Gerald Anderson-Sarah Geronimo love team gets the "blessings" of Kimeralds; Gerald says Sarah is "ang pinaka-close ko ngayon na babae"

Gerald Anderson on his Won’t Last A Day Without You co-star Sarah Geronimo: "Nakilala ko siya, naging close kami. Siya ’yung pinaka-close ko ngayon na babae."

"Honestly, mas marami po akong alam tungkol sa kanya na siguro, hindi alam ng ibang tao.


Sa muling pagtatambal ni Gerald Anderson at ni Sarah Geronimo para sa kanilang follow-up movie na Won’t Last A Day Without You, itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald:

Wala bang oposisyon mula sa mga Kimeralds ang pakikipag-team-up niya sa iba?

Para sa kanyang sagot, nakangiti at mabilis niyang itinuro ang mga fans na naroroon din sa Dolphy Theater noong Sabado ng tanghali, November 19.

Aniya, "Nandiyan nga sila. Sobra pong natutuwa sila.

"Sa shooting namin ni Sarah, dumadalaw sila.

"At saka, sobrang supportive sila."

CLOSER THE SECOND TIME AROUND. Kumpara raw noong ginawa nila ang unang movie na pinagtambalan nila, this time raw ay masasabi ni Gerald na mas naging close sila ni Sarah.

Mas nami-miss din daw niya si Sarah ngayon kapag hindi kasama.

"Sigurado po ako, kapag natapos na itong shoot namin, mami-miss ko si Sarah. More than po noong first movie namin.

"Pero ngayon, mas nakilala ko na po siya, mas nakapag-usap na kami ng matagal, malalim.

"At sana po, mas magkaroon pa ako ng chance na mas makilala pa siya even after the movie," hiling ni Gerald.

Consistent naman si Sarah sa pagsasabi na kung mai-in-love itong muli, mas gusto nito na ang magiging susunod na mamahalin ay ang mapapangasawa na rin.

May pressure raw ba ’yun sa part ni Gerald?

Sabi naman ni Gerald, "Wala naman po. Siyempre, kahit ako naman po, kahit sino naman pong talaga, ganoon naman pong talaga dapat."

Ayon kay Gerald, loveless pa rin daw siya hanggang ngayon.

"Siyempre po, ang tagal ko rin walang girlfriend.

"Nakaka-miss din. Nakaka-miss din yung may ka-text ka."

Pero nang tinanong kung sino raw ang taong hindi niya kayang wala sa buhay niya sa isang buong araw, buong ningning naman nitong sinabi na si Sarah yun.

"Nakilala ko siya, naging close kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ’yung pinaka-close ko ngayon na babae," diin niya.

Anong level na nga ba ang pagkakaibigan nila ni Sarah ngayon?

"Honestly, mas marami po akong alam tungkol sa kanya na, siguro, hindi alam ng ibang tao.

Paliwanag ni Gerald, "Mas nakapag-bonding kami. Pinag-uusapan namin kung ano ang mga plano namin sa future.

"Sobrang close na po kami as compared sa first movie namin.

"Kaya nga po, kung anuman ang maging outcome ng movie namin, napaka-suwerte ko na nakasama si Sarah sa pelikula."

Posible ba siyang ma-in-love kay Sarah?

Ayon naman kay Gerald, "Posible ba akong ma-in-love kay Sarah?

"Bakit naman hindi?

"’Yang si Sarah, napakabait niyan, napakalambing.

"Si Sarah hindi naniniwala kapag sinasabihan siyang napakaganda niya, pero, napakaganda ni Sarah."

Diretsuhan nang tinanong si Gerald, since loveless naman siya at gayundin si Sarah, ano raw ang nakakapagpa-stop dito para ligawan na nga ang leading lady niya.

YOU CAN’T HURRY LOVE. "Unang-una po, hindi pa po ready si Sarah.

"At saka, nasa stage rin po ako na, ang tagal ko rin pong walang girlfriend," esplika niya.

"Pero ’yun nga po, ’wag na lang po nating madaliin.

"Sarah is a very beautiful girl, pero, ’wag na lang po nating madaliin."

BUDOY GETS RAVES. Samantala, marami ang pumupuri kay Gerald, even si Sarah na nakapansin ng napakalaking improvement daw ni Gerald pagdating sa pag-arte mula nang gumanap itong Budoy.

Sabi ni Gerald sa PEP na talagang masaya siya sa mga natatanggap na positive feedback.

Aniya, "Siyempre natutuwa ako bilang isang actor, ’yun ang gusto natin.

"Pero, marami pa akong gustong i-prove."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN