Mo Twister on life after breakup with Rhian Ramos: "It’s been a dark existence, a very sad existence."

"Yun ’yong nabubuwisit ako sa mga tao, kapag sinasabi nila na ’Dapat mag-move on ka na, babae lang ’yan.’ Yung mga hirit na ’yan, doon ako medyo nagagalit kasi hindi nila naiintindihan na it’s not about a girl. It’s not about moving on. Ang daming kong girlfriends before. I mean, I had three...five relationships prior to Rhian—and I understand the process of moving on. But I’ve never ex


Kinumpirma ni DJ Mo Twister sa Juicy! ng TV5 kagabi, November 22, ang balitang dumalaw sa kanya ang ex-girlfriend na si Rhian Ramos nang ma-confine siya sa St. Luke’s Medical Center Global City.

Dumalaw si Rhian kay Mo noong Biyernes, November 18.

Ang co-host ni Mo na si Cristy Fermin ang nagkuwento ng pagdalaw ng Kapuso actress sa radio-TV host.

Nakita raw kasi ng source ni Cristy si Rhian sa nabanggit na ospital nung araw na i-serve kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang warrant of arrest nito dahil sa election fraud.

Pero itinanggi ni DJ Mo na binantayan siya ni Rhian hanggang alas-kuwatro ng madaling-araw noong Sabado.

Kuwento ng radio-TV host, "Noong na-confine ako sa St. Luke’s for some tests noong last weekend, nasa St. Luke’s ako.

"Ayokong sabihin na binantayan ako...

"Pumunta siya, si Rhian visited me amongst many other friends...like, nandoon si Drew Arellano.

"Nagbisita sa akin. Pero yun nga, she visited me sa hapon noong may mga time na GMA something.

"Tapos, umalis naman siya, kasi may work siya.

"Bumalik siya ng sandali sa gabi."

NO GAG ORDER. Nilinaw rin ni Mo ang estado ng relasyon nila ni Rhian ngayon.

Aniya, "Rhian and I have been having a hard time these past few weeks regarding some things.

"Ayokong sabihin na we’re in good terms, but she’s very been nice to me.

"I really can’t say if we have communication dahil dati, yung mga pinagdaanan namin, may mga lawyers na involved, and this is really hard to..."

May gag order ba sa kanya kaya hindi siya gaanong makapagsalita ng tungkol kay Rhian?

"Never naman ako nagkaroon ng gag order.

"Parang sinabi ko na lang sa kanila na I will not talk about Rhian, nanggaling sa akin," paliwanag ni Mo.

Pero inamin ni Mo na hindi pa sila "okay" ng pamilya ng dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi sila nagko-communicate.

"Hindi naman kami... we never really got okay these past few months.

"So, parang it’s something that Rhian and I just try to talk about na lang.

"Yung mga statements niya, na hindi naman kami nag-uusap, nagte-text.

"You know, nag-a-agree na lang ako sa lahat ng sinasabi niya.

"The thing is, yung kasalanan ko dati, was naging...medyo yung private lives namin, naging open.

"And I admit that was my mistake, like, parang...that was before.

"The reason why I think it happened is because wala na akong communication with Rhian.

"Wala na siyang phone.

"So, I really just used my only venue I have."

Ang tinutukoy na "venue" ni Mo ay ang pagsisiwalat niya ng kanyang damdamin sa social networking site na Twitter. (CLICK HERE to read related story.)

Patuloy ni Mo, "And doon nagalit ang family niya, kasi naging Twitter something.

"That was really my kasalanan.

"Since then, I’ve been trying to say sorry for that.

"And in the process, lahat ng mga masamang bagay, or masamang salita, or masamang impression, tinatanggap ko na lang."

LEAVING TO FORGET. Inamin din ni Mo na sumasailalim siya sa therapy upang makalimutan ang masalimuot na pinagdaanan nila ni Rhian.

Ito rin ang dahilan kung bakit lilisanin muna niya ang Pilipinas.

Sabi ni Mo: "Inaamin ko, oo, nagte-therapy ako...gumaganyan ako para lang ako maging mabuting tao.

"Pero yung therapy ko is nothing about personality.

"It’s nothing about kailangan na some sort of criminal ako.

"Yung therapy ko was really because of something else na pinagdaanan ko with Rhian.

"It’s something that I’m trying to overcome, and it’s very hard for me.

"It comes to a point na, feeling ko, I think I have to leave na the country.

"Kasi, I’m not being successful in my attempt to overcome yung pinagdaanan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa New York maninirahan si Mo.

Kaugnay ng planong pag-alis sa bansa ni Mo ay ang pagbebenta niya sa Twitter ng kanyang mga gamit, gaya ng Macbook, LED TV, laptops, sofa, custom-made bed frame, at Mitsubishi Montero.

RHIAN’S REACTION. Ano naman ang reaksiyon ni Rhian sa plano niyang pag-alis ng bansa?

"Siyempre, nalulungkot.

"You know, it’s something where, I don’t know, you have to ask Rhian.

"I cannot speak for Rhian.

"I don’t wanna make the mistakes anymore of speaking anything about us.

"I read naman yung mga sinasabi niya na we don’t communicate.

"And kung if that’s the statement na ibibigay nila...

"Ite-thank ko na lang si Rhian for being nice to me.

"For being a friend, for being there kapag may sakit ako."

Iyon lang ba ang dahilan kung bakit siya aalis?

Tugon ni Mo, "There’s a lot of reasons kung bakit ako aalis—at isang malaking bagay doon si Rhian.

"At isang bagay rin yung daughter ko na may sakit.

"Gusto ko sana na mas malapit sa kanya."

Ang tinutukoy ni Mo ay ang anak niya kay Bunny Paras na si Moira.

Dagdag pa ng radio-TV host, "Tapos, may isa pang bagay na malaking bagay na pinagdaanan na I’ve been trying to overcome in the past year, na hindi related sa breakup namin ni Rhian.

"But it’s something that Rhian and I have been trying to overcome together and sana..."

IN A DARK PLACE. Tanong ni Cristy kay Mo: "Nakokonsensiya ba kayo?"

Sagot naman ni Mo: "I don’t know... Ayokong sabihin na ’kayo’ because Rhian is her own person and I am my own person.

"Basta, I’m in a dark, dark place. I’m in a dark place.

"I’ll be honest...I’m sick of crying on TV, and everyone you read on the Internet na ’Si Mo, parang babae... umiiyak.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But if you understand how grave and personal, important, ang nangyari sa amin, maiiyak ka rin araw-araw.

"Yun ’yong nabubuwisit ako sa mga tao kapag sinasabi nila na ’Dapat mag-move on ka na, babae lang ’yan.’

"Yung mga hirit na ’yan, doon ako medyo nagagalit kasi hindi nila naiintindihan na it’s not about a girl. It’s not about moving on.

"Ang daming kong girlfriends before. I mean, I had three...five relationships prior to Rhian—and I understand the process of moving on.

"But I’ve never experienced this trauma. I’ve never experienced these hardships.

"I left ten years ago this very week, so medyo weird nga.

"I don’t want to be negative: ’O, si Mo parang nagpapaawa or nagpapa-sympathy sa public.’

"I don’t care for anyone’s opinion.

"I care for trying to overcome something na kung kayo naranasan n’yo, you will also understand how diffcult it is.

"Like, umiyak yung mom ko noong birthday ko recently.

"Sabi niya, ’I haven’t seen my son smile in over a year.’

"And I haven’t smiled so... there’s no finding happiness.

"Before last year, my life is perfect.

"And then, may nangyari lang sa amin, at may nangyari lang na hindi ko gusto...it’s been a dark existence, a very sad existence."

Pinayagan ba niyang mangyari ang mga nangyari, o lumaban din siya?

"Of course, I’ve tried my best," maikling tugon ni Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN