FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!

Singer-actress Jolina Magdangal and musician Mark Escueta tied the knot earlier today, November 21, at the Splendido Taal Golf and Country Club in Tagaytay City, Cavite.


Ikinasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta kaninang bandang alas-singko ng hapon, November 21, Lunes.

Ginanap ang "sikretong" Christian wedding na ito sa Splendido Taal Golf and Country Club sa Tagaytay City, Cavite.

Matatandaang hindi ipinaalam nina Jolina at Mark sa publiko kung kailan at saan eksakto gaganapin ang kanilang kasal.

Nais kasi ng dalawa na maging pribado ang kanilang pag-iisang dibdib.

Napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na noong Sabado, November 19, ay ginanap na ang Church wedding nina Jolina at Mark.

"Very private" ang naturang kasalan.

Ayon nga kay Mark, "Mga bente lang kami."

THE GROOM & THE BRIDE. Halata namang ninenerbiyos si Mark ilang sandali bago ganapin ang kanilang Christian wedding.

"Excited," sagot ng Rivermaya drummer nang tanungin kung kumusta siya ng mga sandaling iyon.

Nagningning at mukhang masayang-masaya naman si Jolina habang nagmamartsa sa saliw ng kantang "Moonriver."

Hindi rin napigilan ng bride na mapaluha habang naglalakad pa lang patungo sa altar.

WEDDING VOWS. Damang-dama naman ang kaligayahan nina Mark at Jolina habang nagpapalitan sila ng wedding vows.

"Ikaw ang pinakamagandang regalo ni God," sabi ni Jolina kay Mark.

Inamin ni Jolina na ilang beses niyang sinubukang isulat ang kanyang vows.

Pero nagdesisyon siyang mag-impromptu "para hindi scripted."

Aniya pa, habang tumutulo ang mga luha, "Sabi ko, sasabihin ko na lang kung anong nararamdaman ko para sa iyo.

"Lahat ng nandito, lahat ng in-invite natin dito, alam nila kung gaano kita kamahal."

Biro pa ni Jolina, "Pagpasensiyahan mo na kung minsan naghihintay ka ng limang oras dahil nasa banyo ako.

"Kung matangkad at mestiza lang ako, promise three minutes lang ako sa banyo.

"Pasensiya ka na kung minsan, ang daldal-daldal ko..."

Tinawag din ni Jolina si Mark na kanyang "best friend" at "kakampi."

Ganundin, hindi rin nagtagumpay si Mark na isulat ang kanyang vow.

Pero naiyak din ang musikero nang sabihin niya kay Jolina: "Ikaw ang nag-ilaw sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Mark, "Mamahalin kita habang buhay at araw-araw...

"Ikaw ang buhay ko. Mula ngayon, para sa iyo ang lahat."

THE ENTOURAGE & GUESTS. Kapansin-pansin na ang mga bisita, na karamihan ay musicians at TV personalities, ay nakasuot ng Bohemian-inspired outfits.

Blue at pink ang color motifs.

Pinaghalong pulitika at showbiz ang hanay ng principal sponsors o mga ninong at ninang nina Jolina at Mark.

Kabilang dito ang mga pulitikong sina Gibo Teodoro, Ronnie Puno, at Franklin Drilon.

Mula naman sa showbiz, nariyan sina Celia Rodriguez, Mel Tiangco, Arnold Clavio, Jaya, Beverly Vergel, at ang GMA-7 executives na sina Lilybeth Rasonable at Redgie Magno.

Kabilang naman sa bridesmaids sina Judy Ann Santos, Angelika dela Cruz, at Kyla.

Nang dumating si Judy Ann, na pumayat na ngayon, ay nagsigawan ang ilang bisita at sinabing "Whoa!"

Sagot naman ng young superstar, "Ako talaga?"

Kasama namang dumating ni Kyla ang kanyang groom-to-be na si Rich Alvarez.

May 19 na groomsmen naman si Mark, na kinabibilangan ng kanyang mga kabanda at ni Bamboo MaƱalac. Pero hindi nakapunta ang dating bokalista ng bandang Rivermaya at Bamboo.

Naroon din upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Jolina at Mark ang mga kasamahan ng singer-actress sa Party Pilipinas na sina Rachelle Ann Go, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Diva Montelaba, at si Gian Magdangal kasama ang partner na si Sheree.

Kasama rin sa dumalo sina Anne Curtis, Tuesday Vargas, LJ Reyes (kasama ang anak na si Ethan Akio), Max Collins, Paolo at Suzi Abrera, Rhea Santos, Lyn Ching, Wilma Doesnt, Roselle Nava, Jan Marini at Gerard Pizzaras, Nikki Valdez, Kaye Abad, Gabby and Geoff Eigenmann, at Direk Dante Garcia.

Sa kasalukuyan ay ginaganap ang picnic-style reception.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN