(PEP EXCLUSIVE) PART 1. Mo Twister refuses to say who he was referring to on his Twitter and Tumblr posts about abortion

Mo Twister on ex-girlfriend Rhian Ramos: "It’s true I love her very much. I really tried my best for this relationship to work. Until recently, you know, I found out a few things na parang ayoko namang...I don’t think any boyfriend would like to know about."


Maraming tanong pa rin ang hindi nasagot at maraming bagay pa rin ang hindi napag-usapan sa ginawang pamamaalam ni Mo Twister sa Paparazzi Showbiz Exposed kahapon, Nobyembre 27, kaugnay ng napipintong pag-alis niya sa Pilipinas at pag-iwan niya sa kanyang showbiz career.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman pagkatapos ng Paparazzi ay eksklusibong kinapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mo sa dressing room niya para sa higit pang paglilinaw sa mga isyung kinasasangkutan ng TV host, lalo na tungkol sa dati niyang girlfriend na si Rhian Ramos.

Gaano kahirap bago siya tuluyang nagdesisyon na iwan na ang Pilipinas?

Kahit kasi may mga kaibigan siya na nagpayo sa kanya na magpahinga na lang muna o magbakasyon ay itinuloy pa rin niya ang desisyon niya.

Sabi ni Mo, "You know, a lot of people think it’s just about the breakup [with Rhian].

"May mga nagsasabi, ’Nagkaroon ka naman ng maraming girlfriend before. Bakit ito, parang nabaliw ka na?’

"That’s the part I don’t appreciate very much.

"It’s true I love her very much. I really tried my best for this relationship to work.

"Until recently, you know, I found out a few things na parang ayoko namang...I don’t think any boyfriend would like to know about.

"I tried my best to be a very good boyfriend.

"And then, you know, when you get disappointed or when you get angry, you get frustrated sa mga bagay na nangyayari.

"Instead of staying here and fighting, instead of staying here, I’ll just leave."

LIFE IN NEW YORK. Aalis patungong New York si Mo sa Miyerkules, Nobyembre 30.

Kung sakaling maurong daw ito dahil sa ilang commitments pa niya na kailangan niyang tapusin, sigurado pa ring ngayong linggo raw siya aalis.

Paano siya mamumuhay sa New York? May nabili ba siyang bahay doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, nagre-rent lang ako ng maliit na apartment," sagot ni Mo.

Bukod daw sa apartment, nagrenta rin siya ng maliit na studio kung saan puwede niyang gawin ang kanyang radio at podcast shows.

Ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang ibang trabaho niya maliban nga lang sa telebisyon.

"Yeah, no more of this type of setup [showbiz talk show on TV] and maybe no more showbiz for a while."

Para nga raw sa bagong buhay na kakaharapin niya sa ibang bansa ay ibinebenta na ni Mo ang kanyang mga gamit sa bahay, pati ang mga kotse niya.

Ang co-host nga niya sa Paparazzi na si Zoren Legaspi ang nakabili ng kanyang 55-inch LED TV with speakers.

Pawang mga kaibigan niya rin ang bumili ng iba pa niyang mga gamit.

Pahayag ni Mo, "I’m just selling everything kasi alam ko mahirap ang buhay sa labas pag hindi ka ready.

"At puwede kong sabihin sa iyo na hindi ako ready ngayon.

"I’m not ready for this, I’m scared to leave.

"Wala akong madaming trabaho doon katulad dito. Wala akong kaibigan doon.

"Medyo natatakot lang ako sa New York kasi malaking city."

Pero saan siya humuhugot ng tapang para ituloy ang desisyon niya?

"I can’t stay here anymore.

"With the values I have...hindi ko naman sinasabing maka-Diyos ako nang todo, but may iba pang importanteng bagay para sa akin."

OKAY WITH TV5 MANAGEMENT. Nagpaalam ba siya sa TV5 tungkol sa kanyang desisyon?

"Yeah, they gave me their blessing.

"Naiintindihan nila...they understand naman kung ano ang pinagdadaanan ko.

"Very supportive sila all the way from Sir MVP [Manny V. Pangilinan, TV5 big boss] nung malaman niya yung nangyari sa akin.

"Sabi niya, ’Very supportive ako sa iyo. Kung ano ang kailangan mo magsabi ka lang.’

"Everyone is very understanding, kahit sina Sir Ray [Espinosa, TV5 president], Perci [Intalan, Vice President for Creative and Entertainment Production]..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw naman ni Mo, hindi network contract ang pinirmahan niya sa TV5 kundi per show contract lang.

Hindi niya ba mami-miss ang showbiz?

"I don’t know," sambit niya.

"It’s hard to put a blame kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nangyari ito.

"Paminsan-minsan siyempre bini-blame ko yung sarili ko, bini-blame ko yung ibang tao, showbiz also.

"But I want to make it clear na I’m not blaming the industry, but the pressures in the industry kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito.

"Hindi naman ako galit sa showbiz.

"I’ve been here for a very long time. Very thankful ako sa mga opportunities.

"But at the same time, when you hurt like I hurt, you will understand why some people say it’s because of what’s in the industry, parang ganun."

CONTROVERSIAL TWITTER & TUMBLR POSTS. Ano ang reaksyon niya sa muling pagiging hot issue niya matapos ang mga controversial Twitter at Tumblr posts niya na ang iba ay may kinalaman kay Rhian?

Sagot ni Mo: "The one thing I don’t do is lie.

"I mean, paminsan-minsan nagagamit mo yung Twitter para i-air yung side mo.

"Kasi yung kabilang side, ine-air nila sa press.

"E, wala naman akong press, so yung Twitter ko is my press...Except for you guys that I’m seeing.

"You know, some of the things that have been said in these articles are so grossly inaccurate. Sobrang lie.

"Siguro I’ll challenge you pa, catch me lying. You’ll not see me lying.

"Kahit may reputation ako paminsan-minsan na tactless, matapang, etcetera, but you’ll not see me lying."

Noong nag-break sila ni Rhian, marami rin siyang ipinost sa Twitter na sensitibong bagay. Inamin niya na nagsisi siya kung bakit niya ginawa ito.

Pero bakit ngayon ay inuulit niyang gawin ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, it’s because I guess I’m tired of reading things about myself that are not true.

"I’m sick and tired of swallowing what they are feeding para lang sa isang tao na mahal ko, parang ganun.

"After a while, we’ve been through so much, and so much has been taken away that I just like to leave na, parang ganun."

ABORTION ISSUE. Sa recent Twitter at Tumblr posts niya, ang pinakapinag-usapan ay ang tungkol sa abortion na tila may pinatutungkulang tao.

Si Rhian ba ang tinutukoy niya rito?

"You know, just ask Rhian na lang.

"Because I’ve chosen not to talk about Rhian—both legally and whatever," sagot ni Mo.

Pero tila ayaw rin namang pag-usapan ni Rhian ang tungkol dito. Paano malalaman ng mga tao ang katotohanan?

Ani Mo, "Yeah, it’s her choice to talk about it if she wants to.

"I’m not pertaining to her specifically naman."

Hindi maiwasang i-assume ng mga tao na may kinalaman kay Rhian ang mga mensahe na yun dahil ang aktres nga ang huling babaeng nakarelasyon niya.

Ano ang masasabi niya rito?

"Then ask Rhian to clear it up.

"In the end naman, if yung issue is akala n’yo si Rhian yung parang tinutukoy ko, e, di itanong mo na lang sa kanya.

"I just want to say I’m tired of being lied about."

CLICK HERE to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN