Camille Villar will be Wil Time Bigtime’s guest host for a week

Camille Villar on her week-long stint as guest host in Wil Time Bigtime:

"I don’t know what to expect. I’m just trying to focus on doing a decent job in the first week. Hindi ko na iniisip yung iba."


Ngayong Miyerkules, sasalang sa Wil Time Bigtime si Camille Villar, ang nag-iisang babaeng anak ng billionaire businessman at dating Senador Manny Villar.

Guest host ang magiging role ni Camille sa show ni Willie Revillame sa TV5, bilang kapalit ni Mariel Rodriguez na pansamantalang nagbakasyon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Camille matapos ang live guesting niya sa Paparazzi kahapon ng linggo sa TV5 studio, ipinaliwanag nito kung bakit niya tinanggap ang showbiz offer.

"Ewan ko, malimit naman kaming magkasama," bungad niyang simula na ang tinutukoy ay si Willie.

"Tapos, bumibisita kami ng Dad ko na si Senator Villar. Tapos, niloloko niya ako. Hindi ko alam na totohanin pala niya."

Dugtong pa ng dalaga, "Matagal na rin naman siyang kaibigan ko at kaibigan ng pamilya.

"Marami kasi akong natutunan sa kanya at sobra niya akong pinapatawa.

"Sobrang excited ako at binigyan niya ako ng opportunity na ito at makasama siyang mag-host."

Hindi lang raw sa kampanya ng ama niya nakasama si Willie, ayon pa kay Camille, kundi pati na rin sa iba pang okasyon ng pamilyang Villar.

Kaya naman naging kaibigan na nila ang TV host.

Walang pag-aalala raw si Camille sa posibleng pagsabak niya sa mga showbiz issues dahil short-term lang daw ang gagawin niyang paghu-host sa show ni Willie.

"Well, isang linggo lang naman siya. Okey lang naman.

"Sobrang excited ako na makasama ko yung mga tao sa Wil Time Bigtime," masaya niyang bulalas.

"And, medyo nababawasan yung kaba ko ng konti dahil makakasama ko nga si Willie.

"And palagi naman niya akong tinutulungan at sinusuportahan, so, okey naman," esplika niya.

PERMANENT HOST? Nakukuwestyon kung bakit isang linggo lang maghu-host si Camille samantalang puwede naman itong maging permanente sa programa?

"Wala! Kailangan lang nila ng papalit muna pansamantala kay Mariel for the one week that she’ll be gone. Okey na yun!" nangingiti niyang rason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman ako kahit one week lang."

"Palagi naman akong nagri-recite, and it’s a good opportunity."

Ang sagot naman niya sa mga nagsasabing dapat raw mas mahabang panahon ang ibigay sa kanya sa pag-host ng show: "No, not at all."

Wala pa raw sa isip ni Camille ang long-time career plan sa showbiz.

"For now, gusto lang matulungan si Will, makasama si Will for this one week.

"Hindi ko pa naiisip yung career sa showbiz."

WIL-LINK? Malamang na matukso raw si Camille kay Willie.

Wala raw kasing nagiging co-host si Willie na hindi nali-link sa kanya, gaya na lamang ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

"Well, si Willie nga, as I have said, he’s a good friend of the family.

"Tapos, matagal na rin po nilang tinutukso kami," sigurado niyang sabi.

Nang sinabi sa kaniyang ang mga gaya niyang maganda, reserved, at matalino ang nagugustuhan ni Willie, hindi makapaniwala si Camille.

"Talaga?!" nagdududa niyang bulalas. "My God!" dugtong niyang reaksyon.

"Basta, we’re very close friends. All of us!

"Even with my family, my brother, my mom and my dad. So, that’s always been the case," ulit niya.

Paano nga kung mauwi sa panliligaw sa iyo ni Willie ang pagbibiro nito sa show?

"Ha??! Basta, he’s a friend of the family. Very long time, parang hindi ko ma-imagine," sambit ng dalaga.

Puwede bang sabihing "kuya" o "tatay" ang tingin niya kay Willie?

"Basta kaibigan siya. May tatay na ako e, mahal na mahal ko ang tatay ko!" diin ni Camille.

Tumangging mag-comment si Camille kaugnay sa kanyang lovelife.

Hindi man sabihin, gusto niyang private ang kanyang personal na buhay.

Ang punto naman ng pagtatanong ay baka kasi ma-link siya kay Willie, e di magugulo ang lovelife niya kung meron siyang boyfriend ngayon.

"Matagal na naman na yung intriga. Sanay na naman ako. Basta, we’re really good friends. Yun lang naman yun," seryosong niyang pag-amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging sa pelikula ay hindi raw sasabak si Camille para umarte.

ACTING PLANS? "Ay, hindi! Wala akong acting ability. Talagang wala.

"Kawawa naman yung mga manonood sa akin. Huwag na lang," pabiro niyang sabi.

Hindi malayong mabigyan ng offer si Camille dahil sa kanyang personality na masaya at madaldal.

"Naku, tignan nyo muna sa Wednesday... baka after that, hindi na ako makabalik ng Thursday!

"Actually, it’s my very first time to do something like this. I feel really, really nervous.

"I don’t know what to expect.

"I’m just trying to focus on doing a decent job in the first week. Hindi ko na iniisip yung iba," sagot niya.

PUBLIC SERVICE HOST. Kung sakali mang papipiliin raw ng show si Camille, eto raw ang mga hinahanap niyang laman ng programang sasalihan niya:

"As long as it’s fun. As long as I get the help from people, okey naman," paliwanag niya, saka nagsabing gusto niya ng isang "public service program."

"Kasi one of the reason kaya I wanted to join Wil Time Bigtime was to reach more people and to reach other people," saad niya.

Isang malaking no-no kay Camille ang pagpasok sa pulitika.

Mas gusto raw kasi nitong magtrabaho na lang sa business nang pamilya niya.

Abala si Camille sa pag-aasikaso ng kanilang family business nong dumating sa kanya ang offer.

Hindi na nagdalawang isip ang dalaga na tanggapin dahil nga raw sa malalim na pakikipagkaibigan ng kanyang pamilya sa TV host.

"I’m just working in a family business.

"The opportunity presented itself so, i just wanted to try it," sabi ni Camille.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN