Xian Lim feels that Kimerald fans approve of his loveteam with Kim Chiu

Xian Lim says his loveteam with Kim Chiu in My Binondo Girl is getting positive response from the Kimerald fans. "Naramdaman ko rin po yun. Kasi in-expect ko sa Twitter, maraming magagalit. And ngayon po, puro positive. Puro nakaka-uplift yung comments nila, e."


First solo presscon para kay Xian Lim ang naganap kagabi, November 24, sa 9501 restaurant sa 14th floor ng ELJ building sa ABS-CBN compound.

Ayon sa binata, hindi siya sanay na siya lang ang nasa presscon.

Kakaiba raw ang kanyang pakiramdam dahil dati ay maramihan silang artista kung iharap sa press.

Ngayon, sa kanya lang ang spotlight.

BIG-STAR STATUS? Kung pagbabasehan ang tilian sa kanya noong nakaraang Linggo, November 20, sa benefit concert na pinangunahan ni Piolo Pascual, mas kuminang na nga ang star status ni Xian.

Ang benefit concert ay pinamagatang A Night to Give Back at ginanap sa Zirkoh, Tomas Morato.

Ramdam ba niya ang pagbabago sa kanyang career?

"Oo naman," sagot niya.

Sabay natawang bawing, "Hindi naman. Hindi naman po. Hindi, I feel really thankful.

"Kanina nga no’ng pagkapasok ko... I’m so used to, yung marami kami. ’Ako lang ba to?’"

Ano ang nararamdaman niya? Nararamdaman ba niyang sikat na nga siya?

Sagot ni Xian, "Napi-feel ko na maraming schedules. Na maraming... ayoko pong sabihin yung importansiya. Para namang ang yabang no’n.

"Napi-feel ko po yung pressure.

"Thankful naman ako na nararamdaman ko yung pressure, kasi matagal ko ring hinihiling ’yan.

"And... kapag napi-pressure, ibig sabihin, may trabaho. Ibig sabihin, I’m doing okay.

"Parang, it’s a blessing."

THANKS TO MY BINONDO GIRL! Aminado si Xian na mukhang napansin siya sa kasalukuyan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang My Binondo Girl.

"Dito po talaga sa My Binondo Girl. Dito po ako sobrang thankful.

"Sobrang...hindi ko akalain na ganito ang mangyayari."

Sa tingin niya ba ay nakatulong nang malaki ang loveteam nila ni Kim Chiu sa kanyang pagsikat?

"Yes po," sagot ni Xian.

"Pati yung comfortability namin sa isa’t isa, mapapasalamatan ko rin yun.

"Mapu-point out ko rin yun na malaking factor nag-play. Kasi, ako, hindi ako naiilang sa kanya [Kim]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KIMERALD LOVES XIAN? Thankful din si Xian sa Kimerald fans, ang hukbo ng mga tagahanga nina Kim at Gerald Anderson.

Si Gerald ang unang ipinareha kay Kim sa showbiz, kayat matatag na ang mga Kimeralds. Kilala rin ang mga ito sa pagiging seloso.

Aniya, "Naramdaman ko rin po yun. Kasi in-expect ko sa Twitter, maraming magagalit.

"And ngayon po, puro positive. Puro nakaka-uplift yung comments nila, e."

Masasabi ba niyang dahil kay Kim kaya siya napansin?

"Ayoko naman pong sabihin na gano’n.

"I would say na I’ve worked hard to reach this—or to reach where I am now.

"Pero, nakatulong po, of course.

"And I’m really thankful na nakatrabaho ko po siya.

"Na dumating ’tong opportunity na ’to."

FEELINGS FOR KIM CHIU? Ano ba ang nararamdaman niya kay Kim?

"Kinikilig talaga ako kay Kim. Totoo naman, hindi ko naman..." sabi niya.

Pang-promo ba ng teleserye nila ang sagot niya?

"Hindi. Mero’n pang behind the scenes.

"Makikita n’yo pa ’yan sa...yung tinatago nila, yung nakukunan sa camera.

"Kasi, yung first time na scenes namin... Kasi, first time ko na magka-loveteam, e. First time kong magkaroon ng closeness.

"Co-actor ko, dapat close na close, naging girlfriend ko [sa teleserye].

"Yung eksena na hahalikan ko siya, pinapawisan ako.

"Sabi ko, ’Ano na nangyayari?’ Tapos nanginginig ako.

"Sabi ko, ’Sandali lang. Sandali lang.’

"Talagang inamin ko na, sabi ko... Kasi the more I hold it back, lalo lang lalabas, e.

"Aaminin ko na—kinakabahan ako. Hindi ko na alam kung ano’ng nangyayari sa kin. Siguro, nahihiya na ’ko.’ Gano’n-gano’n.

"Yung first kiss nina Andy at ni Jade," pagtukoy niya sa papel nila ni Kim sa My Binondo Girl.

Dagdag pa ni Xian, "Sinasabi ko naman, Kim is the ideal girl.

"Nasa kanya lahat yung qualities, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BYE ERICH? Na-link si Xian noon kay Erich Gonzales, na kabarkada at kaibigan ni Kim. Ngayon ay kay Kim naman siya inili-link.

Ano nga ba ang totoo rito?

"Wala naman. Wala namang problem.

"Wala naman po talagang nangyari," sabi ni Xian sa sinasabing relasyon nila ni Erich na hindi nauwi sa totoo.

THANKS TO JOLO? Kung babalikan, ang characters nina Kim at Jolo Revilla ang unang napansin ng manonood sa My Binondo Girl.

Nagkataon na nagkasakit si Jolo sa totoong buhay kaya umiba ang takbo ng kanilang serye at natuon kina Xian at Kim ang kuwento.

Sabi ni Xian sa bagay na ito, "Baka naman talagang mero’n din akong part sa story?

"Siyempre, ayoko namang maging thankful na nagkasakit si Jolo. Pero..."


NO HOLDING BACK? Ngayong sa kanilang loveteam na ni Kim nakatuon ang My Binondo Girl, mauuwi na ba ito sa totohanan?

"Lagi ko po naman sinasabi na hindi ko pipigilan... kung may mangyari man.

"Kung may ma-develop, hindi ko pipigilan.

"Basta lagi kong sinasabi sa sarili ko—focus, focus, focus sa trabaho," dahil ayaw muna raw niyang ma-in love.

Ano yung nami-miss niya kay Kim pag hindi niya ito kasama?

"Nami-miss ko yung mga nakakatawang moments na...pag magkasama kami. Siyempre, nag-uusap kayo.

"Tapos may mga times na nagki-click yung ideas. Parang pareho kayo ng iniisip.

"Tapos, alam mo yung iniisip niya, alam din niya yung iniisip mo.

"Pero hindi n’yo binabanggit sa isa’t isa na [parang meeting of the minds]."

SONG FOR KIM! Aminado rinsi Xian na ang kantang Ako’y Sa Yo Lamang ay ginawa niya para kay Kim.

Ito ang ginagawang background music tuwing may eksena sina Xian at Kim sa kanilang series.

Para talaga kay Kim ang kanta ni Xian: "Si Kim. I told her. Tinext ko naman kay Kim, e. Sinabi ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "No’ng magsimula yung teamup namin, sabi ko, parang nakaka-carried away naman yung...

"Kasi po, sabihin natin sa eksena, mahal na mahal ko si Jade.

"Talagang mahal na mahal ko siya. Si Andy, mahal na mahal niya si Jade.

"And pagkatapos ng eksena, all of a sudden, eksena lang pala yun.

"Back to reality. So, parang nakakadala. So...

"And looking at Kim, she’s a really nice girl. Mabait siya, e.

"No’ng ginawa ko po yung kanta, sabi ko I’m gonna write a song for Kim na telling her what she deserves, what she’s worth.

"Yung admiration po, nando’n.

"I guess kaya... hinahangaan ko po siya. And lahat ng qualities, nando’n."

WORK FIRST, FEELINGS LATER. Pero sa ngayon, hindi pa raw handa si Xian na magmahal ulit dahil sigurado siyang makakaistorbo ito sa kanyang career.

"Kasi po kung magkaro’n ako ng girlfriend, ibibigay ko po talaga lahat.

"Hindi naman po lahat, but my 100 percent love.

"I know myself, maaapektuhan po talaga siya [trabaho].

"Yun nga po. Totoo naman, e. Any move na mangyari [baka sabihin pang-promo]."

Paano kung sa pag-aatubili niya ay maunahan siya ng ibang lalaki sa panliligaw kay Kim?

"Kung meant to be naman ang isang tao, di ba... Kung meant to be, meant to be ’yan.

"Kung manliligaw po ako, hindi na po ako titingin ng iba.

"Hindi ko po iisipin na, ’Ay, panandalian lang. Ay, ano lang ’to.’ Hindi po talaga."

Baka naman hindi niya maligawan si Kim? Dahil ba nararamdaman niyang mababasted lang siya?

"Masakit naman po marinig yun kung gano’n po ang katotohanan.

"Ayoko po munang masaktan ngayon kung gano’n nga po.

"Ayoko munang masaktan," nangingiti niyang sagot.

Paano ba masaktan si Xian?

"Sa bahay lang ako, e. Tumutugtog ng piano. Tapos nagsusulat.

"Nagpi-free write lang. Mero’n akong notebook."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umiiyak rin siya?

"Oo naman," sabi ng guwapong binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN