JC Tiuseco describes Kokak star Sarah Lahbati as "sobrang bait"

JC Tiuseco doesn’t mind being paired with "kahit sino." But when asked to choose, he says, "As of now siguro, yung mga naka-work ko na, like si Jackie Rice, sila Sarah Lahbati."


Kung bibigyan siya ng pagkakataong maging male lead, ang gustong makapareha ni JC Tiuseco ay sina Jackie Rice at Sarah Lahbati.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Kasi nakausap ko na sila, nakasama ko na nang madalas.

"Sobrang parang pag sila yung kasama ko, sobrang relaxed na comfortable na agad ako mag-acting na kasama sila."

Nakatrabaho niya si Jackie sa Sisid, habang kasama naman niya ngayon si Sarah sa Kokak, na nagkaroon ng press conference kamakailan.

At kung hindi man ang dalawang Starstruck winners ang magiging screen partners niya, okay naman daw na may iba siyang makatrabaho.

"I think naman na puwedeng mangyari with other actresses na hindi ko pa nakikilala so hindi ko pa alam.

"Pero I’m sure pagka may nakasama akong bago, maging okay naman lahat," ang pahayag ng first Survivor winner dito sa bansa.

Si Mikael Daez, na co-talent ni JC sa Mercator Artist & Model Management, ang hinihiling ng ilang fans na ipareha kay Sarah.

Pero si JC ang nakapareha ng dalaga sa Kokak.

May ilang fans na nagsasabi tuloy na "inagaw" nito si Sarah kay Mikael.

Nangiti lang ang dating model-cager, sabay sabing, "Siyempre, super happy din ako.

"I mean sobrang galing ni Sarah na umarte kahit bago pa lang siya.

"Sobrang excited ako kasi every time na may nakaka-eksena ako na magaling umarte like ni Sarah, namo-motivate ka rin, makakahugot ka rin ng mga emotions from her.

"So I’m very excited and sobrang suwerte ko na napili ako na makasama niya sa Kokak to be one of her leading men."

IMPRESSION. Ano ang impression niya sa half-Pinay/half-Morrocan beauty?

"Sobrang bait, iyon lang. Kasi nung nag-workshop kami, ayun pareho kaming nagsabi na, ’Akala ko suplada ka,’ ’tapos sabi rin niya, akala daw niya suplado ako.

"Kasi nagkikita kami sa gym before, pero hello lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kami nag-uusap. Pero nung nag-usap na kami sa workshop, sa taping, ang dami na naming napagkuwentuhan.

"Nakapag-share kami ng mga buhay-buhay, tungkol sa buhay-buhay namin.

"Sobrang bait niya, sobrang bait.

"’Tsaka may mga similarities kami tulad ng...tahimik lang din kasi siya, parang ako," ang kuwento ni JC.

Si TJ Trinidad na leading man ni Sarah sa Kokak ay happy sa kanyang lovelife with his non-showbiz girlfriend kaya malayong ma-link kay Sarah. Pero si JC at Sarah, puwede.

May chance ba na ma-develop sila sa isa’t isa?

"As of now, hindi ko pa alam kasi I’m really focusing on my career now.

"’Tsaka yun...we’ll never know. Hindi mo naman alam kung ma-i-in love ka sa isang tao or hindi. Pero as of now, wala pa naman."

Kaka-renew lang ni JC ng dalawang taong kontrata sa GMA-7.

NO GIRLFRIEND. Two years na ring walang girlfriend si JC. Saan o kanino siya humuhugot ng inspiration?

Sagot ng binata, "Well sometimes, nakakalungkot din, di ba, pag mag-isa ka lang, pero I keep myself busy.

"Ang dami kong... madalas nasa gym ako, taking care of myself para pag may project na dumating, prepared ako.

"’Tapos, siyempre, I go out with my friends, or ang cousin ko, lagi kong kasama.

"Free time ko, movies ganun...Most of the time, sa bahay lang, hanging out, iyon...

"So okay naman, happy rin naman kahit single, natututukan mo yung trabaho mo, mas marami kang ma-e-experience pag free ka."

Ang kanyang pamilya raw ang nagsisilbing inspirasyon ng baguhang aktor.

Dagdag niya, "Kasi, siyempre, if I do well here, mas matutulungan ko yung family."

THE GYM AS FAVORITE PLACE. Hindi lang sa trabaho focused si JC, dahil kahit sa pagwo-work out—kahit may sakit o kakatapos lang operahan—ay nasa gym daw ito.

Sabi niya, "Kasi yung attitude ko kasi towards like working out or sa work, if ever man na may sakit man ako or what, kung kaya ko naman, na tingin ko kaya ng katawan ko, I’ll do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre as an actor, ito na yung work ko, e.

"Kailangan alagaan ko yung katawan ko. Kung hindi naman dahil sa work, para na lang sa sarili ko, siyempre.

"If you’re working out, lumalakas yung katawan mo, e.

"Mas marami kang nagagawa, mas masarap yung feeling mo.

"Paggising mo sa umaga, fresh yung feeling mo, hindi ka masungit or hindi ka sluggish gumalaw, iyon."

Halos araw-araw daw sa gym si JC kapag walang taping, at naglalagi dun mula isa hanggang dalawang oras bawat session.

"Okay na sa akin yun, e, kasi kung every day naman mga one hour or two hours okay na yun."

Lastly, papayag ba siya sa gay role kung sakali?

"As of now, parang hindi ko pa kaya, e.

"Kasi if ever man na magkakaroon ng ganung project kasi, kailangan ng todong workshop, kailangan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN