Alden Richards denies getting jealous about rumored romance of screen partner Louise delos Reyes and Enzo Pineda

"Pagdating po dun sa ligaw stage, kasi po ako, focused po talaga ako sa trabaho ko ngayon. Kasi, since madami pong ’binibigay na projects po and blessings, priority ko muna yung trabaho. Wala pa ’kong medyo balak pumasok sa isang serious relationship and sana po maintindihan nila ’yan," says Alden Richards.


Ang young actor na si Alden Richards ang nag-guest sa "Don’t Lie To Me Reloaded" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central kahapon, Linggo, November 20.

Ang unang tanong ay nagmula sa ka-loveteam at co-star niya sa The Road na si Louise delos Reyes via a taped video: Dumating ba siya sa point na nagselos na siya kina Louise at Enzo Pineda na balitang may relasyon ngayon?

"No "ang sagot ni Alden, at "Lie" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Depensa ni Alden, "First of all po, ako naman, I’m very professional when it comes to relationships—working relationships or personal relationships po, e.

"So, ako po, since nung I’ve learned na Louise and Enzo has something special, ako, kung saan naman masaya si Louise, sinusuportahan ko siya.

"Kasi, in that way, dun ko lang po napapakita sa kanya yung support ko as a loveteam."

Sinabi o nagsabi ba sa kanya si Louise na nililigawan na siya ni Enzo? Nagpasintabi ba si Enzo na manliligaw ito sa kanyang ka-loveteam?

"Hindi naman po," sagot ni Alden.

"Kasi kami naman po ni Louise, Alakdana days pa lang kami nag-start, close friends na po kami niyan, magkaibigan na kami niyan.

"We always tell each other secrets.

"And yung friendship namin talaga, parang iyon yung tini-treasure namin sa isa’t isa, and we support each other po."

RHIAN RAMOS. Nali-link ngayon si Alden sa isa pa niyang The Road co-star na si Rhian Ramos.

Kaya ang tanong kay Alden ay kung totoo ba na kahit kagagaling lang ni Rhian sa isang relasyon (with Mo Twister) ay plano na niyang ligawan ang young actress.

"No" ang sagot ni Alden, at sa pagkakataong ito ay "Truth" ang naging resulta.

Ayon sa 18-year-old actor, "Kasi po nung bago pa lang akong mag-start sa showbiz, nasasabi ko na talaga sa mga interviews ko, and before po pag nanonood ako ng GMA shows, talagang nagagandahan ako kay Miss Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, naging siya po yung first celebrity crush ko ever since.

"Pero pagdating po dun sa ligaw stage, kasi po ako, focused po talaga ako sa trabaho ko ngayon.

"Kasi, since madami pong ’binibigay na projects po and blessings, priority ko muna yung trabaho.

"Wala pa ’kong medyo balak pumasok sa isang serious relationship, and sana po maintindihan nila ’yan.

"Kasi ako po, talagang gusto kong makatulong sa family and para matupad po yung mga dreams ko.

"And I’m sure naman po si Miss Rhian, after nung what happened on her past relationship, siguro hindi pa po siya ready to enter a new one."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN