DJ Mo Twister’s intriguing Twitter and Tumblr posts leave readers baffled

Followers of DJ Mo Twister in the microblogging site Twitter are intrigued by his post: "young child, dont ever think you were never good enough. you just had no choice in the matter."


Kasunod ng mga pahayag ni DJ Mo Twister sa nightly entertainment show ng TV5 na Juicy!, mas maraming naging katanungan sa mga nakapanood nito.

Kahit sa posts ng PEPsters na nagkokomento sa simpleng ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga pahayag ni Mo, na lumabas dito kahapon, Nobyembre 23, marami ang nagtaka sa kanyang mga matatalinghagang pahayag.

Una na rito ay ang desisyon ni Mo na lisanin ang bansa.

Kaugnay ng hakbang niyang ito, ipinagbibili na ng TV host-radio jock ang ilan sa kanyang mga gamit, kasama na ang kanyang kotse, laptop, at mga furniture.

Ito ang paliwanag ni DJ Mo sa TV5 sa kanyang desisyong umalis na ng bansa:

"It comes to a point na, feeling ko, I think I have to leave na the country.

"Kasi, I’m not being successful in my attempt to overcome yung pinagdaanan ko."

Nang tanungin muli kung ano ang totoong dahilan ng kanyang pag-alis sa bansa, inamin ni DJ Mo na bukod sa kanyang anak kay Bunny Paras na may sakit, "isang malaking bagay doon si Rhian."

Si Rhian Ramos, isang artista ng GMA-7, ang dating kasintahan ni Mo.

Dagdag ni Mo, "Tapos, may isa pang bagay na malaking bagay na pinagdaanan, na I’ve been trying to overcome in the past year, na hindi related sa breakup namin ni Rhian.

"But it’s something that Rhian and I have been trying to overcome together, and sana..."

Mas nagtaka ang mga nanonood nang ganito ang tanong ng entertainment columnist na si Cristy Fermin sa co-host na si DJ Mo: "Nakokonsens’ya ba kayo?"

Ang naging sagot ni DJ Mo: "I don’t know... Ayokong sabihin na ’kayo’ because Rhian is her own person and I am my own person.

"Basta, I’m in a dark, dark place. I’m in a dark place."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read full article.)

DJ MO’S INTRIGUING TWEETS. Sa naturang panayam din ni Mo sa Juicy!, sinabi niyang iniiwasan na niyang mangyari ang ginawa niya noong mag-break up sila ni Rhian.

Noon kasi ay walang preno siyang nagpahayag ng kanyang saloobin sa microblogging site na Twitter.

Matatandaan na nagkaroon sila ng sagutan ni Rhian sa Twitter noong Mayo 2011, na nagpahiwatig ng kanilang paghihiwalay.

(CLICK HERE to read related article.)

Ilang araw pagkatapos ng palitan nilang iyon ni Rhian ng mga mensahe sa Twitter, muling naglagay si Mo ng mahabang post, kunsaan nagbalik-tanaw siya sa magandang nakaraan niya kasama ang isang taong hindi niya pinangalanan.

(CLICK HERE to read related article.)

Bagamat sinasabi ngayon ni Mo na iiwasan na niyang maglabas ng kanyang saloobin sa social networking sites, tila hindi pa rin siya nakapagpigil.

Nitong mga nakaraang araw ay naging interesado ang ilang followers ni Mo sa mga nai-post niya sa Twitter at sa isa pang social networking site, ang Tumblr.

Ang mga ito ay magkakaugnay na posts.

Noong Nobyembre 16, nag-post ng ganitong mensahe si Mo sa Twitter:

"I have a question about abortion. Should the girl ask the guy what his thoughts are and should he have a chance to stand up for the baby?"

Kinabukasan, Nobyembre 17, ay muling nag-post si Mo at ito ang nilalaman:

"Because no amount of inconvenience could ever justify treating the supreme creation of God with murderous contempt."

Dalawang araw ang makalipas, Nobyembre 19, nag-post naman si DJ Mo sa Tumblr ng screen capture ng kahulugan ng salitang "abortion."

Sa ikatlong kahulugan nito, nakabilog ng pula ang salitang "monstrosity."

Noong araw ding iyon, nag-post si DJ Mo sa kanyang Twitter ng ganito:

"young child, dont ever think you were never good enough. you just had no choice in the matter."

Nang sumunod na araw, Nobyembre 20, nilagay naman ni Mo ang ganito:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"guy says don’t be bitter bout the overlap. She says sorry don’t be bitter too. Bitter? Tell that to the young souls killed for convenience."

WHAT’S THE REAL STORY? Hanggang ngayon ay hindi malinaw sa mga sumusunod kay Mo sa Twitter kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa kanyang mga posts.

Ang mga posts ay open sa sinumang may Twitter account na gusto siyang sundan. Ang PEP.ph ay may sariling Twitter account, gayundin ang ilang staff nito na may individual Twitter accounts.

Base sa mga posts ni DJ Mo, isang seryoso at malalim na sitwasyon ang kinalalagyan ngayon ng radio-TV host.

Iba-iba ang naging reaksiyon at impresiyon ng mga nakabasa ng posts ni Mo sa dalawang social networking sites.

Bukas ang PEP sa anumang paglilinaw o pahayag ni Mo tungkol sa mga nai-post niya sa Twitter at Tumblr.

Bukas din ang website na ito sa anumang pahayag na manggagaling kay Rhian Ramos tungkol sa mga naging pahayag ni Mo.

Pinaaalalahanan naman ng PEP ang mga mambabasa na huwag magbigay ng anumang konklusyon base sa mga naisulat ni Mo hangga’t wala pa siyang paglilinaw na ibinibigay tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN