Angeline Quinto on courting actor Coco Martin: "Di naman nanliligaw, pero inaamin ko na may paghanga talaga ako."

Star Power grand winner Angeline Quinto reacts to criticisms about her pronouncement that she’s "courting" Indie Prince Coco Martin:

"Sa akin naman, ’pinapakita ko lang talaga ang totoong nararamdaman ko dun sa tao," she says. "Alangan naman na magpakaplastik ako, gusto ko lang na malaman ng mga tao yung totoong nararamdaman ko. Kumbaga, bakit naman ako magtatago e, talaga namang may paghanga ako sa k


Kilalang prangka at bukas sa kaniyang nararamdaman, naging mapakla sa panlasa ng iba ang nabitawang mga salita ni Angeline Quinto sa nakaraang panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Sinabi ni Angeline na siya raw ang nanliligaw kay Coco Martion at di pa siya sinasagot nito.

Magkapareha si Angeline at Coco sa pelikulang You Light Up My Life ng Star Cinema, kung saan sa simula pa man ay aminado na ang Star Power grand winner na hinahangaan niya ang kilalang indie actor.

Nainterview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nuong nakaraang Miyerkoles si Angeline sa isang MTV shoot ng kanyang bagong kanta na kasama sa Christmas album ng Star Records.

Agad tinanong ng PEP ang singer kung ano ang reaksyon niya sa maraming pagbibirong natatanggap niya.

"Sa akin naman, ’pinapakita ko lang talaga ang totoong nararamdaman ko dun sa tao," ang sabi ni Angeline.

"Alangan naman na magpakaplastik ako, gusto ko lang na malaman ng mga tao yung totoong nararamdaman ko.

"Kumbaga, bakit naman ako magtatago, e, talaga namang may paghanga ako sa kanya?

"Nanliligaw? Hindi naman, pero di ba sinasabi [nila], iba na ang panahon ngayon, babae na ang nanliligaw sa lalake?

"May mga kaibigan akong ganun, napagaya na yata ako," sabay tawa niyang sinabi.

"Dun sa ibang tao na naging pangit yung tingin sa pagkakasabi ko na ako ang nanliligaw, sana ay intindihin na lang nila.

"Di naman nanliligaw, pero inaamin ko na may paghanga talaga ako kay Coco Martin."

SWEET. Hindi naman itinago ni Angeline sa PEP na habang nakikilala niya ang aktor ay mas marami siyang nakikitang magandang katangiang magugustuhan ng kahit na sinong babae sa isang lalake.

"Yung pagkakaibigan namin ni Coco ay okay naman.

"Nung una medyo nagkakahiyaan pa kami pero habang tumatagal, lalo ko siyang nakikilala at ganun din naman siya sa akin.

"Natutuwa ako kasi ang sweet niyang tao, pag break namin sa set, tatanungin niya ako kung kumain na ako, tapos siya pala hindi pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakaka-touch yung ganun.

"Inamin ko naman na dati pa akong may paghanga kay Coco, tapos ngayon na nagkatrabaho kami, talagang masasabi ko sa sarili ko na napakabait na tao nito at di ako nagkamali sa paghanga sa kanya."

Kinumusta namin kay Angeline ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Coco.

"Yung movie namin ni Coco, hanggang ngayon ginagawa pa rin.

"Pero sobrang masaya ako kasi unti-unti akong maraming natutunan sa bawat shooting namin.

"Talagang natutuwa ako kasi alam ko sa sarili ko na naibibigay ko ang best ko."

"Ang naririnig ko lang, sana matuloy, by January yata.

Nagpahayag din ng kasiyahan si Angeline sa pagkapanalo ni Coco bilang Best Drama Actor sa nakaraang 25th Star Awards for TV para sa pagkakaganap nito sa seryeng Minsan Lang Kita Iibigin.

"A talaga? Kasi kagabi may shooting kami, nagpaalam siya sa akin, e pormal ang damit.

"Di ko naman tinanong kung saan [ang punta]. Congrats, idol!"

MTV WITH SAM MILBY. Masaya ring ikinuwento sa amin ni Angeline ang experience niya sa paggawa ng MTV kapareha si Sam Milby.

"Ito pong ginagawa namin ni Sam na music video, bale ito yung Christmas song na kasama sa album ng Star Records.

"Marami kaming magkakasama doon, sila Kuya Erik [Santos], Sir Gary [Valenciano].

"Nakakatuwa, kasi ito yung unang beses na nakatrabaho ko si Sam, di ko in-expect na makulit pala siyang katrabaho.

"Noong una kasi, akala ko seryoso siya sa mga aktingan, akala ko seryoso siya pero makulit din pala.

"Nagkasundo kami kasi alam ninyo naman ako, kalog din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN