Mo Twister on decision to hibernate in New York: "Hindi ako battle-tested. I had a hard time dealing with my losses."

"Parang yung mga pinagdaanan ko this year has been something...I hope no one has to go through," says Mo Twister.


Desidido na si Mo Twister na lisanin ang Pilipinas at iwan na ang kanyang showbiz career.

Una niyang inihayag ang balak niyang ito sa late-night showbiz talk show ng TV5, ang Juicy, noong Nobyembre 22. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ginawa niya ang kanyang pormal na pamamaalam sa Sunday showbiz talk show ng TV, ang Paparazzi Showbiz Exposed, kahapon, Nobyembre 27.

SIMPLE GOODBYE. Sa opening pa lang ng Paparazzi—kasama ang co-hosts niyang sina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, at Zoren Legaspi—kaagad na nagpahiwatig si Mo tungkol sa kanyang pamamaalam sa ginawa niyang pagbati sa viewers.

Ayon kay Mo, "Good afternoon Paparazzi people! For the last time I’ll say that sa inyong lahat.

"Ngayon pa lang nagsisimula na akong i-miss kayong lahat.

"Of course, Dolly [Anne Carvajal] is not here, maybe I’ll call her na lang.

"Basta let’s make this episode special para sa ating lahat.

"Ayoko ng mga fireworks o pasabog o any negative vibes.

"Gusto ko simple goodbye na lang."

Tanong ni Cristy kay Mo: "Ano ito, galing sa puso mo, gagawin mo talaga? Mawawala ka rito at tatalikuran mo ang industriya?"

Sagot ni Mo, "I’ll be honest. Nababasa n’yo naman sa Twitter ko kung pina-follow n’yo ako at sa mga press na nagtatanong sa akin.

"Yeah, this is it. This is my final few days dito sa Pilipinas.

"Ako ay magha-hibernate sa ibang bansa mag-isa."

Napag-alaman naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula mismo kay Mo na sa Miyerkules, Nobyembre 30, siya naka-schedule umalis patungong Amerika.

Kung sakaling maurong daw ito dahil sa ilang commitments pa niya na kailangang tapusin, sigurado pa ring ngayong linggo siya aalis.

WILL STAY IN NEW YORK. Sa New York nga piniling manirahan ni Mo, kahit aniya ay wala siyang kakilala roon.

Tanong naman ni Ruffa, bakit hindi raw sa Los Angeles kung saan naroon si Moira, ang may sakit niyang anak sa dating aktres na si Bunny Paras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Mo, "My daughter is there...But you know, I’ll be going to L.A. often. Siguro at least once a month para lang dalawin si Moira.

"But I thought with all that happened to me this year, very traumatic yung mga experiences ko, gusto ko na lang mag-isa na lang sa isang city na wala akong kilala."

Ayon sa mga co-hosts niya, si Mo raw kasi yung tipong kapag buo na ang desisyon ay may ugaling "I don’t care" na sa ibang bagay.

Kaya kahit maraming magagandang oportunidad ay handa niya itong talikuran.

Pero paglilinaw naman ni Mo, "I just want to say na it’s not that I don’t care, na wala akong pakialam sa mga tao na napakabait sa akin dito sa TV5, at nagbigay ng opportunities para magkaroon ako ng career sa TV.

"It’s more of this is a job.

"There’s money, there’s lot of money, but there’s something more important than money.

"There’s something more important than job—and that’s really the spirit, the life of a person."

Pero masaya naman siya sa TV5?

"Masaya ako dito sa TV5.

"Si Derek Ramsay, ’Pare, ang saya dito.’ Sam Milby, ’Kita tayo sa February!’

"Carmina [Villarroel], ’Binili ni Zoren yung TV ko,’" biro ni Mo.

Sina Derek, Sam, at Carmina ay nababalitang lilipat umano sa TV5.

Ngunit sa puntong ito, ito ang nalalaman ng PEP: Si Derek ang siyang maaaring maakit ng Kapatid network; si Sam ay papuntang Hollywood upang magbakasakali; at si Carmina ay mukhang kumikiling sa offer ng Kapamilya network.

Hirit ulit ni Mo, "Anyway, again, like I said, I just want this to be a simple goodbye, a happy goodbye.

"Sana yung mga intriga-intriga part na lang. We’ll just save it for another day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAPARAZZI CO-HOSTS TALK ABOUT MO. Simula pa lang ito ng "pasabog" ni Mo dahil, sa huling bahagi ng Paparazzi ,ay dito na inilahad ni Mo ang iba pang bagay na hindi niya nasasabi.

Ipinalabas muna ang VTR ng ilang memorable episodes ni Mo sa Paparazzi.

Ipinakita rito hindi lang ang kanyang galing sa paghu-host kundi pati kung bakit siya tinaguriang "Boy Laglag."

Ito ay dahil sa panlalaglag niya o pambubuko, hindi lang sa ibang celebrities, kundi maging sa co-hosts niya sa show, gaya ni Ruffa.

Nakasaad din sa VTR kung gaano mami-miss ng Paparazzi si Mo bilang isa sa original hosts nito.

Sumunod naman ay nagbigay ng kanilang pahayag ang mga co-hosts niya na naglalarawan kay Mo bilang katrabaho at kaibigan.

Ayon kay Ruffa, "Si Mo is so transparent. Malalaman mo kung masayang-masaya siya. Malalaman mo kung may dinadala siyang problema."

Sinang-ayunan naman ito ni Cristy. Aniya, "Totoo yun. Lalo na sa set namin sa Juicy, alam namin kapag puwede namin siyang lapitan at puwede siyang makisali sa aming biruan.

"Sabi ko naman, Ruffa, para sa akin, mas masarap ang isang relasyon na nauna munang naging magkaaway tapos naging magkaibigan."

Noon ay hindi talaga maganda ang pakitungo nina Mo at Cristy sa isa’t isa.

Tinitira kasi ni Mo si Cristy sa kanyang radio show at minsan pa ngang tinawag na "Shrek" ang co-host. Bumanat din naman si Cristy sa kanyang kolums at sa kanyang radio program.

Kuwento ni Cristy, "Ay, grabe ito! E, di kinumpronta ko.

"Alam mo naman ako. Sinugod ko talaga siya.

"Sabi ko sa kanya, ’Right under my nose, sabihin mo sa akin yung sinasabi mo sa radyo!’

"Sabi niya, ’No, no, no, may nagsabi lang sa iyo na ganito.’

"Kinabukasan, nakinig ako [sa radio program ni Mo, ang sabi], ’Oh, my God, yesterday I saw the Shrek!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba sutil, napakasutil niya noon!"

Nagbago raw ang lahat nang magkasama na sila bilang hosts ng Paparazzi.

Sabi ni Cristy, "Pero nung magkasama na kami, nung pictorial pa lang natin, nasa pintuan, hindi ko makalilimutan yung makasaysayang gabi na iyon.

"Kasi hindi ko alam kung paano siya haharapin. Siya rin naman siguro ilang sa akin.

"Nung pictorial, sa pintuan pa lang, nakaganun na siya."

Iminuwestra ni Cristy ang magkadikit na mga palad na tanda ng paghingi ng tawad.

Patuloy niya, "Alam mo naman ako, di ba? Kurutin mo ako, susuntukin kita.

"Mag-sorry ka sa akin kahit aks’yon lang, dadapa ako para tapakan mo pang muli."

Nagpasalamat naman si Mo sa tinuran ni Cristy. Ngayon daw ay magkaibigan na sila.

Sabi pa ni Cristy, "Oo at saka anak ko talaga siya. At mahal ko siya bilang anak-anakan."

ROUGH YEAR. Sumunod ay sinimulan na ni Ruffa ang pagtatanong kay Mo tungkol sa mga seryosong isyung kinsasangkutan nito.

Ayon kay Ruffa, "Ako, I’ve been in and out of the country, so medyo clueless ako sa mga nangyayari.

"Nagtaka ako kung sino yung mga pinaparinggan ni Mo sa Twitter, kung bakit siya aalis.

"Mo, can you please explain to everyone, including me, kung bakit naisip mong umalis papuntang ibang bansa?

"How long will you be there at bakit?"

"Sagot ni Mo, "Siguro I just a... yun nga, sabi mo I’m transparent.

"It’s been a very rough year for me.

"It’s just something na parang I thought I just needed to go na, kasi ang hirap na maging Mo every day dito sa Pilipinas."

Nilinaw naman ni Mo na rough year ito sa kanyang personal na buhay at hindi sa kanyang propesyon dahil marami raw magagandang opportunities na dumating sa kanya sa aspetong ito.

"Yeah, it’s been a rough year sa personal life ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang yung mga pinagdaanan ko this year has been something...I hope no one has to go through.

"I know paminsan-minsan may mga tao who have bigger problems than another person.

"But I hope that what I have to go through...[it has been] otherwise a very good life.

"My life is great. Nakita mo naman sa VTR masaya ako, di ba, last year?

"This year has been...I don’t know, I can’t explain it in words.

"I just need to go."

NOT BATTLE-TESTED. Paliwanag pa ni Mo, may mga bagay kasing hindi niya ine-expect na mangyari at aminado siyang nahirapan siyang harapin ang mga ito.

"I’m just saying I’m goal-oriented. Lahat ng mga gusto kong gawin sa buhay, ginagawa ko naman.

"Tapos may isang bagay na ayoko talagang mangyari, pero nangyari.

"Yun nga, hindi ako battle-tested.

"I had a hard time dealing with my losses.

"I just thought na maybe if I go away na lang for a little while...I don’t know, maybe a year, maybe two years...I don’t know.

"Tingnan natin kung mababalik ang saya na nakita n’yo sa akin dati."

Sa tingin niya ba makatutulong ang bagong environment, bansa, o ibang mga tao para ma-heal ang kanyang puso?

Saad ni Mo, "No, no. Because you don’t heal from these things.

"But sana naman, you know, for a change, [you want] to get out of these things.

"You know, I’ll tell you [and] everyone right now—I don’t lie, that’s not my thing.

"I’m not the type na magde-deny or anything like that.

"So, if you ask me why I’m leaving, I won’t tell you the answer, but I won’t lie.

"It’s a personal thing. Believe me na lang when I say it’s very hard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ito dahil sa babae.

"It’s just ang hirap siguro for one human being to accept some of the things that have come in my life," makahulugang sabi ni Mo.

Hindi dahil sa babae at hindi dahil sa work, so anong dahilan?

"I’d rather not talk about it," iwas ni Mo.

"Yun nga, sabi ko dito, kung maggu-goodbye ako, ayoko naman yung explosive, yung simple na lang [na] goodbye.

"Sana maintindihan n’yo na lang."

Bago raw tuluyang umalis ng bansa si Mo, hangad naman ni Cristy na magkaroon pa sila ng one-on-one, tell-all interview ni Mo.

THANK YOU & GOODBYE. Bago matapos ang show, nagpasalamat si Mo sa mga production staff at co-hosts niya sa Paparazzi.

Aniya, "Maraming salamat sa production group of this show. Sobrang bait sa akin.

"Grabe, paminsan-minsan lang po this year, I’ve not been a very easy person to deal with. So, I do apologize.

"I apologize to my co-hosts for giving restrictions to you on a personal basis. Pati lahat ng mga tao sa Juicy.

"Sinabi ko talaga, ’Do not ever talk about me. Do not talk about my life. Do not talk about people na na-link sa akin.’

"I gave you restrictions na hindi naman dapat, dahil dito sa type of show na ginagawa natin.

"But you guys respected that and I thank you very much.

"Kasi yun nga, hindi ko talaga kayang ikuwento kung ano ang nangyari sa akin and you guys were very respectful.

"I apologize."

Sa huli, eto ang naging pamamaalam ni Mo sa mga manonood ng Paparazzi:

"Goodbye na lang. Maraming salamat.

"They," he says pointing to his co-hosts, "will see you next Sunday.

"In the meantime, maraming salamat sa ating mga viewers, mga Kapatid, a million times.

"Thank you very much."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN