Kristoffer Martin open to being paired with young actresses other than Joyce Ching

Kristoffer Martin on being paired with other young actresses: "Okey lang po sa akin ’yon at napag-usapan na rin namin ’yan ni Joyce [Ching]. Kung mas makakatulong sa career namin ang mai-partner kami sa iba, hindi po kami tututol."


Simple lang ang naging selebrasyon ng 17th birthday ng tween star na si Kristoffer Martin noong November 13, kasama ang kanyang pamilya na nanggaling pa sa Olongapo City.

Kuwento ng Kapuso young actor, "Mas gusto ko kasing kasama ang family ko.

"Twice a week na nga lang ako makabisita [sa Olongapo], dahil sa sobrang hectic ng schedules ko sa tapings.

"Pero kahit pagod, ginagawa ko pa rin ang bumiyahe mula sa Quezon City para lang makasama ko sila.

"Lagi ko silang nami-miss kaya kahit once a week lang, makasama ko sila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa set ng Ikaw Lang Ang Mamahalin sa Quezon City.

BIRTHDAY WISH. Ang wish ni Kristoffer ngayong birthday niya ay ang patuloy na magandang takbo ng kanyang career.

Kaugnay nito, pinasasalamatan ni Kristoffer ang GMA-7 sa mga magagandang projects na ibinibigay ng network magmula nang maging Kapuso siya.

Pagkatapos kasi ng Endless Love, kunsaan gumanap siya bilang batang Dingdong Dantes, sunud-sunod na ang naging proyekto niya sa Kapuso network: Tween Hearts, Munting Heredera, at Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"Marami pong salamat sa tiwala at sa paniniwala," nakangiting sabi ni Kristoffer.

"Nagkaroon po ng magandang direksiyon ang career ko noong maging part na ako ng GMA-7.

"Magaganda ang mga project na ibinibigay nila sa akin at lahat ay maganda ang ratings.

"Kaya ipinapakita ko naman ang sipag ko sa lahat ng mga trabahong ginagawa ko para sa kanila."

GOING BACK TO SCHOOL. Kung meron mang isa pang wish si Kristoffer sa kanyang birthday, ito ay ang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nanghihinayang kasi siya dahil tumigil siya sa kanyang pag-aaral sa San Beda College nang maging abala na siya sa kanyang showbiz career.

Nasa first year college na si Kristoffer sa kursong Entrepreneurship nang tumigil siya.

Pero nangako si Kristoffer na babalikan niya ang pag-aaral kapag hindi na siya masyadong ipit sa kanyang tapings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, "Ayoko po sanang bitawan. Nasimulan ko na po, e.

"Okey naman yung sked noong una kasi ang pinaka-regular ko was Munting Heredera at Tween Hearts.

"Káya naman, kasi hindi tumatama sa sked ko sa school.

"Noong pumasok na yung Ikaw Lang Ang Mamahalin at yung rehearsals namin for Party Pilipinas, doon na nagkagulo sa sked.

"Natamaan na yung sked ko para sa school.

"Kesa naman puro ako absent, mag-stop na lang muna ako at mag-concentrate ako sa showbiz career."

Hindi ba siya nanghihinayang na tumigil siya sa pag-aaral?

"May panghihinayang po, pero gano’n talaga.

"Siguro may mas magandang mangyayari naman, at maganda naman ang pagtanggap sa show namin.

"Pero pangako ko na tatapusin ko ang pag-aaral ko.

"Mag-iipon pa muna ako at balang-araw ay makakabalik din ako."

JOYCE CHING. Nang tanungin kung ano ang regalo sa kanya noong birthday niya ng ka-loveteam at nababalitang girlfriend na si Joyce Ching, ngumiti si Kristoffer at sinabing sa kanya na lamang daw iyon.

Saad ng young actor, "Kilala naman ako ni Joyce, e.

"Simpleng tao lang ako. Alam niya yung mga gusto ko.

"Kung ano man ang iregalo niya sa akin, tatanggapin ko kasi galing iyon sa puso niya... Naks!

"Sinabi ko naman kay Joyce na kahit wala siyang iregalo, okey lang.

"Basta yung pagkakaibigan namin ay hindi mawawala. Nandiyan ’yan forever."

BET FOR STARDOM. Sa 2012 ay isa si Kristoffer sa ibi-buildup ng GMA-7 para maging leading man.

Ibig sabihin nito ay posibleng ipareha siya sa ibang young actresses bukod kay Joyce.

Handa na ba siya sa mangyayaring ganito sa career niya? Handa na ba siyang maghiwalay sila ni Joyce sa future projects nila?

Ani Kristoffer, "Kung ano po ang plano ng GMA-7 sa amin ni Joyce, tatanggapin po namin.

"Kasama naman talaga diyan ang makatrabaho namin ang iba’t ibang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang po sa akin ’yon at napag-usapan na rin namin ’yan ni Joyce.

"Kung mas makakatulong sa career namin ang mai-partner kami sa iba, hindi po kami tututol.

"Sa ngayon, ini-enjoy namin ang loveteam namin dahil sa mga fans na sumusuporta at laging nanonood ng Tween Hearts at Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"If ever na bigyan kami ng ibang partners, nandiyan pa rin ang fans namin na Kris-Joy para suportahan kami.

"At siyempre, kami ni Joyce ay laging nandiyan para sa isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN