PART 1. Governor Vilma Santos on son Luis Manzano’s relationship with Jennylyn Mercado: "Matagal ko na rin namang alam, kaya lang I kept my mouth shut..."

"Ayoko lang yung manggaling pa akin. I mean, yung mag-expose na kung anuman ang status ng relationship nila. Relationship nila yun kaya it should come from them," says actress-politician Vilma Santos about Luis Manzano’s announcement that he and Jennylyn Mercado now have a formal relationship going.


Pagkatapos ng kanyang meeting sa mga top executives ng Star Cinema at ABS-CBN, ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) naman ang hinarap ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa isang intimate interview.

Naganap ito noong Biyernes, Nobyembre 18, sa Chef Jessie restaurant sa Rockwell, Makati.

Ang akala namin nung una ay kasosyo o isa sa may-ari ng Chef Jessie si Ate Vi.

Nang iabot kasi sa amin ang menu ay kasama sa pagpipilian ang "Salad a la Governor Vi"—isang salad na may halong smoked salmon, seared scallop, goose liver, at iba pa.

Pero ipinaliwanag ng Star for All Seasons na family friend niya ang may-ari ng restaurant na si chef Jessie Sincioco.

Sabi pa ni Governor Vi, paborito niya ang nabanggit na resto dahil suwerte raw sa kanya ang lugar.

Lahat daw halos ng meetings niya para pelikula, commercials, at iba pang negosyo ay natutuloy pag dito niya ginanap ang meeting.

THE HEALING. Pero para saan nga ba ang meeting niya with Star Cinema at ang ABS-CBN bosses?

Ayon kay Ate Vi, "Well, pinag-usapan namin ang tungkol sa TV show, but again, nothing is final yet.

"Gusto ng ABS na sila ang hahawak ng 50th anniversary ko sa showbiz for November next year.

"Exciting talaga at maraming mga plano sila—may book launching at iba pang medyo pang-off the record muna."

Kasama sa meeting niya with Star Cinema ang tungkol sa schedules niya para sa pelikulang naumpisahan na niya—ang The Healing with Chito Roño as director.

Kailan ulit siya magre-resume ng shooting?

"Baka next month," sagot ni Ate Vi.

"Pero kung hindi, baka starting January na ulit.

"Kaya nga sabi ko, e, I truly appreciate Star Cinema kasi nag-a-adjust sila sa mga schedules ko.

"Hindi lahat ng produksiyon, kayang ibigay ang gusto kong oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kamukha ngayon, ang dami nating activities kaya pinagbigyan ako sa gusto ko.

"Kaya lang, pag hataw, hataw na at tuluy-tuloy na ’yan.

"Tuloy pa rin naman ang shooting nila ngayon at yung mga eksenang wala ako, e, yun muna ang kukunan nila. "

BOX-OFFICE PRESSURE? Speaking of movies, magkasunod ang big hits ng Star Cinema (na kapwa co-produced ng Viva Films)—ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

May malaking pressure ba sa kanya ngayon ang pelikulang ginagawa niya dahil sa naging back-to-back na tagumpay ng Star Cinema sa takilya?

Ayon kay Ate Vi, "Well, I am happy for them at sa lahat ng mga taong involved sa dalawang pelikulang yun.

"Pero, alam n’yo, kung titingnan mo yung dalawang pelikulang nag-box office [hit], e, magkaiba ang tema.

"Ang tao ngayon, hindi mo alam kung ano ang gustong panoorin, hindi mo alam kung ano ang gusto nila ngayon.

"Magkaiba yung dalawang nag-hit, so it means na ang tao ngayon, e, naghahanap na ng iba.

"Basta ang alam ko, magpi-fifty years na ako sa showbiz, e, mahal pa rin ako ng publiko.

"Definitely, ang The Healing naman, next year na ito ipapalabas."

TWO-WEEK VACATION. Habang kausap namin si Governor Vi ay kapansin-pansin na lalong gumaganda ang aura niya, medyo nag-slim at halatang nakapagpahinga nang husto.

Kumusta ang two-week Asian vacation niya kasama sina Senator Ralph Recto, ang anak nilang si Ryan Christian, at ilan pang miyembro ng kanilang pamilya?

Kuwento ng actress-politician, "Well, it is to unwind talaga.

"Ang pinuntahan namin, e, Phuket, isang beach yun [sa Thailand].

"Nagbabad nang husto si Ralph at si Ryan. Kaya mamula-mula ang dalawa.

"Sa Malaysia naman, e, bundok yung pinuntahan namin—yung sa Genting.

"That’s one hour away from Kuala Lumpur, so nagbibiyahe kami papuntang Kuala Lumpur.

"It’s more of nature trip, sumasakay kami ng cable car.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang maganda lang kasi, e, yung natural ka. I mean, you can go out na very normal ka talaga.

"Parang walang araw dun na hindi kami lumakad.

"Taking advantage, every day kaming nasa labas.

"Yung bakasyon, pagod din, kaya lang masaya kasi that is something to unwind, para maiba naman."

Dagdag lang niya na dito sa Pilipinas, "Pagdating, pagod na rin, kaya humingi ako ng konting extension lang.

"Kasi December, hataw na naman sa trabaho. Christmas party left and right na ’yan."

BATANGAS FOUNDATION DAY. Sa first week ng December ay gaganapin din ang 430th foundation day ng lalawigan ng Batangas.

Banggit nga ni Governor Vi, "One week ang celebration ng foundation day ng Batangas.

"Walong araw na activities yun, pero December 7 ang pinakabongga kasi sina Ruffa [Gutierrez] and Luis [Manzano, Ate Vi’s son] ang mga host.

"It is going to be a big celebration, mga mayors kasama sa mga magsasayaw.

"Kumbaga, maganda yun kasi yung camaraderie rin naming mga leaders ng Batangas, ipinapakita rin namin na kahit magkakaiba kami ng partido, may pagkakaisa kami.

"Lahat naman sila, they are all showing their support sa akin and participation.

"First time ito sa buong lalawigan at kasama ang lahat ng mga mayors, so maganda."

ATE VI’S BIRTHDAY. Ikinuwento rin ni Ate Vi sa PEP ang naganap na simple ngunit memorable na selebrasyon para sa kaarawan niya noong November 3.

Kuwento ng 58-year-old actress, "Nag-birthday ako doon sa Phuket... It’s not a birthday party na talagang bonggang-bongga.

"It is more a family affair, pero si Lucky [palayaw ni Luis] lang nga ang kulang.

"More on family, for a change, intimate dinner. Happy naman ako.

"Then, binigay ni Ralph yung regalo niya sa akin, isang diamond necklace.

"Tapos, mga kapatid ko, nagbigay din ng regalo.

"Si Ryan, may regalo rin sa akin na lipstick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That was a night before my bday, pero the next day, birthday ko mismo, sinorpresa nila ako at binigyan nila ako ng four seasons cake.

"So, masaya. It is more simple, kasama mga mahal ko sa buhay.

"Si Lucky, nagte-text lang kami.

"But even before my birthday, sinabi niya sa akin na dadalhin sa bahay yung gift niya.

"Pero happy ako kasi busy siya sa pagpapaganda ng bahay niya at sa work niya."

LUIS & JENNYLYN. Speaking of Luis, ipinahayag na ng panganay na anak ni Ate Vi na opisyal na nitong kasintahan ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon ni Ate Vi tungkol dito?

Aniya, "Matagal ko na rin namang alam, kaya lang I kept my mouth shut tungkol sa bagay na ’yan.

"Ang anak ko naman, wala namang inililihim sa akin ’yan; and Jen naman is a nice person.

"Ayoko lang yung manggaling pa akin. I mean, yung mag-expose na kung anuman ang status ng relationship nila.

"Relationship nila yun kaya it should come from them.

"So, pagkakaalam ko, personally, walang inilihim ang anak ko—even si Jen din."

SHARON CUNETA. Usap-usapan na iiwan na raw ng kaibigan ni Ate Vi na si Sharon Cuneta ang ABS-CBN at lilipat na sa TV5 sa susunod na taon.

Ano ang komento ni Ate Vi tungkol dito?

Sagot niya, "Alam ko, mahal siya ng Dos.

"Mahal na mahal siya ng Star Cinema at alagang-alaga si Sharon ng mga ito.

"Pero kung ano mang dahilan ng paglipat niya, maybe there is something personal.

"Pero, maybe gusto na rin ni Sharon na tumikim ng ibang putahe. You know what I mean, di ba?

"So, ganun lang. I guess, let us just wait and see.

"Pero alam ko, deep in me as a friend of Sharon, alam ko mahal niya rin ang Star Cinema at mahal niya ang ABS-CBN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa posibilidad na maging talent na ng TV5 si Sharon, wala na kayang pag-asa na matuloy ang binabalak na pelikulang pagsasamahan nilang dalawa?

"Well, bahala na. Malay natin, di ba?

"Basta kami ni Sharon, e, nandito lang kami para sa isa’t isa," sabi ni Ate Vi, ang tinatatawag na isa sa mga mangilan-ngilang real movie stars ng bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN