PEP EXCLUSIVE: Andi Eigenmann showed strength and courage in delivering her baby, says brother Gabby Eigenmann

Gabby Eigenmann on sister Andi Eigenmann, who gave birth to a healthy baby girl: "Bago nga siya dinala sa recovery room, tinanong ko pa siya, ’Are you happy?’ Nag-nod naman siya and she said yes. So, ako, basta okay ang kapatid ko, masaya, okay ako."


Isang healthy 7.8 lbs. baby girl ang isinilang ni Andi Eigenmann via caesarean section kaninang hapon, November 23, sa St. Luke’s Hospital sa Global City, The Fort, Taguig City.

Pinangalanan ni Andi ang kanyang anak na Adrianna Gabriellie; Ellie ang palayaw nito.

Alas-diyes pa lang ng umaga ay nasa ospital na si Andi.

Pero, umabot din ng ilang oras ang pagle-labor nito hanggang sa nauwi rin sa cesarean delivery.

Hindi na naabutan ng mga magulang ni Andi na sina Jaclyn Jose at Mark Gil ang pagsilang ng kanilang apo.

Pareho kasing nasa taping sina Jaclyn at Mark ng pinagsasamahan nilang teleserye sa TV5, ang Valiente, at sa Batangas pa ang location nito.

Kung kaya’t ang mga kapatid, tiyahin, at pinsan ang nakasama ni Andi sa kanyang panganganak.

ANDI’S DELIVERY. Si Gabby Eigenmann, kuya ni Andi, ay isa sa mga pinadalhan ng text message ng young actress noong nasa ospital na siya.

Isa rin si Gabby sa mga unang nagpunta sa St. Luke’s at umalalay sa kapatid.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby, ikinuwento nito ang ilang detalye kaugnay ng panganganak ni Andi.

Salaysay ni Gabby: "Around ten in the morning, nandito na siya.

"Pumutok kasi yung water bag niya sa bahay pa lang ng maaga kaya pumunta na siya agad ng hospital.

"Hinihintay sana na mag-normal delivery.

"Tiningnan nila hanggang four o’clock in the afternoon.

"Kaso, at that time, mataas pa rin ang puwesto ng bata. Hindi bumababa.

"That was the time na nag-decide na i-CS na talaga.

"No choice, kasi hindi na rin maganda yung heartbeat ng baby that time."

BABY FIRST. Wala naman daw naging problema kay Andi nang malaman nito na kailangan na niyang ilabas ang anak via caesarean section.

Ang inisip na lang ng young actress ay ang kaligtasan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kasi sa malaki ang timbang ng bata, pagkita raw rito ay nakapalupot ang umbilical cord nito sa leeg.

Sa kabila nito, kinakitaan si Andi ng katatagan at katapangan.

Ayon pa kay Gabby, ang kapatid niya mismo ang nag-text at nagbalita sa kanilang lahat na manganganak na siya.

"Sabi niya, ’Brothers and sisters, I’m giving birth but relax, hindi pa naman.’

"Yung text na niya yung gumising sa akin...I think, around nine a.m. yun.

"Ina-update din niya sina Daddy and si Tita Jane [Jaclyn], kaya okay naman."

Habang kausap ng PEP si Gabby, sinabi nitong on the way na ang ina ni Andi na si Jaclyn papuntang St. Luke’s. Yun nga lang, naipit sa traffic ang sasakyan nito.

Pero habang isinusulat ito ay posibleng nakarating na rin si Jaclyn sa ospital.

Sabi pa ni Gabby, baka mas maunang dumating ang daddy nila na si Mark Gil dahil mas maaga itong natapos sa taping.

ANDI’S REACTION. Inusisa rin ng PEP kay Gabby kung ano ang naging reaction ni Andi nang makita nito ang anak.

Ayon kay Gabby, "Gising naman si Andi nang manganak siya.

"Twilight naman kasi siya, although siyempre, numbed na siya because of the anaesthesia.

"Ang kasama kasi ni Andi sa operating room—ang pinsan niya, si Angge Asistio, anak ng tita niya, si Veronica Jones.

"Yun ang nag-take ng picture habang nanganganak si Andi."

Dagdag pa niya, "So, gising si Andi kaya noong nilapag daw yung baby sa dibdib niya, umiyak siya.

"Gising pa rin siya noong ilabas siya ng operating room.

"Nakausap pa namin siya bago naman siya dinala sa recovery room."

ADRIANNA GABRIELLIE. Sa tingin ni Gabby, kamukha ni Andi ang baby nito, bagamat maaga pa naman daw para makita kung anong features ang nakuha kay Andi o sa mga Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan pa ng aktor, "Ang laki ng bata, di ba, 7.8 lbs?

"Pero kapag nakita mo naman na, parang hindi naman ganoon kalaki.

"Medyo makapal-kapal din ang buhok at may pagka-blonde.

"Lalo na ang kilay, halos hindi mo na makita kasi blonde talaga."

Si Andi raw ang pumili ng pangalan na Adrianna para sa first name ng kanyang baby.

Collaboration daw ni Andi at ng mommy niya ang second name nitong Gabriellie.

ANDI IS NOW A MOTHER. Tinanong din ng PEP si Gabby kung may idea siya kung ano ang plano ni Andi ngayong nakapanganak na ang kapatid.

Ayon kay Gabby, "Feeling ko lang, logically, magpapayat.

"At the same time, she will take care of the baby and, for sure, eventually, will go back to work."

Masaya si Gabby para sa kapatid, lalo pa nga’t nakikita niyang masaya ito sa pagiging ganap nang ina ngayon.

"Okay naman siya," sambit niya.

"Bago nga siya dinala sa recovery room, tinanong ko pa siya, ’Are you happy?’

"Nag-nod naman siya and she said yes.

"So, ako, basta okay ang kapatid ko, masaya, okay ako."

IS THE FATHER WELCOME? Kung sakali at dumalaw ang sinasabing ama ng bata na si Albie Casiño, magiging welcome ba ito sa kanila?

Sagot ni Gabby, "Malabo yun. Malabo yun.

"Kung gusto niya, dapat nandito na siya.

"But we’re not expecting."

Magiging welcome ba ito kung sakali?

"For me...of course I cannot speak with the other members of the family.

"But for me, hindi.

"He’s not welcome.

"Sabi ko nga, with everything that happened, logically, nandiyan siya.

"Kung ako ang tatanungin, he’s not welcome.

"Why would I acknowledge him if, in the first place, he didn’t acknowledge [Andi’s baby]?

"Pero inuulit ko, sa akin yun ha, sa akin lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN