Iwa Moto is back: "Bumalik ako from Japan kasi gusto ko na po ulit magtrabaho at ayusin ang lahat sa buhay ko."

Ano ang nagpabalik kay Iwa Moto sa Pilipinas?

"Nagpabalik sa akin dito? Siyempre gusto ko nang magkatrabaho kasi ang tagal ko na ring hindi nagtrabaho, nakaka-miss yung mundong ginagalawan ko dati," she says. "At tsaka ang layo kaya ng Japan, nandito lahat ng mga taong mahal ko sa buhay."


Bumalik na galing Japan si Iwa Moto.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay live na nag-guest si Iwa sa Startalk TX kahapon, Sabado, Nobyenbre 19 upang sagutin ang mga kontrobersiyang nagsulputan tungkol sa kanya.

Humarap siya sa apat na host ng show na sina Joey de Leon, Ricky Lo, Butch Francisco at Manay Lolit Solis.

Ang unang itinanong kay Iwa ay kung ano ang pinagkaabalahan niya sa Japan?

Totoo bang Japanese citizen na siya?

"Citizenship ko po, hindi ko pa po natatapos yung process pero as of now, meron po akong nakuha na long-term visa kaya anytime puwede na po akong bumalik doon."

Aware ba si Iwa sa mga tsismis tungkol sa kanya—na nagparetoke siya at nabuntis?

"Hindi po ako nagparetoke, ganun pa rin po, wala pa rin pong pinagbago sa pagmumukha ko.

"Buntis, ayan po, nandito po ako, hindi pa po ako nanganganak at hindi pa rin po ako buntis."

Ano ang nagpabalik sa kanya dito sa Pilipinas?

"Nagpabalik sa akin dito? Siyempre gusto ko nang magkatrabaho kasi ang tagal ko na ring hindi nagtrabaho, nakaka-miss yung mundong ginagalawan ko dati.

"At tsaka ang layo kaya ng Japan, nandito lahat ng mga taong mahal ko sa buhay."

NO COMMUNICATION. May balita ba siya tungkol kina Mickey Ablan na dati niyang boyfriend at kay Janna Dominguez na karelasyon ngayon ni Mickey?

Nagkakausap o nagkaka-text-an man lang ba sila ni Mickey?

"As of now po si Mickey at ako, hindi na po kami nag-uusap, as of now."

Ano ang reaction ni Iwa sa balitang buntis si Janna?

"Hindi naman po ako si Janna, siya na lang po ang tanungin natin.

"Kung buntis siya e, di ’Take care. God bless!’"

Kung buntis nga si Janna at pagkapanganak nito ay kunin si Iwa na ninang ng bata?

"Hindi, huwag na lang. Mas maganda nang hiwalay kami ng buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pamahiing masamang tumanggi kapag kinukuhang ninang o ninong sa binyag...

"Hayaan mo nang ako ang unang tatanggi.

"Echos! Hindi, okay lang, okay lang, kahit magninang ako, wala namang problema doon."

Nagkaroon na ba ng closure ang relasyon nila ni Mickey?

"Closure po, oo. Meron naman sa tingin ko, I think."

May rason ba para magkabalikan sila ulit ni Mickey?

"Ah hindi na po, definitely hindi na po kami magkakabalikan nun.

"Masaya na po kami sa buhay-buhay namin. Alam kong masaya na po siya and masaya na po ako sa buhay ko ngayon.

"Nandito po ako ngayon sa Pilipinas, bumalik ako from Japan kasi gusto ko na po ulit magtrabaho at ayusin ang lahat sa buhay ko.

"Lahat ng mga mistakes ko, lahat ng mga kailangan kong ayusin, tatapusin ko na po."

Before she left for Japan, Iwa was reportedly dating someone...

"Basta single ako ngayon, ganun na lang. Masaya akong mag-isa."

Gusto na lang niyang magtrabaho ngayon.

"GMA network nananawagan po ako, bigyan ninyo naman ako ng trabaho," tumatawang birong-totoo ni Iwa.

"Sana po, sana po bigyan ulit ako ng GMA ng trabaho, siyempre ng [GMA] Artist Center, hopefully, soon!

"Malay ninyo, makita ninyo ulit ako sa TV."

Bago matapos ang guesting ni Iwa, pinansin ni Joey ang tattoo sa may pulso niya.

"’Iwamoto’ po yan, nung namatay po yung dad ko, pina-tattoo ko po iyan."

Iwamoto ang tunay na apelyido ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN