Jericho Rosales wants to change his image: "Na ’pag nagiging leading lady ko, nagiging girlfriend ko."

Nabanggit ni Jericho Rosales na may non-showbiz girl siyang dine-date sa ngayon, pero ayaw niyang magbigay ng anumang detalye tungkol dito.

"Gusto ko private yung lovelife ko, at kung maaari sana huwag na lang showbiz para mas tahimik," he says.



Nasabi ni Lovi Poe na noon pa man ay crush na niya ang aktor na si Jericho Rosales.

Para sa sexy actress, isang dream come true na magkapareha sila sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films, ang Yesterday, Today and Tomorrow.

Matagal na niyang hinahangaan ang husay sa pag-arte ni Jericho.

Sa presscon ng Vantage Razor kahapon, Nobyembre 25, kung saan si Echo ang endorser, agad tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ito kung maaari bang mauwi sa isang relasyon ang pagsasama nila ni Lovi sa pelikula.

"Hindi ko alam, basta masaya ako na katrabaho siya.

"Magaling, professional siya, marami siyang ’binibigay na surpresa ’pag kaeksena mo siya so I like to focus on that.

"I don’t want her to feel uncomfortable.

"Maganda talaga si Lovi, pero sa ngayon, magpo-focus muna ako sa trabaho ko."



Gusto raw ni Echo baguhin ang dati niyang image na hinahaluan niya ang trabaho ng personal at nagiging girlfriend niya ang lahat ng leading ladies niya.

"Alam naman ng lahat ng tao na professional ako. Di ako lumalagpas sa kung ano pa man.

"Tinanggal ko na sa sarili ko yung image na ’pag nagiging leading lady ko, nagiging girlfriend ko.

"Simula pa lang nung nag-partner kami ni Sarah Geronimo, inalis ko na yun."



NONSHOWBIZ GIRL. Nabanggit ni Echo na may non-showbiz girl siyang dine-date sa ngayon, pero iwas ang aktor magbigay ng anumang detalye tungkol dito.

"I’d like to keep my personal life private.

"Gusto ko private yung lovelife ko, at kung maari sana huwag na lang showbiz para mas tahimik.

"I don’t wanna put pressure on my personal life, but thank you na curious kayo at gusto ninyong malaman. "



Nangangahulugan kaya ito na hindi magiging malamig ang Pasko ni Echo?

"Ang Pasko ko naman is always warm.

"Nalulungkot lang ako pag nami-miss ko ang family, pero ke may lovelife o wala, there’s always a reason to be happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



KRIS AQUINO. Hiningan namin ng reaksyon si Echo tungkol sa pahayag ni Kris Aquino na gusto daw nitong makasama ang aktor sa isang trabaho sa susunod na taon.

Handa na ba siya na ma-link kay Kris na siyang kadalasang nangyayari sa mga leading men nito?

"Nung nag-guest ako sa kanya, sinabi niya na gusto niyang magtrabaho kaming dalawa.

"I don’t think about that, I think about the project.

"Yan ang sinasabi ko kanina, my focus is on good projects.

"Kasi masyadong maikli yung buhay ng proyekto natin kung binabase natin sa personal na buhay.

"Mas nagiging focus yung personal life, let’s focus on good projects."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN