Nora Aunor overwhelmed by lifetime achievement recognition from various award-giving bodies

"Halos lahat ng award-giving bodies, ang mga ibinibigay sa akin, mga lifetime achievement awards. At parang ngayon lang nangyari ’yon. First time kong makaranas ng halos lahat nga puro lifetime achievement awards. At isang napakalaking karangalan para sa akin iyon," says Superstar Nora Aunor.


Ang pamunuan na ng TV5 ang nagsabing siguradong sa susunod na taon ay magiging "very busy" si Nora Aunor.

Ito ay dahil sa napakarami nilang inihahandang projects para sa Superstar.

Bukod sa book two ng mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina, magkakaroon daw si Ate Guy ng isa pang mas mahabang primetime series.

May nakahanda rin daw talent-search program, pelikula, recording, at concerts na ang Kapatid Network ang magpu-produce para sa award-winning actress-singer.

Tungkol nga rito ang unang naging paksa ng pakikipagkuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nora sa PMPC Star Awards For Television noong Martes, Nobyembre 22.

"Magiging very busy ako next year? Sa palagay ko, oo!" nangiting sabi ni Ate Guy.

May mga detalye na ba siyang puwedeng maibahagi tungkol sa mga nilulutong projects para sa kanya ng Kapatid network?

Aniya, "A, pinag-uusapan pa nila.

"Pero ang suspetsa ko, pelikula.

"’Yong ibang plano nila para sa akin, hindi ko pa po talaga alam.

"Wala pa po silang nasasabi sa akin."

SUPERSTAR, THE SHOW. Sa 25th Star Awards for TV ay binigyan ng special award na "Longest-Running Musical-Variety Show" ang dating programa ni Nora sa Channel 9 na Superstar.

Tumagal ang show na ito ni Nora sa ere sa loob ng 22 taon.

Labis naman itong ikinasiya ng Superstar at maging ni German Moreno, na co-host niya sa nasabing show at kasama niyang tumanggap ng nabanggit na parangal.

Ayon kay Ate Guy, "Masayang-masaya po ako ngayon.

"Halos lahat ng award-giving bodies, ang mga ibinibigay sa akin, mga lifetime achievement awards.

"At parang ngayon lang nangyari ’yon.

"First time kong makaranas ng halos lahat nga puro lifetime achievement awards.

"At isang napakalaking karangalan para sa akin iyon."

BLESSINGS. Inamin din ng Superstar na naiiyak pa rin siya tuwing maiisip ang tuluy-tuloy na pagbuhos ng blessings sa kanya, partikular na ang hindi niya inaasahang sobra-sobrang pagmamahal at pag-aalaga ng TV5 sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Nora, "Sa tagal ko na rin sa show business, bale naramdaman ko lang ’yong sincerity ng lahat ng mga boss, ’yong maganda nilang pakikisama, at ’yong kanilang pagpapakita sa kanilang mga artista na talagang inaalagaan nila."

CHRISTMAS PINOY STYLE. Sa matagal-tagal na panahong inilagi niya sa Amerika, ngayon lang ulit makakapag-Pasko si Nora dito sa Pilipinas.

Ano ang mga plano niya sa nalalapit na Kapaskuhan?

"Makasama ko lang ’yong mga anak ko, masaya na ako," sagot ng Superstar.

THROAT OPERATION. Kailan ang alis niya patungong U.S. for her throat operation?

"Next year pa. Mga January 5 pa siguro.

"January 9 naka-schedule ang operation ko.

"Siguro mga one month ako sa Amerika," banggit niya.

Ang isang buwang ipamamalagi niya sa Amerika ay matagal na para sa mga fans niyang matagal na nasabik na magbalik-Pinas siya’t muling maging aktibo sa showbiz.

Ano ang masasabi niya rito?

"Matagal na rin iyon para sa akin. Dahil hindi ko na naman kayo makikita.

"Lalo na nga ang mga anak ko, ang mga fans, at ’yong iba pang mga nagmamahal sa akin na mahal na mahal ko rin.

"Kaya nga dapat na makasama ko lahat ng mga taong mahal ko this Christmas. Dapat lang!

"Hindi lang sana, kundi dapat lang talaga.

"Pati ’yong mga kaibigan ko nga sa press.

"Para mas masaya ang Pasko sa ating lahat," aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN