Regine Velasquez on being a first-time mom: "Sana I’m doing it right."

Regine Velasquez-Alcasid on husband Ogie Alcasid: "Sabi ng asawa ko kanina, pag first time daw nakita ng nanay ’yong anak parang hindi mo na papansinin ’yong asawa mo, di ba? On the contrary, parang I rely on him nga so much, ano."


Sa unang pagkakataon ay ipinakita na sa publiko ang larawan ni Nathaniel James—ang panganay na anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Noong Nobyembre 8 ipinanganak si Baby Nate—palayaw ng anak nila Ogie—ganap na 7:47 ng gabi. (CLICK HERE for related article.)

Kahapon, Nobyembre 20, kasabay ng pagpapakita ng larawan ni Baby Nate sa Party Pilipinas ay ang pag-awit ni Ogie ng kanyang nilikhang kanta para sa anak nila ni Regine.

Ang titulo ng kanta ay "Aking Anak."

Matagal din bago natapos ng singer-songwriter ang nasabing awitin.

Ibinahagi pa niya na nagawa lamang niya ang refrain ng kanta nang isinilang na si Baby Nate.

BABY NATE. Matapos ang performance ni Ogie, nagkaroon ng pagkakataon ang co-hosts ng Party Pilipinas na sina Jaya, Janno Gibbs, at Raymond Gutierrez, na makausap sa telepono si Regine.

"Hello to everybody, nakita ninyo na ’yong baby namin!" ang masayang pagbati ng Songbird sa kanyang mga tagahanga.

Dagdag pa niya, maayos naman ang kalagayan nila ng kanilang baby boy.

Siyempre, ang unang tinanong kay Regine ay kung sino ang kamukha ng kanilang anak ni Ogie.

"Actually, hindi namin malaman!" natatawang sagot ni Regine.

"Hindi nila ma-figure out, maski kami hindi namin ma-figure out kung sino talaga kamukha, e.

"I’m very happy and nakakatuwa ’yong baby ko.

"Una ko siyang nakita, sabi ko, ’Saan galing ’yan, bakit mukhang foreigner?’

"Mukha kasing foreigner, e.

"Basta ang lagi lang sinasabi, even my sisters and brother, ang tangos daw ng ilong."

Kuwento naman ni Jaya, nabalitaan niya na hindi lang sa mga magulang nito may namana si Baby Nate.

Nakuha rin daw ng bata ang paa ng kanyang Lolo Gerry, ang ama at unang music mentor ni Regine.

"Oo, nagulat nga ako, ’yong paa niya mahaba," pagsang-ayon ni Regine.

Dagdag pa niya, ang mata naman ng kanyang anak ay namana kay Ogie dahil "parang ano siya, e, bright eyes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST-TIME MOM. Sumunod naman na kinumusta ng grupo ang pakiramdam ni Regine ngayon isa na siyang "full-fledged mom."

"Uhm, masaya," bulalas ni Regine.

"But at the same time, siyempre scary. Parang I don’t know what to do with the baby."

Nagsimulang nang maging emusyonal si Regine sa puntong ito, at sinabing, "Sana I’m doing it right."

Ngunit agad naman siyang pinuri ng asawang si Ogie.

Ani Ogie, "Hon, you’re doing well, you’re doing well.

"Pinapanood kita, ’yong maternal instincts mo is spot-on. Galing mo, hon, galing mo!"

Gayundin, hindi na napigilan ni Ogie na mangilid ang luha nang sabihin ng kanyang asawa na, "Sabi ng asawa ko kanina, pag first time daw nakita ng nanay ’yong anak, parang hindi mo na papansinin ’yong asawa mo, di ba?

"On the contrary, parang I rely on him nga so much, ano."

Pag-amin din ni Regine, hindi pa matiyak kung kailan siya muling mapapanood ng kanyang mga fans.

"Soon, I hope, I just need to lose all these...fats. All the baby fats I gained, medyo madami-dami din."

Pinasalamatan niya rin ang kanyang mga kasamahan sa industriya, fans, at ang asawang si Ogie para sa awiting inialay nito sa kanilang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN