PART 1. Sarah Geronimo on falling in love again: "Kailangan ko lang pong maging maingat."

"Sabi ko, the next time I fall in love, I will make sure na mag-uumpisa sa kanya, na ipaglalaban niya ako. Hindi ’yong ako lang, akong babae lang ang naglalaban ng relasyon," says Sarah Geronimo, describing the man of her dreams.


Paiwas ang mga kasagutan ni Sarah Geronimo nang tanungin siya ng entertainment media tungkol sa posibilidad na maging totoo ang tambalan nila ni Gerald Anderson.

Muling magsasama sina Sarah at Gerald sa pelikulang Won’t Last A Day Without You, na tampok sa press conference na inihanda ng Star Cinema Sabado, Nobyembre 19, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Sa halip na sagutin ito, sinabi ni Sarah, "Sa ngayon, hindi po muna natin i-e-entertain ang mga ligaw-ligawan. Hindi muna time para doon.

"Gano’n din naman si Gerald, e, mas focused siya sa trabaho niya," aniya sa media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Inamin din ni Sarah na dahil sa naging karanasan niya sa pag-ibig noon, nagkaroon na siya ng takot na subukan ulit magmahal.

Katulad ng paulit-ulit niyang sinasabi, naniniwala na lamang siya na darating ang taong magmamahal sa kanya sa tamang panahon.

Aniya, "Kasi, hindi pa ito ang tamang panahon."

"Naniniwala naman po ako na darating ’yan sa tamang panahon.

"Pinagdadasal ko naman po ’yan."

Kung sakali, gusto ni Sarah na ang lalaking dadating sa buhay niya ay makasama na niya habangbuhay.

Paliwanag niya, "Siyempre, kapag nagkaroon ka ng boyfriend, ang hinahanap natin pang-long term.

"Ayaw ko kasi ’yong palit nang palit, masakit ’yan sa dibdib.

"Siyempre, ang gusto natin, kung sino ang magiging boyfriend natin, ’yon na ’yong pakakasalan natin."

Nabanggit din ni Sarah ang katangian ng lalaki na inaasahan niya kung sakaling umibig siyang muli.

"Basta ako po, ang pinagdarasal ko po talaga, kung sino ’yon, sana hindi na ako...

"Sabi ko, the next time I fall in love, I will make sure na mag-uumpisa sa kanya na ipaglalaban niya ako.

"Hindi ’yong ako lang, akong babae lang ang naglalaban ng relasyon.

"Kailangan patunayan ko muna sa sarili ko na, ’Ay, itong taong ito ay haharapin ang mga magulang ko, kaya akong ipaglaban talaga. Mahal ko talaga ang ito, hindi lang dahil nagkaka-text kami.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan ko lang po maging maingat, ’yon po siguro ang natutunan ko."

GOOD-LOOKING GERALD. Bagamat hindi direktang sinagot ni Sarah kung may pag-asa si Gerald kung sakaling ligawan siya, hindi naman niya ikinaila na iba ang Budoy actor sa mga nakatrabaho na niyang mga aktor.

Pahayag ni Sarah, "Kasi po si Gerald, obvious naman na napaka-good looking niya.

"Pero noong nakilala ko siya sa set, mayroon pa palang iba doon.

"Bukod sa good looks na ’yon, nakita ko ’yong good heart niya, ’yong pagiging warm niya at pagiging appreciative niya sa supporters, parang ang lambing-lambing niya. ’Yon, nakita ko ’yon.

"Hindi ko akalain na gano’n siya.

"’Yon iba kasing nakakatrabaho kong male actors, hindi sila gano’n, e. Sa kanya ko nakita ’yon, e."

Nanghinayang lang ang dalagang aktres dahil kung kailan patapos na sila sa paggawa ng pelikula ay saka palang sila madalas na nagkausap.

"How I wish na mas noon pa para mas naging kumportable kami, mas naging okay pa ang chemistry namin," sabi ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN