Manny Pacquiao responds to critics on his controversial victory over Juan Manuel Marquez

"Hindi ba ako puwedeng manalo ng close fight? Kailangan ba lahat ng panalo ko one-sided fight at kailangan ba binubugbog ko talaga nang husto yung kalaban ko para manalo ng klaro? Bilang Pilipino alisin natin yung crab mentality," Manny Pacquiao said in a taped interview aired November 19 on Startalk TX.


Sa isang taped interview na ipinalabas kahapon sa Startalk TX, Sabado, November 19, sinagot na ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang mga pagbatikos hinggil sa kontrobersyal nilang laban ni Juan Manuel Marquez.

"Hindi ba ako puwedeng manalo ng close fight? Kailangan ba lahat ng panalo ko one-sided fight at kailangan ba binubugbog ko talaga nang husto yung kalaban ko para manalo ng klaro?

"Bilang Pilipino alisin natin yung crab mentality.

"Yung crab mentality sana huwag nating pairalin dahil hindi magandang tingnan sa ibang tao at ang kailangan natin is magtiwala tayo sa Panginoon at manalig tayo sa Kanya at kailangan magtulungan ang bawat isa," ang seryosong pahayag ng Pambansang Kamao.

Tatlong araw matapos ang laban, kumalat sa mga social networking sites ang video at mga larawan ng diumano’y pang-aapak ni Marquez kay Pacquiao during the fight.

At ang pananaw ni Manny tungkol dito...

"Hindi ko pinansin yun dahil alam ko naman na may referee at makikita ng referee.

"At hindi naman ako mareklamong boksingero na palaging nagrereklamo."

Taliwas sa mga haka-haka ng ilang sports analysts, napanatili ni Pacman ang titulong Pound-For-Pound King mula sa prestigious Ring magazine.

Nasa pangalawang puwesto pa rin si Floyd Mayweather Jr. na isa sa posibleng makalaban ni Pacquiao next year.

"Hindi pa natin alam, but definitely, boxer ang makakalaban natin sa susunod," pagbibiro pa ni Manny.

"Pero hindi ko pa alam kung sino."

Samantala, hinarap na din ni Manny ang hindi mamataymatay na tsismis tungkol sa sinasabing tagilid na pagsasama nila ni Jinkee.

"Kami okay naman, sa awa ng Panginoon at sa kanya ko lang ipinapaubaya ang lahat.

"At lagi lang tayong magdasal at magtiwala sa Kanya, walang imposible.

"Wala naman kaming problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN