Nina quits Sessionistas; reaches amicable settlement on estafa case against Nyoy Volante’s parents

Nina says she has no issues with the Sessionistas, nor they with her. She admits, however, that she never said goodbye to the group formally, arguing that she had told the producers and they posed no objections to her leaving.

Claiming that her focus was on her solo album, she said that leaving the Sessionistas was just part of her need to "move on."


Marami ang nakapansin sa matagal na pagkawala ni Nina sa grupong Sessionistas sa ASAP Rocks.

Para sa nakararami ay tila kulang daw ang nasabing grupo nang di na mapanood ang Soul Siren sa mga production numbers nito.

Si Nina kasi ang biritera sa Sessionaistas kung kaya’t kapansin-pansin nang mamahinga ito sa grupo sa di malamang dahilan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nina kahapon, Nobyembre 20, kinumpirma naman agad ng Soul Siren na hindi na siya bahagi ng Sessionistas.

Hindi raw kaya ang dahilan nito ay ang nabalitang hindi magandang relasyon niya sa mga kasamahan sa grupo?

"Hindi, wala... sinagot ko na ’yan dati na wala naman kaming samaan ng loob, pero siguro move on na rin from Sessionista para mag-grow.

"Totoo ’yun. Kailangan nang mag-move on in preparation for the release of the new album."

WALANG PAALAM. Inamin din ni Nina na hindi siya nagpaalam sa grupo sa naging desisyon niya na iwan na ang Sessionistas.

Pero alam daw ng ASAP ang naging desisyon niya at may pinayagan din daw siya ng mga producer ng show.

Paliwanag ni Nina, "Di naman kami nag-usap usap about that. Ang ASAP na rin naman ang nag-decide at di naman ako.

"Sila ang nag-decide na iba namang segment para maka-move on na rin.

"Kung sakaling sabihin ko na, ’aalis ako ha,’ pero ayaw naman akong paalisin ng ASAP sa Sessionistas, wala akong magagawa, so di naman kailangan.

"Basta magiging part pa rin ako ng ASAP. Inaayos lang kung paano at kailan ako babalik.

Tinanong ng PEP si Nina kung ang unti-unti ba niyang pagla-lie low sa grupo ay preparasyon na pala para sa tuluyan niyang pagkalas dito.

"Hindi, dahil sa album talaga at sa mga shows out of the country. Pangit naman kung paisa-isa lang ang paglabas ko sa ASAP. Naging busy lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NINA AS KAPATID? Pinaklaro din namin kay Nina ang di mamatay-matay na issue na tuloy raw talaga ang paglipat niya sa bakuran ng TV5.

"Pag sinabi kasing lipat, totally wala ka na sa ABS, di ba?

"Ang puwedeng sabihin diyan, nag-aayos para magkaroon ng show sa TV5 pero di naman totally lilipat.

"Ever since naman parang freelance naman ako ,e.

"Maganda ’yun para maraming trabaho."

NEW ALBUM. Kinumusta namin kay Nina ang album niya na ni-release na noong Sabado.

"Okay naman, it was released in the market last Saturday so I was really excited.

"Excited kasi, di ba, ang tagal na? So finally, heto, lumabas na," masaya niyang amin.

"The title of the album is Nina, Stay Alive—and it’s all originals.

"Magaganda ’yung songs and, siyempre, di na rin ako nakakapaglabas ng all original na album puro mga compilation lang.

"The carrier single is a dance song kasi para maiba naman from my previous albums.

"Marami kasi ang di nakakaalam that I love to dance; the other side naman of Nina, medyo pakita naman.

"May dance, sing, siyempre nandun pa rin ’yung mga heartbreak songs na ginusto talaga ng mga tao."

Ipinagdiwang ni Nina ang kanyang kaarawan noong Nobyembre 1.

A SOUL-FUL BIRTHDAY. Simple lang ang naging selebrasyon ng Soul Siren kasama ang buong pamilya at ang kanyang non-showbiz boyfriend ng apat na taon na nagbigay daw sa kanya ng espesyal na regalo.

"Family lang, nag-swimming party, sa bahay lang, barbecue-barbecue.

"First time kong nagganun kasi dati kakain sa labas, maghahanap ng open na resto, pero ngayon sa house lang," kuwento niya.

"Binigay sa akin ng boyfriend ko, bonggang-bongang relo na lahat ng nandun na, may heart monitor, calorie counter—as in, wala pa siya dito sa Pilipinas, sa ibang bansa pa siya inorder."

ESTAFA CASE UPDATE. Kinumusta rin namin kay Nina ang estafa case na sinampa niya laban sa mga magulang ni Nyoy Volante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay na ’yung kaso.

"Di na siya puwedeng pag-usapan, basta nagkaroon kami ng maayos na settlement, and di naman sila pumapalya pa so far," patapos niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN