Annabelle Rama: "Hindi pa nabuhay ang magpapakulong sa akin!"; Nadia Montenegro: "Maniwala ka, Annabelle, hindi ako titigil, hanggang sa dulo!"

Former actress Nadia Montenegro (right) has formally filed several complaints against talent manager Annabelle Rama (left) at the Quezon City Prosecutor’s Office.


Noong November 2 ay humarap sa korte sa unang pagkakataon si Nadia Montenegro at ang kanyang mga menor de edad na anak upang isampa ang kanyang reklamong child abuse, oral defamation, at karagdagang kasong falsification of documents laban sa manager ng mga anak na si Annabelle Rama.

Isinampa ang mga kasong ito sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon sa taped interview ni Nadia sa Showbiz Central kahapon, November 20, "It is my right and it is my job to protect and to do what is right for my children."

November 8 naman nang sagutin ni Annabelle ang mga nakasaad na akusayon sa affidavit ni Nadia.

Saad ng talent manager: "Kailangan naman talaga akong sisipot, hindi ako natatakot sa kanya.

"Hindi pa nabuhay ang magpapakulong sa akin!

"Hay naku, Nadia, ang lahat ng demanda, idemanda mo sa akin!

"Wala ka ni pisong makukuha sa akin, tandaan mo ’yan, ’Day!

"Nadia, baka pagsisihan mo itong ginagawa mo sa akin, ha?

"Ikaw ang may utang sa akin at ikaw ang magbabayad!

"Huwag mo akong idemanda kasi ikaw ang may utang!"

Matapos ang isang linggo, muling bumalik sa Prosecutor’s Office si Nadia upang sagutin ang naisaad na depensa ni Annabelle sa kanyang counter affidavit.

Pahayag ni Nadia, "Nandidito ang reply ko lahat.

"It is not true na nakiusap ako na kunin niya ang mga anak ko para i-manage.

"It is not also true that I signed a five-year contract with her.

"I signed a three-year contract with her.

"Isa yun sa mga ipinayl kong case, yung falsification of documents.

"She was a friend, I trusted her, but yet nagawa niya ito sa mga anak ko.

"I don’t think that she should continue doing what she’s doing because we know where she... ayoko na lang magsalita."

YNNA ASISTIO. Buo naman ang suporta ng panganay na anak ni Nadia na si Ynna Asistio sa laban ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ynna, "Walang kahit sino sa amin nag-text, tumawag—tapos sabi nila ’stop calling and stop texting.’

"Hindi na rin po ako nag-reply kasi naka-receive na ako ng DM [direct message] kay Tita Ruffa [Gutierrez, Annabelle’s daughter].

"Kahit nga yung mga ano, e, mga nagtatanggol sa amin, minessage nila, e, ng masasama.

"So, parang yun nga, parang kahit naman sobrang pangit nilang kaaway, alam namin na nasa tama yung laban na ginagawa namin."

Mangiyak-ngiyak namang sinabi ni Nadia, "Tibay lang, basta sama-sama.

"Paglalaban ko, hindi ako titigil.

"Maniwala ka, Annabelle, hindi ako titigil, hanggang sa dulo!"

"HOW DRAMATIC!" Pagkatapos ipalabas ang taped interviews kina Nadia, Annabelle, at Ynna, nagkomento ang isang anak naman ni Annabelle na si Raymond Gutierrez.

"How dramatic!" bulalas ng TV host.

Tinanong naman ni Pia Guanio si Raymond kung ano ang nararamdaman nito sa tuwing na i-involve ang ina sa mga ganitong bagay.

Ang sagot ni Raymond, "You know, as much as I want to have an opinion or as much as I wanna get involved, I really don’t know the nitty-gritty of the lawsuits filed against her.

"All I know is that my mom, my parents and my family, we were good to Nadia and her kids.

"And I just don’t wanna prolong this na because, honestly, they are really irrelevant to me.

"So as much as I wanna say stuff, I don’t wanna prolong it na kasi hindi sila kawalan sa buhay ko."

Kapag nakikita niya si Nadia o si Ynna, does it affect the relationship with them?

"No, I just don’t mind them.

"I have no reason to say hi to them.

"I have nothing to say to them, so as if they’re not there," saad ni Raymond na malinaw na kumakampi naman sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN