Joey de Leon visits The Buzz for an interview with former Eat Bulaga! co-host Toni Gonzaga

Toni Gonzaga to Joey de Leon: "Alam n’yo po, every time na magkakaroon ako ng award, like Best Female TV Host, palagi kong iniisip na hindi ko naman matututuhan ang lahat ng natutunan ko sa hosting, kung hindi ko yun na-witness firsthand sa ’yo. Alam n’yo, mabibilang ko ho ang sarili ko sa isa sa masuwerte sa henerasyon na ito na nakatrabaho ang isang Joey de Leon, dahil iba."


"Never in my wildest dreams na inakala [kong] mangyayari ang araw na ito. Live na live! It’s my first time na ma-experience ito. Let’s give our grand welcome para sa nag-iisang Joey de Leon!"

Ito ang buong-ningning at ma-emosyunal na introduction ni Toni Gonzaga sa dating kasamahan sa Eat Bulaga! na si Joey de Leon.

Nag-live guest appearance si Joey sa The Buzz kahapon, November 27.

Ito ang unang pagkakataon na nag-guest sa The Buzz ang J sa pamosong TVJ—Tito Vic & Joey—ng Eat Bulaga!

Pero nauna na siyang nag-guest sa isa pang programa ng ABS-CBN, ang Kris TV ni Kris Aquino, noong nakaraang linggo.

Ito ay kaugnay ng promotion para sa pelikulang Won’t Last A Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.

Ginagampanan ni Joey rito ang papel na ama ni Sarah Geronimo.

CLEARING THE AIR. Pagpasok pa lang ni Joey sa gitna ng palakpakan at sigawan ng mga tao sa loob ng studio, nakangiting nagpasakalye na ito: "Anong kaguluhan ito?"

Pagkatapos ay iniabot niya kay Toni ang isang bag, sabay birong, "May dala akong Hermes sa ’yo."

Ang laman pala ng bag ay ang commemorative book ng Eat Bulaga!, ang noontime show ng GMA-7 na dating kinabibilangan ni Toni.

Pagbukas ni Toni ng libro, nakita nito sa inside front cover ang isang pirmadong message para sa kanya.

At sa pinabuksan na page ni Joey kay Toni, nandoon ang picture ni Toni kasama ang buong Dabarkads ng Eat Bulaga!.

Hindi napigilan ni Toni ang mapaiyak pagkakita sa picture niya.

Biro naman ni Joey sa kanya, "O, bakit umiiyak ka?"

Sa pagitan ng pag-iyak, sinagot ito ni Toni ng: "E, kasi galit ka sa akin...Hindi ka na galit sa akin?"

Sagot ni Joey, "Hindi, hindi ako galit sa ’yo. Hindi lang nagkaintidihan.

"Hindi ako galit sa ’yo noon. Binibiro lang kita, lumaki lang nang lumaki."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Toni, "Binibiro n’yo lang ako noon? Dinamdam ko yun ng isang taon kasi akala ko galit ka. Pero hindi naman pala."

Hirit ni Joey, "Tingnan mo, umalis ka, umasenso ka.

"Alam mo minsan, may mga bagay na gagawin ka na may mas mabuti palang mangyayari para sa atin.

"Kung hindi ka lumayas sa Eat Bulaga!, baka EB Babes ka na!"

Natawa si Toni sa banggit ng EB Babes, ang grupo ng back-up dancers ng Eat Bulaga!

Pero lalo pang natawa ang dalaga sa sumunod na biro ni Joey: "Ngayon naman, napapanood pa rin kita...Wowowee!"

Sabi ni Toni: "Wala ako sa Wowowee. Iba yun.

Biro ulit ni Joey, na may kasama pang pagtaas ng kamay: "Magandang Gabi, Bayan!"

Sagot naman ni Toni: "Wala ako sa Magandang Gabi, Bayan. Tingnan n’yo, hindi n’yo na alam.

"Sa dami ng tinapatan n’yo, hindi n’yo na alam kung sino ang katapat n’yo."

Hirit naman ni Joey, na title daw ngayon ng show ni Toni: "A, Happy birthday to you!"

Pero sa huli ay itinama rin nito at binanggit ang show ni Toni na katapat ng Eat Bulaga!—ang Happy Yipee Yehey!

LEARNING FROM THE BEST. Seryoso namang pahayag si Toni, "Alam n’yo po, every time na magkakaroon ako ng award, like Best Female TV Host, palagi kong iniisip na hindi ko naman matututuhan ang lahat ng natutunan ko sa hosting kung hindi ko yun na-witness firsthand sa ’yo.

"Alam n’yo, mabibilang ko ho ang sarili ko sa isa sa masuwerte sa henerasyon na ito na nakatrabaho ang isang Joey de Leon, dahil iba."

Sabi naman ni Joey, "Hindi mo rin alam...alam n’yo ho, si Toni Gonzaga, bukod sa magaling na mag-host ito, ibang klase yung sexy nito. Ibang klase.

"Narinig mo na bang sinabi sa ’yo ’yan?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Toni, wala pa raw nagsasabi sa kanya ng ganoon.

Kaya sabi ni Joey, "Ibang klase ang dating nito. Kaya lang nirerespeto namin.

"Wala pa noon si Direk [Paul Soriano] ha. Baby namin ’to."

Masayang kuwento naman ni Toni, "Oo, naaalala ko, palagi mong sinasabi, ’Huwag kang magbo-boyfriend, ha. Huwag kang magbo-boyfriend sa showbiz.’

"Oo nga, hindi ako nag-boyfriend sa showbiz.

"Director lang. Hindi on-cam.

"Kasi, sinabi mo ’yan sa akin."

REMINISCING. Ayon kay Toni, nakakapanibago na makita sa ABS-CBN compound si Joey.

Naaalala pa raw niya noon na ikinukuwento ng veteran TV host-comedian sa kanya yung mga panahong nakapagtrabaho siya sa ABS-CBN.

Limang taon daw nagtrabaho noon si Joey sa radio station ng ABS-CBN.

Kuwento pa ni Joey, "Ako lang, ipinagmamalaki ko nga ’yan sa ABS.

"May pangalan nga ako sa pader do’n, ewan ko kung nandiyan pa yun.

"Ako lang ang nakaupo sa seven [radio] stations.

"Kasi, kaya naman ako ang nakaupo, dahil hindi ako magaling.

"Ang ABS, ginawa kong bahay. Dito ako natutulog. Totoo yun, partly true.

"Ako lang ang nakaupo, seven ’yan. Naupuan ko lahat.

"Utility ako, e. Utility-announcer ako."

Tila pabulong pang kuwento ni Joey kay Toni, "Alam mo kung magkano ang suweldo ko rito noon?

"Inabutan ko pa ang lolo ni Gabby, Boss Gabby [Lopez], 200 pesos a month. 1968, e."

Tinanong naman ni Toni kung ilang taon si Joey noon.

"Three months," natatawang biro nito.

Sabi naman ni Toni: "Baby? Nagtatrabaho agad!"

Natatawang hirit ni Joey: "Huwag mo nang itanong, matanda na, e."

Dugtong pa niya, "Alam mo ba na may itinago akong bato ng ABS? Memorabilia nga. Sayang pala...sana nadala ko."

KING OF ALL MEDIA. Ayon kay Toni, hindi lang radio stations ang naikot ni Joey kundi maging TV stations din.

Kuwento naman ni Joey, "Nag-co-host ako kay Vilma [Santos], ako ang first co-host noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Alma Moreno, si Maricel [Soriano]...yung pagbalik ng Channel 2, si Sharon [Cuneta].

"Si Nora Aunor nga lang ang ano, dahil katapat namin ni Sharon."

Sabi ni Toni, si Joey raw ang dapat tawaging "King of All Media."

Sagot ni Joey, "Hindi, ayoko no’n."

Pero ayon na rin sa komedyante, "Alam mo kung ilang shows na ang nagawa ko?

"More or less today, mga 60 TV shows. Lahat na ng channels."

Diretsuhan din nitong sinabi kay Toni: "Ikaw, ikaw ang Joey de Leon na babae."

Halatang natuwa si Toni sa tinuran sa kanya ni Joey.

Sabi ni Toni, "Kasi nga, idol kita! Palaging sinasabi ni Daddy, ’Tingnan mo si Joey de Leon, hanggang ngayon, hindi tumitigil.’"

Ayon naman kay Joey, "Kaya yung sinabi mong nagalit ako—alam mo naman ang magnanakaw, galit sa kapwa magnanakaw!"

Tinawag din ni Toni si Joey na "icon," pero hindi ito tinanggap ni Joey at sinabing nakakapangilabot daw.

Mas gusto raw ni Joey na maging "ara."

Hindi agad nakuha ni Toni ang joke ni Joey na kaya ayaw niya ng "icon" ay dahil nahihiwalay sa asawa.

Kinonek ito ni Joey kina Aiko Melendez at Ara Mina na parehong nagkaroon ng kaugnayan kay Jomari Yllana.

Nang makuha ni Toni ang joke niya, hiniritan ito ni Joey na ang tagal niya maka-pickup kaya binabawi na raw niya rito ang bansag na siya ang babaeng Joey.

Natatawang sabi naman ni Toni, "E, kasi, ang tagal kong nawalay sa ’yo, bumagal na.

"Alam n’yo dati, nakakatuwa, naaalala ko sa Eat Bulaga!, kapag isasalang ako at hindi ako makakasagot sa ’yo, palagi akong pinapagalitan ni Tito Jimmy [Santos].

"Sasabihin niya sa akin, ’Hindi ka na naman nakasagot kay Joey.

"Mali ka. Dapat naghahanda ka kay Joey de Leon.’

"Ako naman, ’Oo nga.’"

Biro ni Joey, "Ang nakakatawa, mas natawa ako, si Jimmy ang nagsalita!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Toni, "Pero nakakatuwa kasi pinapagalitan niya talaga ako kapag hindi ako nakakasagot sa ’yo.

"Kaya nga isa yun sa natutunan ko, Tito Joey, at palagi mong itinuturo sa amin, na basta lumabas ka sa harap ng camera, kahit anong ibato sa ’yo, kailangan kaya mong gawin."

Ayon naman kay Joey, "Dapat alert. Baka may nakikinig na iba, dapat kapag nagho-host kayo, nakikinig kayo sa co-host n’yo.

"Yung iba kasi, ang iniintindi, ’Maganda ba ako sa TV?’

"Kailangan makikinig ka dahil mawawala ka sa takbo ng usapan."

Tanong naman ni Toni, ito ba ang ina-apply ni Joey sa samahan ng Tito, Vic, Joey?

Natatawang sagot ni Joey: "Naku, ang laki ng pagtitiis ko sa dalawang yun!"

Bawi niya, "Biro lang...ano na kaming tatlo, e, kumbaga, tinginan lang. Hindi na kailangang mag-usap."

Pero sino ang pinaka-close niya sa dalawa?

"Yung pinaka-close sa akin, umalis na...ikaw yun," biro ni Joey kay Toni.

Dagdag ni Joey, "Wala...close ako sa show. ’Yan ang huwag kang aasa.

"Kunwari, absent lahat ng co-hosts mo, kahit ikaw mag-isa, magagawa mo.

"Close ka sa show, sa trabaho."

LOYALTY. Sa dami na ng napagtrabahuhan niyang istasyon, nasaan ba talaga ang loyalty ng isang Joey de Leon?

Sagot ni Joey, "Ako nga, binubura ko na ang Kapuso, Kapamilya, Kapatid. May bago na ngayon—Kalagare!"

Natatawang sabi ni Toni na ito’y dahil lahat ng istasyon ay nalalagare ni Joey.

Ayon naman kay Joey, "Mahal ko ang TV, mahal ko silang lahat.

"Pero yung mother show namin, nasa Kapuso, sa Seven, so nandoon yun.

"Pero, lahat...may loyalty ako sa ABS dahil dito ako nanggaling.

"Puwede namang tawaging loyalty yun dahil hindi mo nakakalimutan.

"Kapag dumadaan ako dito, nagku-krus ako," biro pa niya.

Natatawang hirit naman ni Toni: "Gawing simbahan!"

Sagot ni Joey: "Ganoon kalupit!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naman kung sa Channel 9 siya nadadaan?

Naluluha naman daw si Joey.

Aniya pa, "Iba yun. Doon ang first ten years ng Eat Bulaga!"

MOVIE WITH STAR CINEMA. Sabi ni Toni, kung dati raw ay si Joey ang nagtatampo sa kanya, ngayon daw ay siya naman ang nagtatampo kay Joey.

Pumayag daw kasi itong gumawa ng pelikula sa Star Cinema kasama sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ang Won’t Last A Day Without You.

Pero siya raw ay hindi pa niya nakakatrabaho si Joey kahit kailan.

Kuwento pa ni Toni, "Alam mo ba, noong nag-concert ako sa Araneta, akala ko ikaw ang walk-in surprise ko talaga.

"Nag-ready na ako, sabi ko, ’Iiyak ako kapag si Tito Joey.’"

Sabi naman ni Joey, "Parang dumating sa kamalayan ko ang concert mo. Wala, nasa bahay na lang ako, although...

"Ano ba, nagbobolahan ba tayo or ano?" natatawang hirit nito.

Pero dugtong ni Joey, "Hindi, totoo, pero siyempre, yung mga network war..."

Ano ang nakapagpapayag kay Joey na gumawa ng pelikulang gaya ng Won’t Last A Day Without You?

Ayon kay Joey, "Si Marivic Ong, matagal ko nang kaibigan ’yan.

"At sa mga interview, nababanggit ko rin...First two reasons, si Sarah.

"Parang kayo ni Sarah, kayong dalawa ang favorite ko.

"Ikaw sa TV, siya sa pelikula. Totoo ’yan, ha.

"Natutuwa ako sa batang yun.

"Tapos yung role, yung role na tatay niya. Rocker na madyondis [matanda] na ayaw sumuko na rocker pa rin.

"Yun ang dahilan.

"Tapos ang pangatlo pang dahilan, gusto mong malaman?"

"Ano?" sagot naman ni Toni.

Ani Joey: "Gusto kong magkita tayo. O, hayan, ang galing kong mag-segue."

Natatawang nahampas ni Toni si Joey sa mga hirit nito sa kanya.

Aniya, "Ikaw ha, ang galing mo talagang mag-segue, napapaiyak mo na naman ako!"

Napatayo naman si Toni sa kinauupuan at napahawak kay Joey sa sumunod na hirit nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Joey nang natatawa: "Alam mo kung bakit ako naiiyak? Biro mo, ang kasama mo sa Eat Bulaga!, Tito, Vic and Joey; tapos ngayon, si Rico J. Puno?

"Ano ka ba naman, wala kang kahihiyan?"

Paliwanag naman ni Toni, na natatawa rin, "Alam mo, Tito Joey, natutunan ko sa ating industriya, trabaho lang, walang personalan."

Hirit naman ni Joey: "So Rico, alam mo na, pina-plastic ka lang ni Toni."

Sagot naman ni Toni: "Hindi! Marami rin akong natutunan sa kanila.

"Pero, marami rin akong natutunan sa ’yo dahil lahat ng natutunan ko sa paghu-host, lahat yun, natutunan ko sa ’yo.

"Kaya noong sinasabi nila, kapag nananalo ng Best Female TV Host, kaya ko naman nakukuha yun because I’ve learned from the best.

"Galing yun sa puso ko. Yun, totoo yun."

KC INTERVIEW. Nang sabihan naman ni Toni si Joey na mag-plug na ng Won’t Last A Day Without You, sinabi ni Joey, "Oo, dahil hinihintay ko na rin ang pag-iyak ni KC. Nadadala ako."

Ang tinutukoy ni Joey ay ang taped interview kay KC Concepcion kung saan inamin nito na break na sila ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Patuloy ni Joey, "’Yan, totoo, magalit na ang ibang show. Pero talagang aabangan ko ’yan, matindi ’yan.

"Sorry Pia [Guanio] ha, hindi, talagang matindi ’to. Maski kayo, manonood dito."

Si Pia, na kasamahan ni Joey sa Eat Bulaga!, ay host ng katapat na programa ng The Buzz—ang Showbiz Central ng GMA-7.

Dagdag pa ni Joey, "Bakit kaya umiiyak si KC? Hindi ba yung pagkakalipat ng nanay [Sharon Cuneta]?"

Kinorek naman ito ni Toni at sinabing hindi dahil sa paglipat ni Sharon sa TV5 ang pag-iyak ni KC kundi dahil heartbroken ito.

Hanggang sa makapag-promote at matapos ang interview, hindi tinantanan ni Joey si Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro pa ni Joey si Toni tungkol sa boyfriend na si Paul Soriano na guwapo raw.

Pero hindi raw ba nito napapansing tumatalsik ang daliri ng boyfriend?

Pabiro rin itong sinagot ni Toni ng: "Minsan lang."

Natatawang binawi rin ito agad ni Toni. Na baka next week, siya naman daw ang mag-tell-all interview dahil sa mga hirit ni Joey.

Pero nahiritan pa rin ito ni Joey na balita raw niya ay may third party.

Itinanggi agad ito ni Toni at pinaalalang five years na silang magkasama ng boyfriend niyang si Paul.

Pero hirit ulit ni Joey: "Huwag kang mayabang. Meron nga diyan, twenty years, naghihiwalay. It comes in threes."

Tatlo raw silang co-hosts ng The Buzz—si KC, siya, at si Charlene Gonzalez.

Napa-knock on wood na lang si Toni na natatawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN