Mark Gil on daughter Andi Eigenmann’s baby: "She’s an addition to our family, another Eigenmann, naiiyak na talaga ako."

Maging si Mark Gil (main photo), ang ama ni Andi Eigenmann (inset) ay laban sa DNA testing ng kanyang magiging apo. Nagbitaw ng salita ang beteranong aktor na isang Eigenmann ang bata at isang kalokohan lamang ang DNA test na minumungkahi na gawin sa bata.


Nang isulat ni Andi Eigenmann sa kanyang blog na ang ama ng kanyang dinadalang anak ay si Albie Casiño, humiling ang binata at ang kanyang ina na si Rhea Casiño na magpa-DNA test ang bata.

Agad namang nagbigay pahayag si Jaclyn Jose, ina ni Andi, na walang DNA test na magaganap at wala silang anumang kaugnayan pa sa kung sino man ang ama ng pinagbubuntis ng anak.

Bagay na sinang-ayunan ni Mark Gil, ama ni Andi. Nagbitaw ng salita ang beteranong aktor na isang Eigenmann ang bata at isang kalokohan lamang ang DNA test na minumungkahi na gawin sa kanyang apo.

"No way! DNA [test] my ass!

"Wala akong sama ng loob kahit kanino, wala naman akong kinalaman sa ibang tao.

"She’s ours, she’s an Eigenmann," ang pahayag ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Na-e-excite ako. Araw-araw ko siyang [Andi] tine-text. Tinatanong ko, ’Kailan ba? Puwede ba bukas na?’

"[Andi is giving birth] at the end of November, but according to Jaclyn, baka lumagpas pa.

"Sabi ko wag na, kailangan itong November na.

"I know my granddaughter will be a beautiful baby. I can’t wait, naiiyak na ako.

"Basta tawagan niya ako, dapat nandun ako sa hospital."

Mark is looking forward to being a grandfather for the first time this Christmas.

"She’s a gift, a blessing, that baby will be our princess.

"She’s an addition to our family, another Eigenmann, naiiyak na talaga ako."

Isa sa magandang nangyari sa pagbubuntis ni Andi, bukod sa naging mas matibay ang relasyon nilang mag-ama, ay naging mas maganda ang relasyon ng magulang niyang si Mark at Jaclyn.

"Kami, all the way. My wife Maricar, Jane, all our siblings, sila Gabby, Aira, Sid, Maxene, we are all very supportive of her.

"She is my daughter, she is Jacyln’s daughter, she is our daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My children, di sila naniniwala sa half-brothers and half-sisters.

"Sometimes I get credit that I brought them up well but actually their mothers brought them up well."

Positibo rin si Mark na makakabalik si Andi sa showbiz lalo’t isa itong mahusay na aktres.

"Of course, ang akin, ang paniwala ko, di naman naapektuhan ang career niya.

"Ako ang paniwala ko, lagi kong sinasabi na she’s OK.

"Si Andi ay mas gagaling na artista dahil marami siyang pinanghahawakan at marami siyang pinagdaraan."

Kasama si Mark Gil sa trade launch ng ABS-CBN kung saan masayang binalita sa amin ng beteranong aktor na kasama siya sa cast ng seryeng Ikaw ay Pag-ibig.

"The role is very good, we have a very good cast," aniya.

"We have Bembol Roco, Dimples Romana, whom I appreciate very much. Nakakatuwa na kasama na naman ako sa mga stars."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN