Mercedes Cabral says she will not stop making indie films even if she becomes a success in mainstream movies

"Hinding-hindi ko kalilimutan ang indie kasi diyan ako nagsimula, nabigyan ng break, at diyan ako nirespeto bilang isang aktres ng mga taga-ibang bansa. Sana lang mas mapansin na at mas tangkilikin na ng mga Pilipino ang indie movies ngayon," says Mercedes Cabral at the presscon of the indie movie Crossroads.




Hindi raw titigil sa paggawa ng indie movies si Mercedes Cabral—ang tinaguriang "Princess of Indie"—kahit pa raw dumating ang panahong maka-crossover siya nang tuluyan sa mainstream projects sa pelikula at telebisyon.

"Hinding-hindi ko kalilimutan ang indie kasi diyan ako nagsimula, nabigyan ng break, at diyan ako nirespeto bilang isang aktres ng mga taga-ibang bansa.

"Sana lang mas mapansin na at mas tangkilikin na ng mga Pilipino ang indie movies ngayon," sabi ni Mercedes sa presscon ng pelikulang Crossroads.

Maraming indie films na ang nagawa ni Mercedes na naipalabas dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ilang beses na nga siyang nakadalo sa mga international film festivals, katulad ng prestihiyosong Cannes Film Festival sa France, dahil sa kinabibilangan niyang indie movies, gaya ng mga obra ni Direk Brillante Mendoza na Serbis at Kinatay.



CROSSROADS.
Muling ngang mapapanood sa isang indie movie si Mercedes, ang Crossroads, produced by the Commission on Population (Popcom) in cooperation with Integral Media Inc.

Ang Popcom ang advocating arm ng population program ng pamahalaan na may layuning magpalaganap ng kamalayan hindi lang sa mga matanda kundi pati sa mga kabataan pagdating sa usapin ng populasyon.

Kamakailan lang, naisip ng Popcom na kontakin ang Integral Media Inc. upang gumawa ng isang pelikulang kapupulutan ng impormasyon at aral ng mga kabataang Pinoy.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Charliebebs "Bebs" Gohetia, "Ang Crossroads ay kuwento ng kabataan at kanilang mga problema sa kaibigan, sa pamilya, at sa pakikipagrelasyon.

"Ang characters sa pelikula ay parang magko-’crossroad’ sa istorya.

"Ang bawat isa ay representation ng youth problems—maagang pagbubuntis at epekto nito, pakikiharap sa magulang, teenage crushes, droga at sex.

"Ang Crossroads ay isang educational film na naglalayong makatulong sa kabataan kung papaano nila maiiwasan ang mga nasabing youth problems.

"Pero dahil seryoso at mabigat ang tema, ginawa kong light comedy ang atake," ayon kay Direk Bebs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THEATRICAL RELEASE. Ginagampanan ni Mercedes ang role ni Melai, isang kolehiyalang nagbebenta ng aliw at may lasenggang ina.

Kasama niya sa pelikula sina Felix Roco, Joseph Bitangcol, Sue Prado, Aleera Montalla, Zoe Sandejas, Yohann Alcantara, Hannah dela Guerra, Natasha Cabrera at Christian Rainier Veron.

Sa ngayon hindi pa malinaw kung magkakaroon ng theatrical release ang Crossroads.

Gusto kasi ng Popcom na mauna itong maipalabas sa mga paaralan para direkta nilang maipahatid ang mensahe ng pelikula sa target audience nilang mga estudyante at kabataan.

Pero sigurado raw na magkakaroon ito ng premiere night sa isang mall at sa isang piling eskuwelahan sa Disyembre.



GOVERNMENT ADVOCACY. Gaano kahalaga kay Mercedes ang paggawa ng pelikulang sumusuporta sa advocacy ng pamahalaan sa usaping adolescent health and youth development?

"Malaking bagay para sa sa akin yun.

"Kasi [kailangan] maipalabas din sa mga kabataan ngayon yung mga issues na ganito na nagpapakita sa totoong nangyayari talaga.

"Napakalaking bagay ng project na ito para sa akin, na maging parte sa pagkuwento, hindi lang yung istorya, kundi yung pagpaparating ng mensahe sa mga kabataan," ani Mercedes.

FOR OR AGAINST THE RH BILL? Ano ang stand niya sa pinag-uusapan ngayong Reproductive Health Bill—pabor pa siya o hindi?

"Parang masyadong maraming hindi nae-educate nang maayos sa mga tao ngayon.

"So, parang, oo, nasa amin yung choice.

"Pero nakakalungkot lang din kasi araw-araw pag lalabas ka, may makikita kang mga batang maliliit na nasa kalsada at umaasa sa ibang tao.

"Sa akin, naiinis ako dun sa mga magulang ng mga batang yun kasi parang ang babata pa niyan pero tinuturuan n’yo na umasa sa ibang tao.

"Hindi naman choice ng mga batang yan na lumabas sa mundo at maghirap, di ba?

"So, ako, pro-RH Bill ako. Pero yun nga, nasa tao pa rin e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN