Director Joey Reyes reveals how married couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo fight: "Hindi sila maingay."

Sa ikatlong beses na maidirek ni Direk Joey Reyes (above) sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa pelikulang My Househusband...Ikaw Na!, mas lumalim na raw ang kanilang pagkakaibigan at mas naging open na sila sa bawa’t isa bilang magkakaibigan.


Hindi kumpleto ang taunang Metro Manila Film Festival kung walang pelikula ang award-winning director and screenwriter na si Jose Javier Reyes.

Ilan sa mga hindi makakalimutang MMFF entries niya ay ang Bakit Labis Kitang Mahal?, May Minamahal, Sugatang Puso, Malikmata, Spirit of the Glass, One Night Only, Kutob, Katas Ng Saudi, at ang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo starrers na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo.

Ngayong 2011 MMFF ay muling pagsasamahan nina Direk Joey at ang mag-asawang Judai at Ryan ang bagong comedy tungkol sa mag-asawa na may kakaibang takbo ang buhay.

Ito ay ang My Househusband...Ikaw Na! ng OctoArts Films.

"This is a very different story. Malayo sa KKK at SSS.

"Pero tungkol pa rin sa mag-asawa. Yun nga lang, si misis ang nagtatrabaho at si mister ang tagapag-alaga ng bahay.

"Nangyayari naman ’yan in real life kaya ipapakita lang namin yung hilarious side of it," ang sabi ni Direk Joey Reyes.

"May mga kaibigan ako na naging mga househusbands.

"It’s happened either by choice or by circumstances.

"Tulad na lang ni Ryan, I found out na his father was a househusband, because nagnegosyo ang father niya sa kanilang tahanan at hindi sa isang opisina.

"May ganyang mga situation na we don’t find anything wrong.

"But, of course, there are hilarious moments between the househusband and the wife who goes to the office.

"Sa panahon ngayon na parehong magulang na ang nagtatrabaho, may mga ganitong pangyayari na hindi naman ginusto pero nangyayari talaga.

"This is real life and we want to show that in this film, na tamang-tama para sa Pasko."

UGE AS THE OTHER WOMAN. Kasama rin sa cast si Eugene Domingo bilang kapitbahay nila Ryan at Judai na gumaganap na isang "other woman."

"Dinagdag namin sa cast si Uge to add more spice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Originally, small role lang yung sa kanya. Then naisip naming palakihin na at maging part na siya sa nagiging problema ng mag-asawa.

"Uge here is like the Anne Curtis in No Other Woman," ang sabi ni Direk Joey.

"Mistress siya na binabahay ng kanyang boyfriend na may asawa na kinaibigan ni Ryan since he’s a househusband.

"At siyempre, pinagselosan ni Judai since she is the one always out of the house at nagulat na lang siya na may kinaibigan na ang asawa niya na tampulan ng tsismis sa kanilang lugar.

"That’s where a lot of the funny moments are in the story.

"Matatawa kayo sa mga confrontation scenes nila Uge at Judai.

"Kakabugin nila sila Anne Curtis at Cristine Reyes!" natatawang kuwento pa ng direktor.

DEEPER FRIENDSHIP. Sa ikatlong beses na maidirek ni Direk Joey sila Ryan at Judai sa pelikula, mas lumalim na raw ang kanilang pagkakaibigan at mas naging open na sila sa bawa’t isa bilang magkakaibigan.

Hindi lang bilang artista at director ang kanilang relasyon.

"Sa business naman natin na ito, we have lots of friends, pero mabibilang mo sa daliri sa kamay kung sino yung mga pinagkakatiwalaan mo at sino rin ang nagtitiwala sa iyo.

"My friendship with the Agoncillos is very special because we all understand yung ugali ng bawa’t isa.

"Hindi lang natatapos yung pagkakaibigan namin sa set bilang mga artista ko sila.

"But even beyond work ay nagkikita kami and we spend time with one another.

"Plus factor yung magkapitbahay kami [sa Alabang] because anytime one of us needs somebody to talk to, nandiyan lang kami para sa isa’t isa.

"It’s hard to find real friends in this business and I can say that the Agoncillos are one of the best people I have met and have become friends with," ang sabi ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita ni Direk Joey ang maayos na pangangalaga ni Judai kay Ryan.

Na pati raw siya ay naambunan na ng tender loving care ng aktres.

"It’s really nice to feel genuine care from your friends.

"Tulad na lang minsan ay nakatikim na ako ng nilulutong almusal ni Judai para kay Ryan.

"Yung pag-aasikaso ni Judai sa kanyang mister ay naibibigay din niya sa ibang tao, at masuwerte ako at naranasan ko iyon.

"Marami pa akong puwedeng ikuwento, but of course sa amin na lang iyon ng mga Agoncillos," aniya.

"We respect one another, that’s why our friendship has lasted this long."

SILENT FIGHT. Kaya sa pagiging close ni Direk Joey sa mag-asawang Judai at Ryan ay naging saksi ito sa naging tahimik na away ng mag-asawa.

Kuwento ni Direk Joey ay mas nakakatakot pala na hindi nagkikibuan ang dalawang taong nag-aaway kesa sa mga mabubunganga at maingay na mag-away.

"Gano’n pala sila mag-away. Hindi sila maingay.

"Tahimik lang. Nakakatakot kasi hindi mo alam ang nasa isip ng bawa’t isa," tawa ni Direk Joey.

"Mas okey sa akin yung maingay kayo mag-away, e. Kasi mapagtatawanan mo pa yung situation.

"Pero kapag tahimik lang kayo, naku very scary. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

"Pero nasabi naman ni Judai na gano’n lang daw talaga sila.

"Kesa raw na nagpapansinan sila pero magkaaway sila, mabuti na raw yung nag-aaway sila pero tahimik.

"Walang gulo at pinag-iisipan nila ang lahat.

"Sa akin naman, style nila iyon kaya pabayaan na lang natin sila.

"Different strokes for different folks, di ba?

"In the end, alam ko naman na magkakasundo sila because they are very intelligent and good-natured people."

Saksi din si Direk Joey sa pagiging mahusay na mga magulang nina Judai at Ryan.

Priority talaga nila ang kanilang mga anak, kunsaan man sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s nice to see na parehong magaling sa kanilang role as parents itong sila Judai at Ryan.

"Kaya naman walang kahirap-hirap ang roles nila dito sa My Househusband.

"Dalawa ang anak nila in real life at dalawa rin dito sa pelikula.

"Nai-apply nila sa kanilang roles ang ginawa nila sa tunay na buhay as parents.

"It’s very real and we get the work done faster kasi nga natural na lang sa kanilang dalawa yung role."

Nahirapan lang daw si Direk Joey sa mga eksenang nag-aaway ang mag-asawa.

"Sa totoong buhay kasi ay hindi nila dinadaan sa sigawan ang kanilang problema.

"There was a scene nga na tinatalakan ni Judai si Ryan.

"Doon nahirapan si Judai because in real life ay hindi siya gano’n kay Ryan.

"And vice versa. Tulad nga ng kuwento ko, tahimik sila kapag may tampuhan sila.

"Kaya we have to make adjustments para magbagay nga sa mag-asawa yung mga gano’ng klaseng tagpo," pagtatapos pa ni Direk Joey Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN