Nadine Lustre and AJ Muhlach loveteam topbills TV5 teleserye

Magka-loveteam si Nadine Lustre (left) at AJ Muhlach (right) sa bagong TV5 teleserye na P.S. I Love You.

"Magkakagustuhan po ang characters namin ni AJ," explains Nadine. "Pero paglalayuin po kami ng parents namin dahil nga may hindi magandang past sa pagitan nina Ms. Dina [Bonnevie], na mommy ko, at Sir Gabby [Concepcion], na daddy naman ni AJ."


Malaki ang pasasalamat ng baguhang aktres na si Nadine Lustre sa TV5 at sa Viva Entertainment sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon sa bagong primetime teleseryeng P.S. I Love You, na mapapanood na simula Lunes, November 21, pagkatapos ng Glamorosa.

"Overwhelmed talaga ako. Hindi ko ine-expect na mabibigyan agad ako ng ganitong break.

"Actually, hindi lang ito break for me pero break din para sa loveteam namin ni AJ [Muhlach].

"Kaya sobra akong nagpapasalamat sa TV5 at sa Viva dahil naniwala sila sa talent namin," sabi ni Nadine nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dating miyembro ng all-girl group na Pop Girls ang 18-year-old na si Nadine, pero kinailangan nga siyang tanggalin ng Viva sa grupo para mag-concentrate siya sa pag-arte.

Una siyang ipinasok sa youth-oriented show sa TV5, ang Bagets, kung saan niya unang nakatambal si AJ.

WORKING WITH DINA & ALEX. Ginagampanan ni Nadine sa P.S. I Love You ang papel bilang si Candice Tuazon.

"Ako po yung anak ni Ms. Dina [Bonnevie] and sister ko po si Ate Alex [Gonzaga]. Si Candice po ay anak ni Ms. Dina at ni Sir Lloyd [Samartino]."

Kumusta katrabaho si Dina?

"Noong first few days po, medyo kabado po ako kasi big star na siya e.

"Tapos very professional siya with everything. Ninerbiyos po ako noong una pero nawala rin po pagtagal-tagal na kasama ko siya sa taping.

"Pero si Ms. Dina, she’s fun to work with. Nakaka-inspire na makita kung gaano siya ka-professional pag nagtrabaho."

Ayon kay Nadine, kahit hindi sila madalas mag-usap ni Dina off-cam, may mga natututunan pa rin siya sa magaling na aktres.

"Hanga po talaga ako kay Ms. Dina kasi ang galing niyang umarte.

"Nakikita ko po kasi kung paano siya mag-internalize. Yun po nai-a-apply ko siya sa acting ko.

"Dati po kasi nahihirapan akong mag-internalize lalo na pag mga iyakang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon po nagagawa ko na. Kahit po by observing Ms. Dina, marami na akong natutunan."

Kumusta naman katrabaho si Alex?

"Si Ate Alex napakabait. Masarap kasama. Pag off-cam nagkukuwentuhan kami about some girl stuff like shoes kasi mahilig po kami pareho sa shoes.

"So, yun po ang palagi naming topic, pati sa health and fitness.

"Para ko na rin po siyang ate in real life. Binibigyan niya rin po ako ng advice."

Ano ang ibinibigay sa kanyang payo ni Alex?

"Yun nga po na lagi kong galingan at huwag lalaki ang ulo."

AJ MUHLACH. Natutuwa naman si Nadine na talagang inaalagaan ng Viva ang loveteam nila ni AJ.

Palagi raw kasi silang pinagsasamang dalawa sa mga project gaya na lang ng Bagets, Hey It’s Saberdey at ngayon nga rito sa P.S. I Love You.

"Magkakagustuhan po ang characters namin ni AJ.

"Pero paglalayuin po kami ng parents namin dahil nga may hindi magandang past sa pagitan nina Ms. Dina, na mommy ko, at Sir Gabby [Concepcion], na daddy naman ni AJ," ani Nadine.

Kumusta naman bilang ka-loveteam si AJ?

"Masaya naman po kasi hindi naman po siya mahirap pakisamahan. Naka-build na rin po kami ng chemistry sa isa’t isa kasi may Bagets nga po kami dati pa. Kaya wala na pong ilangan."

Wala bang ligawang nangyayari sa pagitan nila?

"For now po focus muna kami sa work. Nag-usap naman kami ni AJ na seryosohin muna namin ang trabaho namin kasi sayang naman po yung opportunities na ibinibigay sa amin."

Pero somehow type niya rin ba si AJ?

"Di ko po alam e. Hindi ko po talaga iniisip muna yung mga ganyan."

Sa tingin ba niya ideal boyfriend si AJ?

"Siguro po. Although friends kami pero hindi pa kami super close.

"Hindi ko po alam kung ano ang mangyayari in the future. Pero ideal friend naman po si AJ."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga gusto niyang ginagawa ni AJ?

"Syempre po yung sumayaw kasi mahilig din po akong sumayaw. Gusto ko rin po sa kanya yung mahilig siyang magpatawa.

"Kasi po mababaw po ako kaya lagi akong natatawa sa mga joke niya. Masaya siyang kasama."

Ano ang wish niya para sa loveteam nila?

"Syempre sana more projects para sa aming dalawa.

"At sana suportahan din kami ng fans kahit as individual artists po kasi hindi naman po maiiwasan na someday mai-pe-pair din kami sa ibang artista.

Pero sa ngayon po sana dumami pa ang sumusuporta sa loveteam namin ni AJ."

Ayaw ngang madaliin nina Nadine at AJ na magkaroon ng relasyon sa totoong buhay.

Ang mahalaga raw ngayon ay mabuti silang magkaibigan at magka-loveteam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN