Winwyn Marquez hopes to see parents Joey Marquez and Alma Moreno together this Christmas

Kung mayroon mang hihilingin si Winwyn Marquez ngayong darating na Pasko, ito ay ang makatapos sa pag-aaral sa darating na Marso at ang makitang magkasama muli ang kanyang magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno.


Tila nagulat pa ang Kapuso talent na si Winwyn Marquez nang tanungin siya ng PEP.PH (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang plano ngayong darating na Pasko.

"Parang wala pa. Parang hindi pa namin napag-uusapan.

"Ang lapit na pala, ’no?" saad niya sa red-carpet ng GMA Artist Center Ball sa Shangri-La Hotel Makati noong November 8.

Ni hindi pa nga raw siya nakapag-umpisang mag-shopping ng pang-regalo o mag-decorate man lang sa bahay.

Naging busy kasi siya nitong mga nakaraang linggo sa kanyang pag-aaral.

Magtatapos na si Winwyn sa kurso niyang Marketing sa Marso 2012, kaya halos naka-focus ang lahat ng oras niya rito.

Aniya, "Actually, right now kasi nag-o-OJT ako sa isang company. I’m handling their marketing ngayon.

"Thankful naman ako na ipinagkatiwala nila sa akin ’yon."

Desidido siyang makatapos na sa pag-aaral upang makapag-focus naman sa showbiz career niya.

Ayon pa sa dalaga, pansamantala muna siyang hindi tumanggap ng malalaking projects gaya ng soap opera o pelikula upang bigyang daan ang kanyang pag-aaral.

Maliban na lang sa Party Pilipinas—kung saan regular pa rin siyang napapanood bilang miyembro ng girl group na Fabulous 4 kasama sina Sarah Lahbati, Yassi Pressman, at Diva Montelaba—wala nang ibang pinagkakaabalahang responsibilidad ang dalaga sa larangan ng showbiz.

Si Winwyn ang tinaguriang "Dance Heiress" ng kanyang grupo.

Ang titulong ito ay masasabing "minana" niya mula sa kanyang inang si Alma Moreno, na nakilala sa kanyang mahusay na pagsasayaw sa programa niyang Loveli-Ness noong ’80s.

Ayon kay Winwyn, ngayong darating na Pasko ay sisikapin nilang magkakapatid na pagsamahing muli ang kanilang mga magulang—si Alma at ang komedyante at ex-Parañaque mayor na si Joey Marquez.

Ayon kay Winwyn, "Siguro sa Pasko, kami lang family. Aalis na lang siguro kami out of town.

"Sila mom, dad, tina-try naming magsama silang dalawa."

Magmula kasi noong maghiwalay ang dalawa, taong 2002, ay halos hindi na nakita ni Winwyn at mga kapatid niyang sina Yeoj, VJ, at Em-Em na magkasama ang kanilang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay may sari-sarili nang buhay ang dating mag-asawa.

Si Alma ay kasal na kay Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic ng Marawi City, at mayroon silang isang anak. (CLICK HERE to read related article.)

Si Joey naman ay tahimik na namumuhay mag-isa.

Wala namang napapabalitang karelasyon ngayon ang aktor, at sa isang interbyu ay binanggit niyang wala na siyang balak magpakasal muli. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN