PART 2. Star for All Seasons Vilma Santos says she and Senator Ralph Recto still keep mystery in their marriage 26 years after

Vilma Santos on marriage with Senator Ralph Recto: "Kasi kami ni Ralph, e, hindi kami bulagta... Ibig kong sabihin, na porke asawa mo, e, you show everything. Hindi kami yun, e. In fact, when it’s his work, I respect that. At siya rin sa akin. So, may naiwan pa rin kaming mystery sa isa’t isa. So, hindi kami yung tutal asawa mo naman ’yan, e, dapat exposed na lahat. Kaya meron magandang thrill pa rin na naiiwan sa amin."


Sa December 11 ay magdiriwang sina Governor Vilma Santos at Senator Ralph Recto ng kanilang 26th anniversary bilang mag-asawa.

Sa tagal ba ng pagsasama nila’y may nadidiskubre pang "something new" si Ate Vi kay Senator Ralph?

Ayon sa governor ng Batangas, "My God, 26 years na kaming magkasama!

"Kasi kami ni Ralph, e, hindi kami bulagta... Ibig kong sabihin, na porke asawa mo, e, you show everything. Hindi kami yun, e.

"In fact, when it’s his work, I respect that. At siya rin sa akin.

"So, may naiwan pa rin kaming mystery sa isa’t isa.

"So, hindi kami yung tutal asawa mo naman ’yan, e, dapat exposed na lahat.

"Kaya meron magandang thrill pa rin na naiiwan sa amin."

RESPECT AND PRIVACY. Hindi na ba sila nagkakasabay maligo ni Senator Ralph?

"Minsan-minsan... Pero pag sa banyo, nakita kong gamit niya, nagsa-shower siya, at gusto ko ring makigamit, e, hindi muna ako tutuloy, pinatatapos ko siya.

"Basta doing something, alam kong andun siya, e, hindi ako tutuloy.

"Kahit sabihin pang tag-iisa kaming lugar, e, pinapatapos ko talaga muna siya.

"Actually, tig-isa kami ng lugar, pero you don’t go there and watch him doing his thing.

"Respect pa rin ’yan.

"Siya naman, pag nakita niyang I am using the banyo or what, e, lalabas siya.

"Kakausapin lang niya ako, then lalabas agad siya.

"Hindi yung alam mong nakahubad ka lahat-lahat, e, pagmamasdan ka niya.

"That is respect, and that is mystery.

"May respeto pa rin dapat kahit asawa mo yun.

"But sometimes, you take a bath together, pero ibang thrill na yun.

"You don’t do it palagi.

"May respect talaga, dapat respeto muna bago love.

"Kasi if you respect the person, sunod na dun, and everthing will follow.

"You will learn to love, understand, then nirerespeto mo yung tao at una pa kaysa love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi minsan, mahal mo nga ang tao, pero binabastos mo...

"Respect talaga dapat. And everything follows."

TIME TO REST. Isa raw sa talagang nagbibigay ng lakas kay Governor Vi ay ang makitang masaya ang pamilya niya at ang lahat ng mga taong mahal niya.

Pero aminado siyang may mga oras na talagang umiinit din ang ulo niya.

Ayon kay Ate Vi, "Kahit na sa Kapitolyo, umiinit ang ulo ko, alam ’yan ng mga tao ko doon.

"Lalo na kung hindi magawa yung dapat na gawin, alam nilang umiinit ang ulo ko, sumisigaw din ako.

"Kaya kung medyo tired na ako, I just stay home with my family, eat what I want. Hindi ako nahihiya.

"When I am tired, at alam kong pagod na ako at hindi ko na kaya—kahit sino ka pang Pontio Pilato, and if I am not feeling well, hindi kita haharapin.

"I want to rest. I just want to give time to myself.

"I don’t mind kahit magtampo ka pa. I don’t care.

"Ang importante, sarili ko rin, take care of myself to...

"May mga moments na ganyan na I will give priority to myself.

"It is time to rest, kasi hindi ko na kaya.

"Isa lang ang katawan ko—and 36 na ako!" natatawang biro ng 58-year-old actress-politician.

POLITICAL PLANS. Nasa ikalawang termino na si Ate Vi ng pagiging gobernador ng Batangas.

Marami ang interesadong malaman kung ano ang balak niya sa 2013 elections.

Tatakbo ba siyang muli bilang governor o sa mas mataas nang posisyon?

Ani Ate Vi, "Wala pa akong plano, either governor uli or...wala pa talagang plano.

"Sabi nga nina Malou [Santos, Star Cinema head] kanina, dahil ang dami kasi nilang inihanda sa akin for my 50th...golden showbiz anniversary, ipe-present nila sa akin by end of November.

"Sabi niya sa akin, na kung puwede raw muna akong mag-rest ng one term sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, pagbalik ko, president na ako or sa Malacañang na ako!

"Alam n’yo, hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa political career ko sa susunod na eleksiyon.

"Hindi ko talaga pinaplano, lalo na ngayon, ang gulo-gulo ng pulitika.

"Kaya nga kanina, napanood ko yung Kris [morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN]. Sinabi ni Ai-Ai [delas Alas] yung payo ko sa kanya.

"Sabi ko kasi kay Ai, na kung hindi pa siya ready na pasukin ang pulitika at hindi pa siya handang isakripisyo ang time niya sa showbiz, e, huwag muna.

"Kasi pag tumuloy na siya, masasakripisyo ang oras mo, kasi hindi rin puwedeng mapabayaan mo ang time mo as a public servant.

"So, kung hindi mo kayang i-give up yun, at maiba ang oras at priority mo, e, huwag ka nang tumuloy.

"Kaya sinunod naman yata ni Ai-Ai ang sabi ko sa kanya, hindi raw muna siya tatakbo sa 2013.

"Baka 2016 na niya pasukin ang pulitika.

"Nagpunta siya sa akin sa bahay at humingi ng payo sa akin.

"Mas mahirap pag andiyan ka na, saka magbabago ang isip.

"Kung kailan nagkaroon na ng preparasyon at saka ka aatras."

CHRISTMAS CELEBRATION. Tinanong din ng PEP si Ate Vi kung ano ang plano niya sa nalalapit na Kapaskukan.

"Definitely, Christmas ko, dito sa Pilipinas," sagot niya.

"Lahat ng mga activities ko for Batangas, kailangan magawa ko.

"Kasi maraming sectors megse-celebrate ng kanilang Christmas party.

"Lahat halos ng mga bayan sa Batangas, e, may mga pagdiriwang na siyempre kung kaya ko, pupuntahan ko yun.

"So, I will not leave.

"Kung meron man sigurong plano, baka next year na naman. Para tama ulit sa bakasyon.

"Kasi tinitiyempo ko rin sa bakasyon ni Ralph sa Senate at bakasyon ng anak ko.

"Si Lucky [Luis Manzano] kasi, e, sobrang busy ng anak ko. Pero ginusto niya yun, kaya let it be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero lagi na rin naman ’yan sa bahay, sa amin siya nagdi-dinner, so okey lang yun.

"Kasama niya minsan sa mga dinner namin si Jen [Jennylyn Mercado]," pag-amin pa rin ni Governor Vi.

Ready na ba siyang maging lola kung saka-sakali?

"Ready na ako, totoo yun.

"At tanggap ko na sooner or later, may dadalhin na si Lucky sa akin na anak niya!" natatawang sabi ng Star for All Seasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN