Sarah Geronimo willing to work with Cristine Reyes in future projects: "Wag lang akong mag-swimsuit, but sobrang honor yun on my part so bakit naman hindi?"

Won’t Last A day Without You is the second movie of the Sarah Geronimo-Gerald Anderson tandem. Ayon sa singer-actress, mas kumportable na siya ngayon sa aktor.

"Mas masaya, mas enjoy, mas kumportable, I believe nag-improve yung chemistry namin onscreen and yung friendship din namin so masaya kami sa set. Kasi nung nagtrabaho kami sa Catch Me I’m in Love... medyo nagkakahiyaan pa, nagkakailangan. Pero i


Sa dalawang magkasunod na taon, kinoronahang Box Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation si Sarah Geronimo dahil sa tagumpay ng pelikulang pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz.

Ito ang mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life.

Hindi man tinanghal na Box Office Queen para sa taong 2010, tumabo din sa takilya ang Catch Me I’m in love, ang pelikulang pinagtambalan ni Sarah at ni Gerald Anderson.

The success of the movie proved that Sarah is a bankable star.

Pero kung ang pagbabasehan daw ay ang mahigit na 250 million pesos na kinita ng No Other Woman, hindi na raw solo ni Sarah at Toni Gonzaga ang korona.

Kasama na nila sina Anne Curtis at Cristine Reyes sa pagiging reyna sa takilya.

Ayon sa Pop Princess, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon, masaya daw siya para kay Anne at Cristine na ngayon ay itinuturing na rin niyang kaibigan.

"Ay, oo naman, much deserved naman nila yun, sina Ms. Anne Curtis at si Ms. Cristine Reyes, para maging Box Office Queens.

"Ako, kumbaga bonus na lang ni Lord yun na naging Box Office Queen ako.

"Di naman talaga inisip o inakala na tatanggapin ng tao yung tandem namin ni John Lloyd and Gerald so walang kaso sa akin yun.

"Of course I’m very happy for Cristine. Di ko pa napapanood ang No Other Woman pero siyempre papanoorin natin yun.

"I heard na talagang maganda ang pelikula."

Cristine’s current boyfriend, Rayver Cruz, and Sarah were together for a year, but kept the relationship secret as Sarah was not allowed to entertain suitors by her parents.

Eventually, Rayver chose Cristine over Sarah and had broken her heart.

We asked Sarah if she would be willing to work with Cristine in the future.

"Wag lang akong mag-swimsuit, but sobrang honor yun on my part so bakit naman hindi?" ang sagot ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TAKE TWO. Won’t Last A day Without You ay ang pangalawang pagtatambal ni Gerald at Sarah.

Ayon sa singer-actress, mas kumportable na siya ngayon sa aktor.

Kapansin-pansin na hindi na naiilang si Sarah na hawakan si Gerald sa presscon ng pelikula nila.

"Mas masaya, mas enjoy, mas kumportable, I believe nag-improve yung chemistry namin onscreen and yung friendship din namin so masaya kami sa set.

"Kasi nung nagtrabaho kami sa Catch Me I’m in Love... medyo nagkakahiyaan pa, nagkakailangan.

"Pero itong Won’t Last a Day Without You, nagkaroon kami ng time na makilala ang bawa’t isa, makapag-usap.

"Na-discover ko sa kanya ang isang katangiang hinahangaan ko—yung pagiging malapit sa family.

"Kasi bihira mo na yun makita sa mga artista so nakakatuwa.

"Dun sa pahawak-hawak... ganun talaga ako pag kumportable na ako sa isang tao.

"Medyo kasi naging ganun na ako kay Gerald [kasi] kumportable na ako sa kanya at nagbibiruan na kami sa set."

JOEY DE LEON. This is Sarah’s first time to work with Joey de Leon who plays her father in the movie.

Natuwa ang singer sa sinabi ni Joey sa interview sa Startalk—na si Sarah raw ang isa sa pinakagusto niyang artista sa showbiz.

"Nung nabasa ko sa script at sinabi nila na gusto nga nila si Tito Joey, talagang natuwa ako at sabi ko sana matuloy talaga.

"Kasi yun nga, mayroon siyang regular show na Eat Bulaga! Medyo hindi na rin kami masyadong umasa pero fortunately, napapayag naman siya ng Star so I’m very happy na naging bahagi siya ng movie.

"Napakasaya niyang katrabaho, nakaka-enjoy.

"Very approachable siya, palabiro, yung relationship niya sa buong production team, nakakatuwa.

"Gusto niya ako as an artist? Wow!

"Nakakataba naman ng puso ang mga ganung papuri pero salamat kay Tito Joey kasi na-a-appreciate niya pala yung ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya napanood na niya yung mga pelikula ko in the past [katulad ng] A Very Special Love.

"Pati raw yung kay Gerald napanood niya so nakakatuwa.

PRESSURE TO DO BETTER. Aminado si Sarah na matindi ang pressure na nararamdaman niya dito sa second movie nila ni Gerald.

"May pressure talaga lalo na nung umpisa. Originally ang playdate namin is November 26 then na-move ng 23—kasabay namin ang Twilight: Breaking Dawn and Happy Feet 2.

"Sobrang [naging] box office [hit] ang No Other Woman and Praybeyt Benjamin so ang anticipation ng tao, sana mapantayan namin ang mga pelikulang ito.

"We’re very glad na na-move sa November 30 ang playdate ng Won’t Last a Day Without You para mas mahabang promo and preparation."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN