(PEP EXCLUSIVE) PART 2. Mo Twister on Rhian Ramos’s "inaccurate statements": "I’m not angry because I understand it’s all done for the career."

Mo Twister on his decision to leave showbiz: "There are just some things that happened in the past. You know, recently, parang feeling ko... there’s just a lot of betrayal maybe. A lot of things that had happened that I got hurt by...not naman of Rhian per se, but by a lot of things. It’s just that it came to a point na hindi ko na kaya talaga. I’d rather leave. At least when I leave, wala nang magtatanong sa akin kung ano ang nangyari


Sa exclusive interview kay Rhian Ramos na nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 26, inamin niya na totoong bumisita siya sa ospital noong magkasakit si Mo Twsiter dahil concerned daw siya sa dating nobyo. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Mo rito?

"Well, I appreciate her concern," simpleng sagot ni Mo.

Nang matanong naman si Rhian kung paano niya ide-describe ang relationship nila ni Mo ngayon, sabi ng Kapuso actress: "Wala, I don’t know. We’re not even friends nga. Kasi hindi rin kami nag-uusap, e. Nag-uusap kami if necessary, ganun."

Ano ang comment ni Mo rito?

Saad ng radio-TV host; "Well, we’ve been very close until recently.

"But in the past few weeks, medyo na-strain na yung relationship namin...

"It’s also very difficult to say na hindi kami nagte-text-an, hindi kami nag-uusap.

"Alam ko naman, hindi ako yung gusto ng mga tao para kay Rhian, yung mga fans, network, family.

"But I understood kung bakit ganun."

Tungkol naman sa controversial Twitter posts ni Mo, sabi ni Rhian ayaw na raw niyang seryosohin ang mga ito.

Ani Rhian: "I don’t want to take it too seriously kasi I just want to understand... parang I’ve learned na rin to understand people and the kind of people they are. Parang ganun na lang na ayoko na lang ma-disappoint kasi iniintindi ko na lang kung anong klaseng tao siya."

Ano ang reaksiyon ni Mo rito?

"I understand that," sagot niya.

"But I’ll tell you one thing—that I don’t lie. Yung mga pinagdaanan ko here.

"I love Rhian very much and I tried doing everything na mabuti para sa career niya.

"Kasi kay Rhian, ang pinakaimportante, yung career. It’s the number one thing.

"So, as much as possible, I tried to protect it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto niyang protektahan si Rhian, pero hindi ba’t makakasama kay Rhian ang paglabas ng "abortion" issue, lalo na’t sari-saring blind items na rin ang lumabas tungkol dito?

"Well, that’s not me na naglabas nung blind items. I didn’t say naman na it was Rhian," paglilinaw ni Mo.

Kung hindi si Rhian, may ibang babae ba siyang pinapatungkulan dito?

"I don’t want to say it’s anyone," sagot ni Mo.

Sabi naman ni Rhian tungkol sa posibilidad na maging magkaibigan sila ni Mo pagtagal-tagal: "I don’t know. I was open to it in my brain before. Pero parang these days, it’s hard to picture. Parang hindi ko ma-picture."

Ano ang masasabi ni Mo rito?

"Well, if that’s Rhian’s answer, I might as well respect it na lang.

"I think we all have a reputation here sa industriya kung sinong masamang tao, kung sinong mabait, kung sino yung sinungaling, sino yung nagde-deny, sino yung nag-aamin, sino yung Boy Laglag.

"We all have reputations to deal with.

"And I think there will come a time na yung reputation ko, ’O, tingnan mo si Mo, ganyan kasi ang ugali niya, e.’

"But I’ll tell you honestly, I don’t lie.

"Maybe I won’t give you the truth. But I won’t twist it."

FEELING BETRAYED? Labis daw nasasaktan si Mo sa mga nangyayari.

Aniya, "There are just some things that happened in the past.

"You know, recently, parang feeling ko...there’s just a lot of betrayal maybe.

"A lot of things that had happened that I got hurt...not naman [by] Rhian per se, but by a lot of things.

"It’s just that it came to a point na hindi ko na kaya talaga. I’d rather leave.

"At least when I leave, wala nang magtatanong sa akin kung ano ang nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya sa Paparazzi, hindi babae ang dahilan ng pag-alis niya.

Puwede niya bang ipaliwanag ito?

"It’s a bigger issue that I’m having a hard time dealing with. Basta I’m tired of being lied about."

Ibig niya bang sabihin, nagsisinungaling si Rhian sa interviews nito?

"She’s gonna answer what she needs to answer.

"Kung sinabi niya na bumisita raw siya sa ospital dahil nabanggit daw sa Twitter ng followers niya na nandun ako, if that’s her answer, that’s her answer.

"So, parang kung ’yan ang sagot ni Rhian, ano ang magagawa ko?" saad ni Mo.

PEP POLL. May isinasagawang poll ang PEP kung saan sa tanong na "Ano ang reaksyon mo sa pagtu-Tweet ni Mo Twister ng mga sensitibong bagay sa Twitter page niya?" ay puwedeng mamili ang readers o Pepsters sa mga sagot na:

"Nakakainis na," "It’s his right," at "I don’t follow his Twitter."

Sa huling tala, lumalamang ang "It’s his right."

Ibig sabihin, tila mas marami ang nakikisimpatiya kay Mo.

Ano ang reaksiyon ni Mo rito?

Aniya, "Well, it’s my right to feel the way I want to feel about anything.

"I know that I’m not a well-liked person, but at the same time, I do appreciate when someone says na, ’Mo, you can go and we will support you.’ That’s nice to know.

"Maybe one day you’ll find out what happened to me. Maybe one day you won’t.

"I just know na hindi manggagaling sa akin.

"Or if ever may manggagaling sa akin, siguro dahil I’ll just react in case someone on the other side [Rhian’s camp] says something.

"But when it comes to this, I just need to go away. I don’t want to talk about it anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang yung frustration, yung sakit, hindi mawawala yun pag nasa abroad ako.

"But at least kahit papaano, hindi ko makikita yung dahilan ba’t nangyari ito."

Ano naman ang masasabi niya sa side ng mga naiinis sa kanya?

"I understand.

"Kasi siyempre, hindi ako yung tipo ng lalaki na silent.

"The nature of my job is parang maging tsismoso.

"It’s difficult to [see things] in a positive light pag ganyan ang trabaho mo.

"But you know, for the people na naiinis sa akin, maybe one day you’ll find out why I’m like this.

"I know that not everyone will like somebody.

"But at the same time, if you can find one thing to like about me, it’s: I still fight for what I believe in.

"I know what’s right and wrong.

"And when something is wrong, I’m not gonna stand for it."

PARTING MESSAGES. May mensahe si Mo para sa kanyang supporters:

"Thank you.

"I’ll try my best to come back and spend time with you guys every now and then.

"I ask them if this really gets ugly, try to understand and have an open mind kung bakit I feel this bad.

"I ask people who support me to be smart.

"A lot of what you see is heavy network machinery with the ability to spin stories, the ability to protect assets and interests.

"In this world, you have powerful enemies sometimes, not just one person but it’s a whole group of people."

May mensahe rin si Mo para kay Rhian:

"I loved you very much for a long time.

"I tried so hard to do whatever it took me to make you happy and to get your career going well.

"I’m not perfect but I tried to love you perfectly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There are times when my own morals have been tested.

"Even though it’s been rough, kahit masakit, kahit hindi ako agree or whatever, it is my love for Rhian that makes me agree to whatever needs to be agreed upon.

"I’m happy for her and her career, kasi this is really what she wanted—whatever it takes to get here.

"I’m happy for her and I know she has a movie [The Road] and I heard she did very well.

"I’m not angry naman at her for some of the inaccurate statements na ’hindi tayo friends’ or whatever.

"I’m not angry because I understand it’s all done for the career.

"I hope people don’t judge her so much on the things that she said."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN