PART 2. Sharon Cuneta on KC Concepcion and Piolo Pascual breakup: "Napakabuti ng puso ng anak ko. In spite of everything, nandun pa sa kanya yung malasakit sa ibang tao."

Sharon Cuneta (main picture) doesn’t blame her daughter KC Concepcion (inset) for going public about her breakup with Piolo Pascual.

"Hindi maiwasan yung lumalabas ngayon si KC. Di ba medyo may interview siya na lumalabas na umiiyak daw yung anak ko? Hindi maiwasan na gano’n kasi...from the beginning in-involve nila yung mga tao nung inamin niya [Piolo], di ba?" says the Megastar.


Sa Part 2 ng tell-all interview ni Cristy Fermin kay Sharon Cuneta sa Paparazzi Showbiz Exposed kanina, November 27, kasunod namang inusisa ang tungkol sa kanyang mga anak.

Sagot ni Sharon, "Si Miguel ay best friend niya si Frankie. Love niya yung mga ate niya.

"Si Miel, kasi mas malapit sa edad niya, pero dahil malapit, sila rin yung laging medyo may banggaan.

"Parehong bunso...Si Miel, mama’s girl, so pag lumalapit na, dapat nakadikit siya sa akin," sabay tawa ni Sharon.

FRANKIE, MIEL AND MIGUEL. So may kumpetisyon kaya sa kanyang dalawang bulilit?

Sagot niya, "Super! Pero very loving pa rin si Miel towards [Miguel] at mahal niya si Miel.

"Tapos si KC pag dumadalaw, nagpapasikat siya...tatakbo siya yayakap siya talagang ganyan.

"Tapos kung anu-anong lahat ng alam niyang gawin, ipapakita niya.

"Pasikat. Performer. Nakakatuwa. Ang talino, Diyos ko!"

Sinikap daw ni Sharon na lumaki ang mga anak nila ni Senator Francis Pangilinan na walang yabang sa katawan.

Paliwanag ni Sharon, "Minsan pag sa, ’I am the daughter of ganyan,’ kasi inosente, sinasabihan ko, ’That’s not nice! Don’t say that!’

"Yung mga ganon...Siguro hindi pa nila alam na kasi, nasa showbiz ka, medyo kilala ka.

"Ang feeling nila basta lumabas sa TV mommy ko...proud [sila].

"Di nila alam yung ibang trabaho mo. Pero, ano, ayoko lang nung mayabang so lagi kong pinapaalala.

"Iba yung confident, iba yung conceited," paliwanag ni Sharon.

KC CONCEPCION AND PIOLO PASCUAL. Inusisa rin ni Cristy ang saloobin niya bilang isang ina sa malaking kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak niyang si KC Concepcion—ang balitang hiwalay na ito sa boyfriend na si Piolo Pascual.

(In a taped intervew aired on The Buzz on ABS-CBN later this afternoon, KC admitted that she has broken up with Piolo.)

Ano kaya ang masasabi niya bilang nanay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Mega, "Ako, ’Nay, ganito lang, hindi ako yung tipong maninira ng kapwa kahit masama loob ko.

"I respect na kung ano man yung pinagsamahan nila, bahagi ng buhay yan ng anak ko, e.

"I respect anybody that works hard, and he has worked hard for his name.

"Ang akin is, they’re adults, they got into a relationship and pareho namang...

"Kumbaga yung anak ko naman, hindi naman yan bulag na pumasok na lang.

"Hindi maiwasan yun because they lived the relationship out in the public.

"Hindi maiwasan yung lumalabas ngayon si KC. Di ba medyo may interview siya na lumalabas na umiiyak daw yung anak ko?

"Hindi maiwasan na ganon kasi...from the beginning in-involve nila yung mga tao nung inamin niya [Piolo], di ba?

"Hindi naman pwedeng, e, kasi gano’n, tapos.

"Parang imposible namang hindi masakit, so pagbigyan na lang siguro na merong mga feelings na ganon at hindi maiiwasang lalabas," ang sabi ni Sharon.

"Pero napakabuti ng puso ng anak ko.

"In spite of everything, nandun pa sa kanya yung malasakit sa ibang tao.

"Yung nais niyang magprotekta pa rin kasi nga they had something.

"So, ako, I respect that.

"Hinihingi ko lang na respetuhin din nila yung anak ko."

THE TRUTH WILL OUT. Sunod na tanong ni Cristy: "Pero yung mga kuwento-kuwento tungkol kay Piolo Pascual.

"Hindi ko hinihingi na magsalita ka. Hindi ko rin hinihingi na mag-opinyon ka.

"Pero I’m sure bilang isang Sharon Cuneta, miyembro ka ng isang maliit na mundo ng showbiz, alam mo yung mga kuwento tungkol sa kanyang seksuwalidad.

"Yung kuwestiyon tungkol sa kanyang kasarian."

Dito humahalakhak nang husto ang Megastar.

Pero bawi niya, "’Nay, wag na natin yang pag-usapan, ikaw naman, I’m afraid of you!"

Tinanong pa ni Cristy, "Hindi ko nga ikaw hihingan ng opinyon, pero alam mo yun, I’m sure."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Shawie, "Marami ka namang maririnig. Like I said, ang hirap namang pumatol sa lahat ng tsismis, di ba?"

Dito na tinapos ng Paparazzi Showbiz Exposed ang interview sa Megastar.

Sa huli, may pahabol pa ring mensahe si Sharon, "Maraming salamat sa inyong lahat.

"Because we are now with the Happy Network, on TV5, please look forward to many surprises from my end...marami kaming ibibigay sa inyo.

"I promise to come up with the best that I can for you starting next year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN