Witness refutes reports that ABS-CBN president Charo Santos-Concio snubbed superstar Nora Aunor at Star Awards for TV

"In fairness naman kay Ma’am Charo, nakita ko siyang tumayo nang tanggapin ni Ate Guy ang kanyang award. Siguro, kung anuman ang mga isyu at intrigang idinidikit sa kanilang dalawa ay hindi sakop ang pagkakataong yun para hindi siya magbigay ng respeto sa isang tinitingalang artista ng bansa," says Aaron Domingo of ABS-CBN Corporate Communications about the reported incident between ABS-CBN president Charo Santos-Concio (left) and superstar No


Parehong binigyan ng parangal sa katatapos lang na 25th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio at ang superstar na si Nora Aunor.

Si Charo, para sa kanyang programang Maalaala Mo Kaya na iniluklok ng PMPC sa Hall of Fame dahil sa pagwawagi nito ng labinlimang tropeyo bilang Best Drama Anthology.

Si Nora naman, para sa kanyang defunct show na Superstar na hinirang na The Longest-Running Musical Variety Show in Philippine Television.

Ang prescence sa awards night na ito ng dalawang malalaking pangalan sa industriya ay nagbunga ng malaking balita—ang diumano’y hindi nila pagpapansinan.

Naging isyu rin ang hindi raw pagtayo ni Ma’am Charo (ang tawag kay Charo sa industriya) nang tanggapin ni Nora ang special award nito.

Halos lahat daw kasi ng mga kahanay sa upuan ng lady boss ng Kapamilya network ay nagpugay sa Superstar at ginawaran ito ng standing ovation.

Bagamat naninindigan ang ibang mga nakasaksi sa insidente na hindi tumayo at pumalakpak si Ma’am Charo, meron ding nagpapatotoo na nagbigay respeto ang network executive kay Nora.

Ayon sa miyembro ng Corporate Communications department ng ABS-CBN na si Aaron Domingo, unfair sa kanilang boss ang mga naglalabasang balita na nambastos diumano ito.

Sa kuwento ni Aaron sa writer na ito, ipinapakita pa lang daw ang VTR ng segment ng Superstar ay nakitaan na ng paggalang at pagrespeto ang kanilang boss kay Nora dahil sa seryosong panonood nito.

Nasa loob din ng Newport Peforming Arts Theater si Aaron nang maganap ang sinasabing insidente sa pagitan nina Ma’am Charo at Nora.

Depensa ni Aaron, "Hindi totoo ang mga balitang lumabas na nambastos siya.

"In fairness naman kay Ma’am Charo, nakita ko siyang tumayo nang tanggapin ni Ate Guy ang kanyang award.

"Siguro, kung anuman ang mga isyu at intrigang idinidikit sa kanilang dalawa ay hindi sakop ang pagkakataong yun para hindi siya magbigay ng respeto sa isang tinitingalang artista ng bansa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Totoong hindi sila nagbatian dahil nung dumating si Ma’am Charo ay nasa backstage na si Ate Guy.

"Hindi lang malinaw kung sinadya bang iwasan ni Nora si Ma’am Charo, o talagang ayaw pa niyang batiin ito.

"Pero siyempre, kung ganunman, respeto na lang kay Ate Guy.

"Hindi pa siguro panahon at hindi sa Star Awards yun puwedeng mangyari."

Ang pinag-ugatan ng isyu sa pagitan nina Ma’am Charo at Nora ay ang pagsisiwalat ni Nora ng kanyang mga hinanakit at ang sinasabi niyang "unpleasant working experience" sa ABS-CBN sa October 2011 issue ng YES! magazine.

Inilahad din ng aktres sa naturang magazine ang sama ng loob niya kay Ma’am Charo at sa kapatid nitong si Malou Santos na namamahala ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Nasabihan pa ng Superstar ang Kapamilya big boss na "yumabang" na at "malaki na ang ipinagbago."

Nananatiling tikom ang bibig ni Charo Santos sa isyung ito, at tila wala siyang planong patulan ito dahil na rin sa kanyang pananahimik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN