Barbie Forteza on box-office showdown of The Road and Sarah-Gerald movie: "Sila na yung bahala kung ano ang gusto nilang panoorin."

Barbie Forteza on what Christmas gift she wants from Joshua Dionisio: "Ayokong magbigay ng idea kasi gusto ko talaga, siya yung mag-isip, siya yung magkakaroon ng idea kasi kilala naman niya ako. At kasi dun talaga malalaman kung talagang kilala na niya ako, dun sa regalong ibibigay niya sa akin, kung talagang nababagay sa akin yung ibibigay niya. Para sa akin, mas gusto ko yung hindi ko alam. Kasi kung alam ko, kung ako yung nag-request, sana ako na lang


Sa November 30 ay magsasalpukan sa takilya ang dalawang malalaking Tagalog movies mula sa major film outfits sa bansa—ang The Road ng GMA Films at Won’t Last A Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.

Tampok sa The Road ang maraming artista ng Kapuso network, na kinabibilangan nina Carmina Villarroel, Marvin Agustin, TJ Trinidad, Rhian Ramos, Alden Richards, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, at Barbie Forteza.

Bida naman sa Won’t Last A Day Without You ang muling tambalan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Barbie Forteza kaugnay ng sabay na pagbubukas sa mga sinehan ng The Road at ng pelikula nina Sarah at Gerald.

Sa palagay ba niya ay maaapektuhan ang kita ng bawat pelikula dahil dito?

Ayon kay Barbie, "Para sa akin, parang wala naman pong magiging kumplikasyon man, kung iyon po iniisip ninyo, kasi magkaiba naman po yung istorya.

"Parang yung sa kanila po ’ata, love story po. Iba po yung sa amin, yung The Road.

"Ito po, kakaibang horror film. So, kung ang trip ng mga tao, matakot, siyempre ang papanoorin nila yung movie namin.

"Pero hindi rin naman namin masisisi yung mga tao kung ano ang gusto nilang panoorin.

"Basta kami, gumawa kami ng movie para mapasaya namin ang mga tao, or para matakot namin sila, or para ma-entertain namin sila.

"Sila na yung bahala kung ano ang gusto nilang panoorin."

R-13. Dahil sa maselang istorya ng The Road ay nabigyan ito ng R-13 classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang ibig sabihin, ang mga makakapanood lamang nito ay mula 13 years old pataas.

Ano ang reaksiyon dito ni Barbie?

"Para sa akin, kung sakali mang gustong manood ng mga tweens na katulad ko, siguradong hindi naman sila papabayaan ng mga parents nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kunyari gusto nilang manood, puwede naman, kasi andun naman palagi yung parents nila para bantayan sila.

"So, para sa akin, safe naman sila na manood," saad ng 14-year-old actress.

Gaano ba nakakatakot ang The Road?

"Sobra!" bulalas niya.

"Sobra talaga kasi kahit ako, kahit ako mismo yung nagsu-shoot nung movie, natatakot pa rin ako.

"Kasi ang gagaling...ang galing ng effects, ang gagaling ng prosthetics, lahat!"

Ano ang hindi niya makakalimutang eksena sa The Road?

"Basta lahat ng eksenang kinunan sa Teresa, Rizal. Kakaiba talaga yung place.

"Kahit alam mong walang magpapakita sa ’yo, feeling mo may nakatingin sa iyo parati.

"Sobrang dilim, sobrang liblib."

Hindi pa raw nakakakita ng multo si Barbie, kahit paramdam ay wala.

Pero naniniwala raw siya sa multo.

Gagawa ba ulit siya ng horror movie kahit natakot siya habang ginagawa nila ang The Road?

"Of course, oo naman. Tsaka gusto ko talaga, sana again with Direk Yam [Laranas]," sagot ni Barbie.

CHRISTMAS & NEW YEAR. Bukod sa The Road, abala ngayon si Barbie sa afternoon drama series na Ikaw Lang Ang Mamahalin at sa weekly youth-oriented series na Reel Love Presents Tween Hearts.

Dahil sa pagiging abala sa trabaho, ang wish ni Barbie ngayong darating na Christmas ay: "Oras sana, panahon! Gusto ko ng oras para sa family ko.

"Kung puwede uuwi kami sa Biñan [Laguna, Barbie’s hometown], dun kami mag-i-spend ng Christmas ’tsaka ng New Year."

Meron ba siyang New Year’s resolution?

"Actually, parang palagi ko na itong nagiging New Year’s resolution, hindi ko naman nasusunod: yung hindi na ako magiging pasaway!" tawa nang tawang sabi ni Barbie.

Pasaway ba siya?

"Hindi naman sobrang pasaway, kaya lang minsan, pilya.

"Oo, minsan hindi ako masaway na makulit, minsan masyadong madaldal, ganun."

JOSHUA DIONISIO. Hindi rin siyempre maiiwasang matanong si Barbie tungkol sa kanyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila ba ay magkaibigan at magka-loveteam lang hanggang ngayon?

Wala ba siyang pagtingin para sa kapareha?

Ayon kay Barbie, "Hindi naman...crush ko po siya, kasi siyempre matagal na rin kaming nagkakasama.

"So, alam ko na yung mga ugali niya—mapa-masama man o hindi. Alam ko na halos lahat ng tungkol sa kanya.

"Actually, nakapag-adjust na po ako sa kanya, as in sobrang close na kami.

"Since Stairway To Heaven talaga, ang dami na naming napagsamahan talaga.

"Pero hanggang doon lang po muna, magkaibigan, kasi bata pa po ako."

Ano ang pinakamagandang ugali ni Joshua para sa kanya?

"Pinakamaganda...thoughtful."

Ano ang medyo ayaw niya kay Joshua?

"Masyado siyang naglalaro ng mga computer games, na minsan hindi mo siya puwedeng kausapin pag naglalaro siya."

Ano na ang naibigay na regalo sa kanya ni Joshua?

"Nung birthday ko po, nabigyan niya po ako ng hikaw [na diamond]."

May plano na siyang regalo kay Joshua sa Pasko?

"Opo. Pero isasabay ko na po sa birthday niya sa December 14 po."

Ano ang regalo niya?

"Secret!"

Kapag tinanong siya ni Joshua kung ano ang gusto niyang regalo sa Pasko, ano ang sasabihin niya?

"’Signature na sapatos, kaya mo?’ Joke, joke lang!

"Ako, gusto ko, ako ang bibili.

"Ayoko nung iba ang bibili nung first na signature na sapatos ko.

"Gusto ko, galing sa akin talaga."

Bakit ayaw pa niyang bumili ng branded na shoes? Hindi ba’t kumikita na siya ngayon?

"Hindi pa sapat, hindi ganun kadami!" tawa nang tawang sabi ni Barbie.

Tungkol sa magiging regalo ni Joshua: "Ayokong magbigay ng idea kasi gusto ko talaga, siya yung mag-isip, siya yung magkakaroon ng idea, kasi kilala naman niya ako.

"At kasi dun talaga malalaman kung talagang kilala na niya ako, dun sa regalong ibibigay niya sa akin, kung talagang nababagay sa akin yung ibibigay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa akin, mas gusto ko yung hindi ko alam.

"Kasi kung alam ko, kung ako yung nag-request, sana ako na lang bumili kung alam ko, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN