.

"Tapos pagdating ko ng scene, naaalala ko po yung advice ni Direk Laurice Guillen sa workshop, sabi niya ibigay ko lang daw po. Darating daw po, bigay k


Sa TV5 primetime series na P.S. I Love You, gaganap na anak ni Gabby Concepcion si AJ Muhlach.

Excited si AJ na makasama si Gabby.

"Nung una po kasi talagang na-excite na po kaagad ako, na makakasama ko siya, kasi sabi ng dad ko talagang magaling daw talaga umakting si Sir Gabby.

"So nung naka-eksena ko nga po siya, isa sa mga first scenes namin yung mabigat na eksena na namin, sabi nila iiyak daw dapat ako.

"Sa Bagets po, parang light-light lang kami, ngayon iiyak ako.

"Nagulat ako, so nung rehearsals namin iniisip ko na kung paano ang gagawin ko, kung paano ako makakaiyak, nag-internalize na ako.

"Pagka-’Action!’ po, nung binigay na ni Sir Gabby yung acting niya, nadala ako, talagang naiyak ako, nagulat na lang po ako naiyak po ako," kuwento ni AJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng P.S. I Love You nuong Miyerkules, Nobyembre 16 sa Bramante Piazza Ballroom ng Renaissance Tower sa Meralco Avenue.

Sa buong career niya, ito raw ang una niyang eksena na ganun ang iyakan.

Ano ang inisip niya para makaiyak siya?

"Nung una po kasi, ginagamit ko po yung mga natutunan ko sa workshop, naalala ko yung mga moments na nakakaiyak or masakit sa loob ko, ganun po.

"Tapos pagdating ko ng scene, naaalala ko po yung advice ni Direk Laurice Guillen sa workshop, sabi niya ibigay ko lang daw po.

"Darating daw po, bigay ko, mag-trust daw po ako sa ginagawa ko.

"So pagka-’Action!’ po, si Sir Gabby na yung kaeksena ko dun, talagang binigay ko na kaagad lahat.

"So nung binigay niya rin lahat nung emotions po, nagulat ako, talagang effective po, talagang naiyak din ako.

"After po, sabi nila direk, ’Beautiful!’ Ganun, ang ganda daw po ng eksena, so natuwa po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AGA VS AJ. Sino sa palagay ni AJ ang mas magaling na artista sa kanila ng kuya niyang si Aga Muhlach?

"Ah siyempre, si kuya Aga po! Wala pa po ako sa nararating ni Kuya Aga.

"Ilang years na po ang experience niya tsaka ang alam ko po di ba, second movie pa lang niya ata, award-winning na po siya sa Miguelito.

"So iyon po, tingin ko po, sobrang layo ng agwat namin ni Kuya Aga."

Ano ang pinakamalaking kaibahan nila sa pag-arte ng kuya niya?

"Kung yung pagkakaiba po sa acting siguro po yung personalities namin, dun po siyempre malaki yung pagkakaiba.

"Kasi po si kuya Aga parang... gentleman po siya di ba, sobrang, I mean sobrang gentleman, sobrang sweet po niya so gusto daw po ni Boss Vic [del Rosario of Viva] sa akin gentleman.

"Pero medyo may pagka-rugged or medyo may pagka-bad boy po."

Bad boy ba siya sa tunay na buhay?

"Hindi naman po, pero dito po sa P.S. I Love You, ano po ako bad boy po talaga ako dito, sa school, talagang ibang-iba po sa character ko sa Bagets.

"Sa Bagets po, ako yung parang mabait, sobrang bait, pagdating sa P.S. I Love You, hindi naman totally bad, parang spoiled brat po, ayun po."

Pero hindi raw siya spoiled brat sa tunay na buhay.

BEAUTY VS BRAWN. May mga nagsasabi na mas guwapo ang Kuya Aga niya pero mas hunky ang katawan ni AJ...

"Talaga po? Mas maganda daw ang katawan ko sa kanya?" ang natatawang tanong ni AJ.

"Hindi naman po ako magkakaila na sobrang mas marami pong features na mas angat ang kuya ko."

Pero mas macho si AJ.

"Hindi naman po siguro. Siguro po ano, after po ng ilang years na work out.

"Pero alam ninyo po yung pagkaka-compare kay Kuya Aga, parang ano po e, nakakatuwa po kasi parang eto lang ako nag-uumpisa pa lang, parang kino-compare na agad ako sa sobrang batikan na po, sobrang galing na, sobrang ang dami na pong napatunayan dito sa showbiz, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Two years na siya sa industriya, okay ba sa kanya na nasa anino pa rin siya ng Kuya Aga niya?

"In a way po natutuwa po ako kasi iyon nga po di ba, nasabi ko nga po na yung isang baguhang artista po ikinukumpara agad sa isang magaling na artista, na award-winnning actor.

"Pero in a way, gusto ko rin naman po na magkaroon ng sariling pangalan ko, siyempre po.

"Iba rin po yung may sarili kang pangalan."

CRUSHES. Maraming magagandang babaeng naiugnay kay Aga; si AJ sino ang mga crushes niya sa mga artista?


"Sa Kapuso po kasi, ang talagang unang nagustuhan ko sa Party Pilipinas si Bianca King po, yung dating niya po.

"Kasi mas mahilig po ako sa simpleng babae kumpara po sa mga iba na model-type po na para talagang... hindi ko po ma-explain e, basta yun po."

Crush din niya si Jasmine Curtis at ang ate nito na si Anne Curtis.

"Simple lang din po siya [Jasmine] iba po yung dating niya, parang simple lang din po, kahit walang ayos, maganda pa rin siya.

"Si Anne po gusto ko kasi ganun rin po, simple. Gusto ko po kasi yung hindi masyadong seksi ang katawan.

"Yung tipong malalaki puwet, malalaki boobs, ayoko po ng ganun.

Ang P.S. I Love You ay pinagbibidahan din nina Dina Bonnevie bilang si Kristine at Alex Gonzaga bilang si Andrea.

Completing the cast are Cheska Iñigo, Candy Pangilinan, Michael Flores, Jaycee Parker, Say Alonzo, Nikki Bacolod, Al Chris Galura, Sarah Polverini, and Lloyd Samartino.

Sa direkyon nina Robert Quebral and Elaine Lozano, ipapalabas na ito sa TV5 sa Lunes, Nobyembre 21.

Ang reaksyon ni AJ sa puna ng iba na mas ma-PR daw si Aga kaysa sa kanya.

"Siguro po kasi... galing din po ako sa stage nung high school na medyo may pagka-loner po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa showbiz, natutunan ko ngayon na maging madaldal sa tao, maging palakausap.

"So unti-unti ko pong natututunan na maging malapit po sa mga tao. Sorry po kung hindi po ako nakakalapit.

"Siguro nahihiya din po ako minsan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN