Gladys Reyes hosts birthday party for youngest son; enjoys being board member of MTRCB

Gladys Reyes on throwing birthday parties for her kids: "Alam niyo naman ako, minsan lang namang mag-first birthday ang mga anak ko. So, I see to it na may celebration talaga. Tapos ’yung mga succeeding birthdays, simple na lang, parang family na lang."

"Ako na mismo ang nag-o-organize kahit masakit ang ulo ko. Kahit ang haba-haba ng preparation. Tapos, isang araw lang."


Isang bonggang first birthday party ang ipinagdiwang ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas para sa kanilang bunsong anak na si Grant Carlin.

Ito ay naganap noong Linggo ng hapon, November 20, sa Grand Terrace sa Quezon City.

Si Grant ang ikatlong anak nila. Ang panganay nila ay si Christophe, 5 anyos; pangalawa naman ang nag-iisang babae na si Aquisha, 3 anyos.

Ayon sa mag-asawa, lahat ng mga anak nila ay pinaghahandaan talaga nina Gladys at Christopher lalo na kapag unang kaarawan ng mga ito.

Ayon kay Gladys, "Alam niyo naman ako, minsan lang namang mag-first birthday ang mga anak ko.

"So, I see to it na may celebration talaga.

"Tapos ’yung mga succeeding birthdays, simple na lang, parang family na lang.

"Pero importante sa akin ang first [birthday] and seven years old dahil minsan lang naman silang maging bata.

"Pero, actually, hindi rin naman natutupad ang first and seventh lang, kasi kahit second birthday pinaghahandaan pa rin.

"Kasi, feeling ko kapag first, hindi pa naman niya naa-appreciate. E, pag-third, nag-aaral na.

"So, siyempre, may kaklase. So, parang walang katapusan. But I love children’s parties!

"So, ako na mismo ang nag-o-organize kahit masakit ang ulo ko. Kahit ang haba-haba ng preparation. Tapos, isang araw lang.

"Lucky lang ako na ang dami kong kaibigan, suppliers.

’Yung iba naman, ever since mag-asawa pa lang kami ni Christopher hanggang nag-first birthday ang panganay ko, [ang] pangalawa, sila pa rin.

"Kaya very thankful ako sa kanila na nagkaroon din ng ganitong kalaking party."

THE KIDS. May difference rin daw ngayong tatlo na ang anak nila.

"Siyempre mas dapat, mas doble sipag kami. Tatlo ang mag-aaral na.

"As of now, si Christophe pa lang naman ang regular na nag-aaral. Five years old siya, pero grade one na siya.

"Na-accelerate siya. So, natutuwa ang mga teachers. Ang performance niya sa school ang ganda," ipinagmamalaki ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang bilis na niyang magbasa, even ’yung writing niya. Ang galing na niya sa Math.

"Very creative ang art niya na hindi niya namana sa akin dahil hindi ako creative.

"Kay Christopher na side yun. Sobrang wala akong problema sa kanya pagdating sa pag-aaral."

Sa mga anak daw nila, si Aquisha ang maihahalintulad ni Gladys sa sarili niya.

Patuloy pa niya, "Naku, pati ang daldal at saka ’yung hilig niya rin. Hindi siya mahiyain.

"She says hi to everyone. ’Yung bunso, si Grant, parang siya ang mahiyain or maybe because baby pa. Pero hindi naman sobrang mahiyain."

KIDS AS COMMERCIAL MODELS. On the other hand, pinayagan na rin daw nilang kasama ang dalawang unang anak sa TV commercial niya.

First endorsement nga nila ang milk na Grow.

Kuwento naman ni Gladys, "E kasi, siyempre, ako ang nai-stress kapag may pictorial.

"E, ’di ba, ang mga madir ’yung ano, siyempre, hindi pa nila naiintindihan.

"Parang daig ko pa ang nag-gym para kunin ang atensiyon nila.

"Ayoko naman ng dating na parang pinipilit sila.

"Pero noong nag-shoot sila ng commercial, aware na sila.

"Pero si Christoper, hindi siya stage father. Hanggang doon nahihiya pa rin siya," natatawang sabi ni Gladys.

Dugtong din niya, "Pero ang maganda kay Chris, very dedicated father.

"Feeling ko, for [this] third time around, mas alam na alam na niya ang gagawin niya.

"E, si Aquisha pa, daddy’s girl. At saka, nakikita ko ang pagmamahal niya sa mga bata.

"Hindi nga niya kayang paluin kung hindi kailangan na kailangan.

"Ako ang mas disciplinarian kung kailangan medyo tapikin or paluin, pero maximum tolerance pa rin pagdating sa mga bata."

Pero ayon kay Gladys, hindi dahil naging commercial model ang mga anak nila’y magiging tuloy-tuloy na ang pagpasok ng mga ito sa showbiz.

Diin niya, "Hindi pa rin, priority pa rin ang pag-aaral, siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang frustration ko na hindi ko natapos, dapat sila ang magtuloy."

GOING STRONGER AS A COUPLE. Kung ang relasyon naman nila ni Christopher ang pag-uusapan, para kay Gladys ay mas nagiging matatag pa raw sila ngayon.

"Kuwento nga niya: "Meron pa rin kaming mga date together. Nanonood pa rin kami ng sine together. Pinaka-enjoy namin ’yung nanonood kami ng sine together.

"Tapos si Christopher naman mababaw lang ang kaligayahan.

"Kakain lang kami sa labas. Manonood lang kami ng sine.

"Minsan, magtse-check-in kami as family, pero, kukuha kami ng sariling room. ’Yun ang style namin," natatawa niyang banggit.

"Pero hindi namin pinapaalam sa mga bata kung nasaan ang isang room. Kasi, ganoon din, kakatukin at kakatukin nila kami.

"Importante pa rin na may time kayo together despite of three kids."

SHOWBIZ PROJECTS. Ang huling labas ni Gladys sa telebisyon ay sa ABS-CBN teleserye na Guns and Roses.

Sa ngayon, wala pa raw siyang alam kung ano ang susunod niyang projekto.

Ganumpaman, wala naman daw problema dito. Sabi nga niya: "Okay lang. Para ngang mas gusto ko ang talk show, sa totoo lang.

"Meron pa rin ’yung show ko na Moments.

"Pero, siyempre, wini-wish ko rin sa major network na parang talk show or mommy style rin.

"’Yung iba nga, inaano nila na parang magkaroon kami ni Juday na since both mommy na kami.

"Parang magdi-discuss kami at siyempre, wala namang parehong mom style."

Hindi naman daw siya ’yung tipong nate-tense kapag wala pang alam na kasunod.

Katuwiran ni Gladys, "Si Nay Lolit kasi, ang style niya, sasabihin niya sa akin kapag hayan na, taping na.

"Pero negotiation, siya na ang pinapabahala ko. Sa tagal ko na rin sa kanya since Mara-Clara pa rin."

Si Lolit Solis ang tinutukoy niyang Nay Lolit, na siyang manedyer niya.

Pero Kapamilya pa rin siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, si Nay Lolit na ang pinagde-desisyon ko.

"Kapag tinatanong nila ko kung ako ba ay Kapatid, Kapamilya, Kapuso... ako, Katrabaho.

"Kung saan ang trabaho, doon ako, ’di ba?

"Siyempre, parang inaano lang natin, hindi rin naman maano na forever and ever ka na mabibigyan ng work du’n.

"So, siyempre, parang lahat naman everybody happy. Kung saan may opportunity."

CENSORED! Maliban sa kanyang pagiging aktres, ikalawang termino na rin ni Gladys bilang Board Member ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB).

Ayon kay Gladys, enjoy raw siya sa ginagawa.

"Nag-e-enjoy ako sa MTRCB kasi sobrang gaan ng work.

"At saka, mahilig akong manood, e. So, kumbaga, imagine, parang dumadaan sa mga kamay namin.

"Ikaw ang nagre-rate," paliwanag niya.

"At saka, parang hindi naman basta nire-rate lang ’yan.

"Nilalagay ang reason for classification, so kailangan talaga umaandar rin ang utak mo."

Natatawang kuwento pa ni Gladys, "Eto pa ang exciting na part.

"Kung bakit ba naman sa lahat, palaging sa akin nabibigay ang mga nae-X-rated.

"Ako ang member ng committee.

"Halimbawa, meron kaming indie film na may frontal nudity, breast exposure, at may pumping scene and all—ako talaga ang naa-assign.

"Siguro bilang nanay, alam na hindi ko ito papayagan.

"Pero, siyempre, open-minded tayo na hindi closed na super conservative.

"Kailangan maging liberal-minded din.

"Para sa akin, depende sa pagkakataon.

"Alam ko rin naman if it’s for the sake of art or for the sake na ginagamit ang medium na ’yun, kahit hindi na kailangan.

"Pero ang bottomline talaga, protektahan—lalo na tayo, nanay—yung mga anak din natin sa isang makabuluhang panoorin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN