Jennylyn Mercado on Luis Manzano announcing they’re now an item: "Hindi rin ako handa!"

"As much as possible, ayoko nang masyadong idetalye, ayoko lang masyadong...yung masyado lang maingay, ganyan. Kasi gusto rin naman namin ng privacy kahit konti, iyon. Yun lang! Pero hindi naman namin ipinagdadamot," says Jennylyn Mercado about her relationship with boyfriend Luis Manzano.


Dahil sa kanyang lagnat at ubo ay hindi nakapag-report si Jennylyn Mercado sa kinabibilangan niyang showbiz talk show sa GMA-7, ang Showbiz Central, kahapon, November 20.

Dapat kasi ay live ding magpapa-interview si Jennylyn kaugnay ng pag-amin ni Luis Manzano tungkol sa kanilang relasyon.

Matatandaang sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luis ay sinabi nitong: "Oo, kami na."

(CLICK HERE to read related story.)

Pero dahil nagkasakit nga si Jennylyn, via phone patch na lang siyang kinausap ng kanyang co-hosts sa programa na sina John "Sweet" Lapus, Pia Guanio, Rufa Mae Quinto, at Raymond Gutierrez.

Una munang tinanong kay Jennylyn kung dinalaw na ba siya ni Luis ngayong maysakit siya.

Saad ng actress-singer, "Wala siya ngayon, e, parang three days na siyang nasa Taiwan.

"Pero nangangamusta naman siya pagka ano, tumatawag naman siya."

Pinag-usapan ba nila ang pag-amin ni Luis na may relasyon na nga sila?

"Hindi namin napag-usapan.

"Nagulat lang din ako na sinabi niya sa akin na sinabi niya na, pero hindi detailed so...

"Basta lumabas lang siya sa isang show, so parang napag-usapan na nga yung formality.

"So, iyon, nai-open lang niya sa akin.

"Hindi rin ako handa!" ang natatawang sabi ni Jennylyn.

Hindi raw napanood ni Jennylyn ang ginawang pag-amin ni Luis, tinawagan lang daw siya ng TV host-actor pagkatapos ng ginawang pag-amin nito.

Ano ang naging reaksiyon ni Jennylyn sa pag-amin ni Luis?

"Wala, e, nandiyan na ’yan, e, wala na naman akong... hindi na naman niya puwedeng bawiin iyon, di ba," at muling tumawa si Jennylyn.

Dagdag pa niya, "So, okay lang din naman sa akin."

LUIS’S FAMILY. Nag-congratulate na ba sa kanya ang ina ni Luis na si Governor Vilma Santos?

"Hindi pa kami ulit nagkakausap," sagot ni Jennylyn.

Sa ginawang pag-amin ni Luis, sinabi nito na isa sa mga bagay na naa-appreciate niya ay ang magandang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jennylyn ba ay nakapag-spend na ng time kasama ang family ni Luis?

"Ngayon hindi pa, hindi pa talaga," aniya.

May plano ba na makilala niya ang ama ni Luis na si Edu Manzano, o maka-bonding niya si Governor Vi?

"Wala pa, wala namang ganung mga plano pa."

NO DETAILS. Kailan ba niya talaga officially sinagot si Luis?

"Hindi ko na idedetalye ’yan, ayoko nang idetalye ’yan," iwas ni Jennylyn.

Dagdag niya, "Basta ang importante, masaya, masaya kami tsaka okay ang lahat, maganda ang takbo ng lahat."

Bakit tila may pag-aalinlangan si Jennylyn na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Luis?

"Wala naman, kaya lang, siyempre, para sa akin uncomfortable na pag-usapan yun.

"Kasi as much as possible, ayoko nang masyadong idetalye, ayoko lang masyadong...yung masyado lang maingay, ganyan.

"Kasi gusto rin naman namin ng privacy kahit konti, iyon. Yun lang!

"Pero hindi naman namin ipinagdadamot."

NOTHING HAS CHANGED. Ngayong officially ay mag-on na sila, meron bang mga nagbago na bonding sessions nila?

Meron ba siyang mga bagong nadidiskubre kay Luis?

"Wala namang nagbago, ganun pa rin naman.

"Pero ang masasabi ko lang, parang mas nagiging masaya lang kasi mas marami kaming napag-uusapan, mas marami kaming...

"Sobrang pareho kami ng hilig, e, kasi ang dami naming similarities.

"So, iyon, mas masaya lang yung araw-araw, yung halos araw-araw na magkakasama kami.

"Marami kaming nadi-discover, marami kaming napagtatawanan, napag-uusapan.

"So, masaya lang yung pakiramdam."

TITO LUIS. Kumusta naman ang relationship ni Luis at ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz? Ano ang tawag ni Jazz kay Luis?

Sagot ni Jennylyn: "Tito.

"Siyempre, pag pumupunta siya sa bahay, nakikita niya siyempre si Jazz, naglalaro sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN