Ai-Ai delas Alas on double win at Star Awards for TV: "Sobrang daming blessings! Wala na akong sex life!"

Ai-Ai delas Alas on choosing career over lovelife: "Kasi ’yong career ko, marami akong natutulungan, e. Kapag lovelife, sarili ko lang ’yon. E, ayoko namang isipin ang sarili ko lang. Dahil marami akong dapat isipin na tinutulungan. At marami rin akong dapat na i-consider na emosyon. Hindi lang sariling emosyon ko. Kumbaga, ayokong maging selfish."


Doble ang panalo ni Ai-Ai delas Alas sa 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club na ginanap noong Martes, November 22, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Dalawang trophies kasi ang naiuwi ni Ai-Ai: Best Comedy Actress para sa dating sitcom nila ni Aga Muhlach na M3 (Malay Mo Ma-develop);

at Best Single Performance By An Actress para naman sa performance niya sa "Krus" episode ng Maalaaala Mo Kaya (MMK).

(CLICK HERE to view full list of winners.)

Sa kanyang acceptance speech para sa Best Comedy Actress award, natatawang sabi ni Ai-Ai, "Actually, sa mga ganitong klaseng award, nararamdaman ko po talaga ang pagiging komedyante ko.

"Kasi, madalas, ang nagagawa ko ngayon, drama. Mga iyak-iyak.

"E, kapag nananalo ako ng ganito, naaalala ko, ’Ay, komedyante pala ako talaga!

"Hindi pala ako bold star!"

(Napapanood ngayon si Ai-Ai sa primetime series ng ABS-CBN na My Binondo Girl, bilang ina ni Kim Chiu.)

Ipinakita pa ni Ai-Ai ang hawak na rosary.

Aniya, "Kay Gretchen [Barretto] ito. Sabi niya, hawakan ko raw, mananalo ako.

"Nanalo nga ako. So, thank you!"

Pinasalamatan din ni Ai-Ai ang top executives ng ABS-CBN na sina Ms. Charo Santos-Concio (president) at Ms. Cory Vidanes (channel head).

Dagdag pa niya, "Isini-share ko rin ang award na ito sa aking naging leading man sa M3 na sumakabilang-istasyon na—si Mr. Aga Muhlach."

(Si Aga ay nasa bakuran na ng TV5.)

"At kay Direk Jeffrey Jeturian, at sa lahat ng bumubuo ng M3.

"Thank you! To God be the Glory."

SECOND AWARD. Sobrang saya na ni Ai-Ai sa natanggap na award na Best Comedy Actress.

Laking gulat niya nang malamang may pangalawa pa pala—Best Single Performance by An Actress para sa pagganap niya sa isang episode ng MMK.

"Grabe, ang dami kong award!" bulalas ni Ai-Ai nang muling umakyat sa stage para magpasalamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ito, ini-expect ko ito talaga, e!" sabay tawa niya.

"Kasi, talagang ginalingan ko do’n.

"Bago ko ginawa iyon, sinabi kasi sa akin ni Ma’m Charo, pang-anniversary daw iyon, for Mother’s Day.

"No’ng ginawa ko na ito, actually ang dami kong natutunan sa palabas na ito.

"Dahil ang istorya po nito, ’yong nanay, ’yong dalawa niyang anak, namatay.

"And ’yon pong asawa ko [portrayed by John Arcilla], parang nagkaroon ng katok dahil sa nangyari.

"So lahat po iyon, dinaanan ko.

"Kaya sabi ko, grabe, ang buhay pala ng tao sa totoong buhay, gano’n kahirap."

Muli, abut-abot ang pasasalamat ni Ai-Ai sa lahat ng executives ng ABS-CBN, sa production staff at crew ng MMK, at sa mga artistang nakasama niya sa episode na ito.

"Ay, siyempre, sa aming direktor. Na talagang super ’yong dedikasyon niya na magawa nang maayos at maganda ’yong episode namin sa MMK.

"Sa totoo lang po, do’n sa MMK na iyon, nine ng umaga umiiyak na ako, hanggang alas-kuwatro na ng madaling-araw kinabukasan.

"Nagkasakit ako. Kaya umabot ng tatlong araw ang taping ng MMK na usually ay two days lamang.

"Gusto kong i-share din ito sa aking mga anak... kay Sancho, kay Shawn, kay Sophia, at ’yong bagong dagdag kong anak na si Seth Andrei.

"At sa lahat po ng mga ina sa buong Pilipinas na talagang handang ilaan ang kanilang buhay, lahat, pati ang puso, para sa kanilang mga anak.

"Sobrang daming blessings! Wala na akong sex life!" natatawang biro pa niya.

HAKOT QUEEN. Nang magtungo na si Ai-Ai sa backstage, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na makapanayam siya.

Pahabol na pasasalamat niya, "I would like to thank Boy Abunda pala and for giving me my gown by Rajo Laurel.

"Nakalimutan ko na namang pasalamatan ’yong sa gown ko, bigay ito ni Boy, birthday gift niya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa ulit ang komedyana nang biruin siya ng iba pang kaharap na media na "hakot award" ang drama niya ng gabing iyon dahil sa dalawang awards na napanalunan niya.

"Alam n’yo na, ha!" tumatawang sakay naman niya.

"Ang dami ko na ring mga awards na napanalunan dito sa PMPC Star Awards.

"Kanina nga, na-touch ako kasi nakita ko ’yong VTR ng mga nakaraang winners ng Star Awards.

"Ang dami kong videos na... meron pang negra ako, meron ’yong may pakpak ako...

"Basta, ang dami kong kung anu-anong pinaggagawa.

"And until now, talagang napakagandang regalo ito para sa birthday ko at sa Pasko. Kaya lalo ko pang gagalingan."

Alin sa dalawang awards na natanggap niya ang mas na-excite at natuwa siya?

"Pareho," sagot ni Ai-Ai.

"Pero kasi, comedy, sabi ko nga, ito ang nagpapaalala sa akin na komedyante ako talaga.

"And drama, kasi ang hirap ng ginawa ko sa MMK.

"Na nine a.m. pa lang, umiiyak na ako.

"Kasi buong sequences ko hanggang four a.m. kinabukasan, umiiyak ako.

"Isang sequence lang ang hindi.

"So, ang hirap talaga. Na-dehydrate ako.

"Pero ginawa ko talaga ang best ko doon kasi pang-Mother’s Day special ito.

"At twenty years anniversary ng MMK.

"So, ibinigay ko talaga ’yong puso ko at pagkatao ko.

"Sa lahat naman ng ginagawa ko, ibinibigay ko ’yong buong puso ko.

"Kasi ang paniniwala ko, kapag hindi mo ibinibigay ’yong puso mo, parang hindi maganda ’yong kinakalabasan."

DREAM ROLE. Sa loob ng mahigit na 25 years niya sa showbiz, marami nang nagampanang roles si Ai-Ai. Pero may dream role pa ba siyang masasabi?

"Oo.

"Hindi pa ako nakakapunta sa Hollywood!" sagot ni Ai-Ai sabay bungisngis.

"Gusto ko, kahit man lang bago ako mamatay, isa man lang project sa Hollywood. Di ba?

"May masabi man lang ako sa mga taga-Hollywood na, ’I’m the Philippines’ gift to your country.’ Di ba?" tawa niyang muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEX LIFE. Sa huling bahagi ng kanyang pangalawang acceptance speech, may nasabi si Ai-Ai na "maraming blessings, wala na akong sex life."

Seryoso ba siya sa sinabi niyang yun?

"Oo!" sabay bungisngis ulit ni Ai Ai.

"Gano’n kasi, e. Na hindi naman lahat ibinibigay sa ’yo.

"At saka tuwing may movie ako, celibate ako talaga.

"So, kapag dumadami ang ganitong blessings, alam ko na ang ibig sabihin—behave!"

Paano kung tumagal ang panahong walang tigil ang pagbuhos ng blessings?

"E, di wala na akong sex life!" tawa niya.

"Gano’n talaga. Wala na tayong magagawa.

"At tinanggap ko na. Matagal ko nang tinanggap iyon."

Pero kung bibigyan siya ng pagkakataon na mamili—lovelife o career?

"Siyempre, dito pa rin ako sa career. Sa career ko ako.

"Kasi ’yong career ko, marami akong natutulungan, e.

"Kapag lovelife, sarili ko lang ’yon.

"E, ayoko namang isipin ang sarili ko lang. Dahil marami akong dapat isipin na tinutulungan.

"At marami rin akong dapat na i-consider na emosyon. Hindi lang sariling emosyon ko.

"Kumbaga, ayokong maging selfish."

Malapit na ang Kapaskuhan. Ano ang mga plano niya for the holiday season?

"Gano’n pa rin... charity at saka lalabas kami ng mga anak ko."

Ano ’yong charity na tinutukoy niya?

"Ay, alam na ni Lord ’yon. Ayoko nang magdetalye tungkol do’n," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN