Ruffa Gutierrez still cannot unmask her "Batman"; annulment case continues

Ruffa Gutierrez on lovelife: "You know, para sa akin, kung nandiyan, nandiyan. You know, if they make you happy, then it’s okay. But once they started giving you problems, you should erase them from your life."


Pagkatapos ng ilang linggong pagkawala ay muling nagbalik sa Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed si Ruffa Gutierrez.

Kuwento ng TV host-actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na-enjoy niya talaga ang kanyang recent trip abroad.

"I had a good time sa Las Vegas at sa L.A. [Los Angeles]

"First time ko sa Las Vegas para manood ng Pacquiao fight. Kaya talagang na-excite ako.

"At gusto ko nang gawin lagi iyon na manood ng bawat laban ni Pacman.

"So, ayun, nakapagpahinga rin ako ng konti.

"Pero, very short lang, e. Halos six days lang ako nawala."

TELL-ALL INTERVIEW. Alam ba niya na ang naging epekto ng tell-all interview sa kanya ni Mo Twister tungkol sa isyu nila nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz?

May mga nakakagulat kasing rebelasyon si Ruffa, lalo na sa mga pagdedetalye niya ng naging relasyon nila ni John Llloyd. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Ruffa, "Naku, kung anuman ’yong mga nasabi ko, iyon na ’yon.

"Ayoko nang mag-expound pa do’n.

"And I’m sure it was very clear. And, uhm... kung anuman ’yong mga nasabi ko, iyon na ’yon."

Pagkatapos lumabas ng interview ni Ruffa, wala namang naging reaksiyon ang kampo nina Shaina at John Lloyd hinggil dito.

Wala rin tawag o anumang text message na natanggap si Ruffa mula sa dalawa.

"Wala na. Tahimik na lahat," nangiting sabi ng Kapatid star.

HOW IS "BATMAN"? Kumusta naman si "Batman" ng buhay niya?

Sa naturang interview rin kasi ni Ruffa ay nabanggit niya na may "Batman" na siya, kaya imposibleng manumbalik ang relasyon nila ni John Lloyd sa puntong ito.

Pero saad ni Ruffa, "Alam mo, never naman talaga akong naging open sa aking personal life.

"It just so happened na that time, I just want to clear it and justify the fact na...wala na siya [John Lloyd] sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na... may mga iba na nanliligaw. May mga iba nang nakapaligid sa akin.

"So, walang dapat alalahanin ang kung sinuman."

So, secretive na siya when it comes to her lovelife?

"Always naman akong naging secretive, ’no!

"At saka si Batman, hindi naman tinanggal ’yong mask niya. May mask pa rin siya!" natawang sabi ni Ruffa.

Gaano pa katagal bago "ma-unmask" ang kanyang sariling Batman?

Sagot ni Ruffa, "I’m going through an annulment.

"So, kailangan talaga maging tahimik muna ang lahat.

"Pero, you know, siyempre may mga taong umaali-aligid ng konti.

"But for me, nakakapagod na rin.

"You know, para sa akin, kung nandiyan, nandiyan.

"You know, if they make you happy, then it’s okay.

"But once they started giving you problems, you should erase them from your life.

"Kasi life is too short. And I have two little girls [Lorin and Venice] that I have to be accountable for.

"Sila ’yong main priority ko."

Masasabi ba niya nang diretsahan na hindi magiging malamig ang Pasko niya ngayong taon na ito?

"Malamig na malamig!

"Kasi nasa New York at L.A. kami ng buong pamilya!

"It’s gonna be snowing there!" natatawang sabi niya.

Dagdag ni Ruffa, "Pero in terms of embraces, e, magiging warm naman kasi kapiling ko sina Lorin and Venice."

YILMAZ FACTOR. May communication na ba sila ulit ng estranged husband niyang si Yilmaz Bektas?

Nagpaparamdam ba sa kanya ito lately?

Pabirong sagot ni Ruffa, "Ay, ang feeling ko, kailangang magparamdam na ako sa kanya ngayon para mahanap na si Ramona!"

Ang tinutukoy ni Ruffa ay si Ramona Bautista, na sangkot sa pagpatay sa kapatid nitong si Ramgen Revilla.

Patuloy ni Ruffa, "Kasi, naisip ko lang, when they said that she escaped to Turkey, talagang...naloka lang ako talaga!

"Kasi, kahit papano, nando’n pa rin ’yong Yilmaz factor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And sinabi nilang walang extradition treaty [between the Philippines and Turkey], so talagang... it goes to show talaga na tama ’yong desisyon ko.

"Na kailangan si Yilmaz ang bumisita dito. At hindi kami ang pupunta doon [sa Turkey].

"Kasi, hindi na ako mahahanap!

"Baka mamaya ilagay n’yo, ’Asan na si Ruffa Gutierrez?’ Ha-ha-ha! ’Nawawala na siya!’"

GWENDOLINE’S VICTORY. Noong 1993 ay naging Second Princess o 2nd runner-up si Ruffa sa Miss World.

Ngayong 2011 lamang nasundan ang pagpuwesto ng Pilipinas sa Miss World nang tanghaling First Princess o 1st runner-up si Gwendoline Ruais.

Si Gwendoline pa lamang ang ikatlong Pinay na nagkaroon ng puwesto sa Miss World, pagkatapos nina Evangeline Pascual (noong 1973) at Ruffa.

Kaugnay nito, may mga nagsasabi na parang may bahid pulitika ang pagkapanalo ni Gwendoline bilang first runner-up.

Siya kasi ang unang representative ng Pilipinas matapos alisin ng Miss World Organization sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang pagpili ng kinatawan ng bansa at maging independent local beauty pageant na ito na may titulong Miss World Philippines.

Ano ang masasabi ni Ruffa sa isyung ito?

"Everyone has always gonna have something to say.

"Pero para sa akin, I would like to congratulate her.

"I didn’t watch the pageant, pero ang older sister kasi niya is a friend of mine.

"At na-meet ko na rin si Gwendoline once sa birthday party ni Tim Yap.

"And she has brought honor to the country. She’s first runner-up.

"I would like to wish her well and congratulations.

"Sana maging maayos ’yong pagre-reign niya this whole entire year," pahayag ng dating beauty queen.

Dati ay may impresyon ang marami na kapag sa Miss World, laging nadi-discriminate ang mga Pilipinang kandidata at iba pang Asian delegates.

Kaya nga raw tila napakahirap na may makapag-uwi ng Miss World crown and title para sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Ruffa, "Well, alam mo, I think I was quite lucky no’ng time ko, kasi naging judge si Jackie Chan.

"And there are a lot of colored judges. So, hindi kami na-discrimate na mga Asians.

"As a matter of fact, it’s one of the first few times after Evangeline Pascual na nakapasok [as finalist] ang isang Asian na katulad ko.

"And, I think now, everyone is starting to appreciate the bauty of the Filipina.

"Marami nang mas magaganda ngayon.

"Siyempre, with the mixed breed. Marunong na tayong mag-take care ng sarili natin.

"So, napapansin na ang Pilipinas, not only sa Miss World, pati rin sa Miss Universe...everywhere.

"Because of [Manny] Pacquiao as well...Josie Natori [fashion designer].

"Ang dami nang naging successful Filipinos...si Charice [Pempengco], that we should be proud of.

"So, nagkakaron na tayo ng name. Hindi lang dahil sa mga krimen na nangyayari sa bansa natin."

May pageants na rin para sa mga ina at married women gaya ng Mrs. World. Wala ba siyang balak sumali sa mga ito?

"Naku, hello! Huwag n’yo na akong isali diyan, nakakaloka!" natawang reaksiyon ni Ruffa.

"Ano ba ’yan? Hindi na!

"Tama na ’yan!

"It was fun during my time when I was 18...19.

"Pero, uhm, ngayon, iba na ’yong career path ko."

LORIN & VENICE. Paano ang dalawang naggagandahang anak niya, papayagan kaya niyang sumali sa beauty pageant balang araw kapag ginusto ng mga ito?

"Baka puwede.

"Pero tingnan natin muna. Kailangang tapusin muna nila ang pag-aaral nila.

"Naging very strict din ako sa kanila hanggang sa paglabas-labas sa mga commercials at sa iba pang projects dahil na rin sa schooling nila.

"Kasi, I really want them to concentrate on that."

Nag-i-screen ba sina Lorin at Venice ng mga suitors na umaaligid sa kanya?

"Alam mo, pagdating sa mga bagay na ’yan, kailangan siyempre ingatan mo ang mga anak mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t introduce them to anybody [na nanliligaw].

"And ayoko naman na maguluhan sila.

"They really respect Yilmaz. They speak highly of him.

"So, I want it to remain that way.

"After all, he’s still the father."

NEXT PROJECT. Tungkol sa kanyang career naman, ano ang susunod niyang teleserye sa TV5 pagkatapos ng Nagbabagang Bulaklak?

"I’m gonna start something in January," maikli niyang tugon.

With whom?

"Wala pa. Pinaplano pa lang ang tungkol dito.

"Meron akong movie ngayon. I’m doing Dead Na Dead Ako Sa ’Yo with Pokwang, Gabby Concepcion, and John Lapus.

"We still have seven shooting days to go. So, hopefully matapos na ’yon by December."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN