PART 2. Sarah Geronimo says past experiences helped improve her acting skills

"Mayroon [na akong] depth kahit papaano as an actress. Alam ko pong marami pa akong dapat matutunan as an actress. Kasi, hindi naman po regular ang acting projects ko, e," says Sarah Geronimo.


Totoo bang bitter is better?

Ito ang isa sa mga tanong para kay Sarah Geronimo sa press conference ng bagong pelikula nila ni Gerald Anderson, ang Won’t Last a Day Without You, na ginanap Sabado, Nobyembre 19, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naturang presscon.



May linya kasi ang dalagang aktres sa pelikula na, "Hindi na baleng bitter... Bitter is better!"



"Actually, sobra po akong naka-relate sa character ko ngayon," sagot ni Sarah.



"Hindi naman po lingid sa inyong kaalaman ang aking mga pinagdaanan sa pag-ibig.



"Siyempre po, nakalagpas na ako sa stage na ’yon, na may konting bitterness at may konting pain.



"Siyempre, naka-move on din."



Matatandaan na sa exclusive interview ng YES! Magazine, inilahad ni Sarah ang kanyang pakikipagrelasyon sa dancer-actor na si Rayver Cruz, na nauwi sa mapait na hiwalayan.



"Lahat naman nasasaktan. Pero ’tapos na po iyon," sabi ni Sarah.



Ayon kay Sarah, may pagkakaiba rin ang nangyari sa kanya at sa karakter niya sa pelikula.



"Ang pinagkaiba lang po talaga namin ni DJ Heidee or George, ’yong painful experience niya sa love ay mas malalim, kasi five years [ang experience], at hindi lang ’yon through Skype.



"Hindi naman po mabigat sa akin kaya nakapag-move on kaagad."



BETTER ACTRESS. Kung may mabuti mang naidulot ang kanyang naging karanasan, ito marahil ay mas nahasa pa si Sarah pagdating sa pag-arte.



"Totoo pala ang sinasabi nila na nakakatulong ang experiences in real life, nakakatulong sa ’yo as an actor. Ayun, medyo nakatulong po iyon.



"Siguro ’yong depth, mayroon [na akong] depth kahit papaano as an actress.



"Alam ko pong marami pa akong dapat matutunan as an actress. Kasi, hindi naman po regular ang acting projects ko, e.



"Mas singer po kasi tayo at mas nakilala po tayo sa mga mas light na istorya or characters na binibigay sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, handa na raw si Sarah na gumanap sa mga mas seryosong role sa mga susunod niyang proyekto.



"Eventually po sana. Kung mabibigyan po ng pagkakataon, bakit naman po hindi? Talagang paghahandaan po natin iyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN