Susan Roces on GMA’s arrest for election fraud: "Sumasang-ayon ako sa mga pangyayari ngayon. Dapat mabigyan ng tamang hustisya ang mga... lalo na ’yong mga naapi."

"Never akong nagkaroon ng galit. Hindi ako ganyang uri ng tao. Sa mga pangyayari, oo. Pero sa kapwa-tao, hindi ako nagtatanim ng galit. Normal lang sa mga pangyayari ay magkaroon ka ng bugso ng damdamin. Pero pagkatapos noon ay ipinananalangin kong mabuti. Dahil ayokong tumanda na puro galit sa katawan," says Ms. Susan Roces.


Kita sa mukha ni Ms. Susan Roces ang nag-uumapaw na kaligayahan nang tanggapin ang iginawad sa kanyang Ading Fernando Lifetime Achievement award sa 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kagabi, November 22.

Ginanap ang awards night sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Sabi nga ni Ms. Susan sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Inaari kong isang malaking karangalan na mabigyan ng Lifetime Achievement Award in memory of Ading Fernando.

"Sa pagkakatanda ko, si Ading Fernando ang siyang lumikha ng John & Marsha. Isa siya sa pinakamagagaling nating manunulat at direktor."

(Ang John & Marsha ang sitcom na tinampukan noon nina Dolphy at Nida Blanca na tumagal mula 1973 hanggang 1990.)

Pagpapatuloy ng tinaguriang Queen of Philippine Movies: "Aariin kong isang malaking treasure ang award na natanggap ko, katulad nito na mula sa Philippine Movie Press Club.

"Malapit ang mga kasamahan natin sa movie press club sa aking puso.

"Dahil halos kasabayan ko ang iba sa kanila no’ng ako ay nag-artista.

"So, kasama ng award na ito ay ang mga alaala kung papa’no kami noon, at magkakasama pa rin hanggang ngayon."

STILL IN DEMAND. Hindi lang isa sa movie queens ng bansa si Ms. Susan kundi isa rin sa mga tinitingala at respetadong haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.

May maipapayo ba siya sa younger generation of stars ngayon?

"A... I think they’re doing very well.

"Wala akong tanging maipapayo sa kanila kung hindi... may kasabihan tayo na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan."

Pero bibihira lang nga ang mga kagaya ni Ms. Susan na patuloy pa ring napapanatili ang mataas na estado ng pagiging artista.

Hanggang ngayon ay in demand pa rin siya as an actress. Sunud-sunod pa rin ang projects na iniaalok sa kanya. At nagiging favorite celebrity endorser pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang seryeng Babaeng Hampaslupa na tinampukan niya sa TV5, kasama sina Alice Dixson at Alex Gonzaga, gagawin naman niya ang Walang Hanggan, na bagong primetime series ng ABS-CBN.

Banggit ng veteran actress, "Makakasama ko naman dito sina Dawn [Zulueta], Richard [Gomez], si Coco [Martin], si Julia [Montes]... Si Helen Gamboa at saka si Eddie Gutierrez."

Balik-tambalan ba sila ni Eddie Gutierrez na ilang beses niyang naging leading man noong kanilang Sampaguita Pictures days?

"Basta magkakasama kami!" natatawang sabi niya.

Dagdag pa niya, "Ang role ko rito, magkapatid kami ni Helen."

GMA’S ARREST. Kapag nababanggit ang pangalan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, kaagad naaalala ng marami ang magiting na pahayag ni Susan noon tungkol kay GMA: "You have stolen the presidency, not only once, but twice!"

Si GMA, na ngayon ay congresswoman ng Pampanga, ang mahigpit na nakatunggali ng yumaong asawa ni Susan na si Fernando Poe, Jr. noong 2004 presidential elections.

Nagwagi si GMA, ngunit may akusasyong dinaya ang resulta ng eleksiyon at ang talagang nagwagi raw ay si FPJ.

Arestado ngayon ang dating Pangulo dahil sa kasong election fraud.

Siyempre, hindi maiwasang matanong si Susan kaugnay ng pinagdadaanan ngayon ng dating Pangulo.

Pahayag ni Susan, "Katulad ng karamihan sa atin, sinusubaybayan kong masusi ang araw-araw na balita.

"Uhm... hindi mahalaga kung ano ang personal kong damdamin o opinyon.

"Ang higit na mahalaga at pinagtutuunan ko ng pansin at ipinananalangin kong mabuti ay magkaroon ng katarungan...

"Justice for those who have been affected sa mga pangyayari noong mga nakalipas na panahon.

"At kasagutan sa maraming tanong na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot."

May galit pa ba siyang nararamdaman sa puso niya na inihatid ng mga pangyayari?

Sagot ni Susan, "Never akong nagkaroon ng galit. Hindi ako ganyang uri ng tao.

"Sa mga pangyayari, oo.

"Pero sa kapwa-tao, hindi ako nagtatanim ng galit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Normal lang sa mga pangyayari ay magkaroon ka ng bugso ng damdamin.

"Pero pagkatapos no’n ay ipinananalangin kong mabuti. Dahil ayokong tumanda na puro galit sa katawan."

Patuloy ng biyuda ni FPJ, "Like everybody else, I am closely monitoring the news daily.

"I’d like to set aside my opinions...my personal opinions and my feelings.

"Instead, I’d like to think and focus on the fact that justice must be done.

"So, it’s a day-to-day thing.

"A...there are surprises every day.

"Hindi ko man hilingin, at hindi ko man ipanalangin, isa-isang lumalabas ang mga katugunan sa mga naganap noong mga nakaraan.

"Malapit na rin ang Pasko. Ayokong mang-engganyo ng hatred sa puso ng bawat isa.

"Pero sumasang-ayon ako sa mga pangyayari ngayon.

"Dapat mabigyan ng tamang hustisya ang mga... lalo na ’yong mga naapi."

Magiging iba-ba ang Pasko para sa kanya ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon?

"Darating pa lang ang Pasko. Nobyembre pa lang po tayo.

"Magkita po tayo pagkatapos ng Bagong Taon," panghuling sabi ni Ms. Susan Roces.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN