Sharon Cuneta answers loyalty issue: "You can never question my loyalty. Twenty-three years is more than half my lifetime."

Bagaman excited si Sharon Cuneta sa paglipat niya sa Singko, halatang mabigat sa loob niya ang pag-alis sa Kapamilya network.

"Oh, yes, definitely. Mas matindi pa yung pag-alis ko dun kesa sa—honestly and no offense to other people involved—kesa nung nag-breakup yung first marriage ko, kasi more than half my lifetime, nandon ako sa kanila," she says.



Nagsimula sa mga bulung-bulungan at mga blind items ang napapabalitang paglipat diumano ng Megastar na si Sharon Cuneta sa TV5.

Naging malakas ang hinala ng karamihan na lilipat na nga si Shawie sa Singko dahil sa hindi na niya pagsama sa Christmas station ID ng Kapamilya Network.

At isa pa sa mga naging pulidong ebidensiya ay ang pagbalik ni Mega sa dati niyang manager na si Boss Vic del Rosario kung saan hayag ang magandang relasyon ng mega-producer at star builder sa Kapatid Network.



MEGASTAR, KAPATID AT LAST. Noong November 22, 2011, Martes, ganap na alas singko ng hapon, natuldukan na ang haka-haka ng karamihan nang pormal na ngang pumirma si Sharon sa TV5 ng five-year exclusive contract.

Naganap ang pirmahan sa opisina ng TV5 sa Marajo Tower sa The Fort.



Sinaksihan ang naturang contract-signing ng mga big boss ng istasyon na sina Bobby Barreiro at Atty. Ray C. Espinosa.

Nanduon din sa naturang pirmahan ang manager ni Sharon na si Boss Vic at si Sandra Chavez na matagal nang tumatayong personal manager ng Megastar.



Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Shawie matapos ang contract-signing, una naming kinamusta sa kanya ang tungkol sa paglipat niya ng istasyon.

Paano ba nabuo ang desisyon na iwanan na nga niya ang ABS-CBN na matagal ding naging bahagi ng buhay niya at karera?



Ani Mega, "Once in a while, you have to make a change in your life. And, I think, at this point in my life, this is the best move for me.

"So I’m excited to join a station na bago, excited, aggressive."



Ano kaya ang naramdaman niya ngayong opisyal na nga siyang bahagi ng "Happy Network?"



Sagot niya, "Halo-halo ang emotions ko. Hindi naman biro yung 23 years na pinagsamahan namin ng mga kasama ko noon.

"Ngayon, halong excitement, yung pagkanerbiyos tsaka yung happiness siyempre."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FIVE-YEAR EXCLUSIVE CONTRACT. Pumirma ng limang taong exclusive contract ang Megastar sa TV5. Maraming mga proyektong nakalaan ang istasyon at inihanda para lang sa kanya.



Ani Sharon, "Definitely, there will be a daily show and mas makakasama ko na kayo nang mas madalas.

"Bukod sa daily show ko, I’ll have two seasons of a reality show so talagang madalas tayong magkakasama."



Hindi lamang TV projects ang aabangan ng mga tagahanga ni Sharon sa TV5. Nakatakda rin siyang gumawa ng mga pelikula under Studio5/Viva Films co-production.

Una na nga rito ang muling pagbabalik-tambalan ng pinakasikat na love team noong ’80s, ang tambalang Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.



Masayang kuwento ni Shawie, "I’m happy to say, I think Boss Vic has to talk pa to Gabby.

"Pero magkausap naman sila lagi. But to all our fans, by March, the Sharon-Gabby movie will start shooting."



Wala pang titulo o storyline ang nasabing pelikula pero excited na dito si Sharon.

Dito kasi mapapatunayan ang hatak nila sa mga nanatili pa ring tagahanga ng kanilang tambalan.



Nagkataon namang halos dalawang linggo na sa ere ang remake ng pelikula nila ni Gabby na P.S. I Love You na ginawang teleserye ng TV5.

Tinatampukan pa rin ito ni Gabby, Dina Bonnevie at ilan pang bituin ng istasyon.


Kuwento ni Mega, "Gaya ng nabanggit ko noon kay Gabby, ayokong manood kasi ayoko yung pinaghiwalay nila sina Mark at Kristine.

"Tsaka hindi na ako si Kristine. Pero I’m sure, maganda yan.

"Parang nakakatawa nga yung timing.

"Nag-umpisa na nandito si Gabby, gumawa ng soap na P.S. I Love You ang title tapos ako ngayon napalipat."



Gusto rin daw makatrabaho ni Shawie ang iba pang mga bigtime kapatid stars na sina Nora Aunor at Maricel Soriano.



Pag-amin ni Mega, "Why not? Siguro that would be one of the peaks sa showbiz career naming lahat kapag nagkataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least, from my end I’m happy we’re all here. Parang isa na lang ang kulang," sabay tawa at ang tinutukoy niya ay ang Star For All Seasons na si Governor Vilma Santos.



P1-BILLION FOR FIVE YEARS? Sa usapin pa rin ng kanyang biglaang paglipat, naungkat naman ang isyu kung ano nga ba ang nagbunsod sa kanyang mangibang-channel.

Aminado si Sharon na hindi niya natanggihan ang offer sa kanya ng TV5.



Kuwento pa niya, "Aside from the deal being a good one, it was such a huge vote of confidence.

"Nakakabuhay ng loob, ganon. The bottom line is, the value na nilalagay nila sa paglipat ko."



"Sa pagpapahalaga nila sa aking pagiging singer, host, artista.

"Sabi ko nga kanina, nabuhayan ako ng loob na panibago. It’s like new blood.

"I’m really excited. Yung pinakita nilang ’yon, that was more than enough for me."



Bago pa man siya pumirma noong Martes, nagsilabasan naman ang mga shoutouts sa social networking sites na Twitter at Facebook na diumano’y isang bilyong piso daw ang kontratang pipirmahan niya sa istasyon.

May katotohanan kaya ang lahat ng ito?

Idinaan naman sa biro ni Sharon ang sagot niya, "Nagulat ako. I’m not in the position to confirm nor deny that pero if the station thinks I’m worth a certain amount then I will have to agree with them."



LOYALTY IN QUESTION? Kung pinagtawanan lang ni Megastar ang issue tungkol sa kanyang talent fee, naging seryoso naman siya pagdating sa usapin ng loyalty.

Hindi kasi maiwasang maungkat ang kanyang "loyalty" sa dating istasyong pinaglilingkuran na marahil ay tanong din ng iba.

Ano kaya ang masasabi niya tungkol dito?



Mahinahong paliwanag ni Shawie, "Kahit ano pang itsismis, na ano pang sweldo ang isusulat nila na matatanggap ko, ang loyalty ko, walang presyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"You can never question my loyalty. Twenty-three years is more than half my lifetime."



"And if my bosses and I understand each other—my bosses in my other home station—I see no reason why other people won’t understand it."



Pero halata pa rin na mabigat sa loob ng Megastar ang kanyang pag-alis sa Kapamilya network.



"Oh, yes, definitely.

"Mas matindi pa yung pag-alis ko dun kesa sa—honestly and no offense to other people involved—kesa nung nag-breakup yung first marriage ko, kasi more than half my lifetime, nandon ako sa kanila."



Pero kahit nasa ibang istasyon na daw siya, mananatili pa rin ang kanyang personal na relasyon sa mga dating nakatrabaho, nakasama at naging kaibigan.



Pag-amin niya, "I’m leaving my workplace pero siyempre yung friendships at yung relationships ko with them, tuluy-tuloy naman yung pagmamahalan namin hindi nga lang pwedeng mag-usap about work."



Sa huli, may nais namang ipaabot na mensahe si Sharon sa lahat ng mga kapatid.



Aniya, "Mahalin lang ako. Sana marami akong maging kaibigan.

"Ma-feel ko yung pagiging kapatid. Uy, first time ko sinabi.

"Pagiging kapatid kasi iba naman ako magmahal.



"Mga kapatid, ito po si Sharon Cuneta. For the first time, bumabati sa inyo as a kapatid.

"Sana po, patuloy kayong sumuporta sa aming istasyon, aking bagong bahay, ang TV5.

"And I invite you all to watch out for the shows na ihahain ko po para sa lalong ikaliligaya niyo.

"Maraming salamat sa TV5! Maraming-maraming salamat sa mga Sharonians ko!"



At mamayang 1:30 ng hapon, November 27, 2011, sa Paparazzi Showbiz Exposed sa TV5, mas maraming rebelasyon pa si Sharon na ikukuwento sa pagharap nito kay Cristy Fermin sa segment na "Caught By Cristy."

Dito sasagutin ni Sharon ang kanyang damdamin at emosyon sa relasyong KC Concepcion at Piolo Pascual.

Bukod pa dito, pag-uusapan din nang malaliman nina Sharon at Cristy ang tungkol sa pagbabalik tambalan nila ng ama ni KC na si Gabby Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN